" Kung alam mo lang Xian," bulong ng isip ni Yasmin habang nakatitig kay Xian.
Nagpaliwanag agad si Xian, " Don't get it wrong. Crush kita noon..noong nag - aaral pa tayo. Ang babata pa natin noon, humahanga kahit kanino."
Napangiti nalang si Yasmin at yumuko ito. Masaya na siyang malaman na crush siya ni Xian noon. It's enough at masaya na siya na ganito pala ang naramdaman ni Xian noong bata pa sila.
" Kaya ba hinalikan mo ako sa park?" pabirong tanong ni Yasmin.
Nabigla si Xian, " huh? Hindi.. It's just a ... a kiss. Halik lang 'yon na pagbati ng happy birthday." Nabubulol na pagpapaliwanag niya.
"It's okay. Naiintindihan ko. Hindi mo na kailangang magpaliwanag," sabi ni Yasmin na napapangiti.
Medyo nahihiya ai Xian sa kanyang mga reaction.
" Nakakatuwang isipin noh.. ikaw pala 'yong batang lalaki noon na nagbigay ng lollipop sa akin. Hindi ko akalain..," sabi ni Yasmin.
" Hindi ko akalain na magkikita tayo ulit at babalik ka," sabi naman ni Xian.
Napatahimik si Yasmin. Tinitigan niya ang mukha ni Xian na nakatingin sa malayo.
" Kung hindi ba ako umalis.. magiging kami kaya?" tanong ng isip ni Yasmin.
" Haist! ano ba itong iniisip ko?"
Tumingin si Xian kay Yasmin, " Salamat at pinagbigyan mo ang request ni Marga na maging maid of honor sa kasal namin,"
Ngumiti si Yasmin at nagsabing," It's my pleasure! Masaya ako sa inyong dalawa!" but deep inside, may kumikirot sa kanyang dibdib. Naalala rin niya na kahapon noong nagtatalo sila Marga at Xian sa loob ng kwarto, baka may nangyaring kakaiba sa kanila. Well, they can do it if they like dahil engaged naman sila.
At napaluha ito.
" Ano ba ito.. Napapaluha tuloy ako sa kasiyahan," sabi ni Yasmin na pilit na ngumingiti. Pero sa totoo ay nasasaktan ito.
Napansin ni Xian na para bang may kakaiba kay Yasmin.
Tumayo agad si Yasmin sa kinauupuan.
" Siguro kailangan ko ng umalis," sabi ni Yasmin but tumayo rin si Xian at hinawakan ang kamay nito. Pinigilan niyang umalis muna si Yasmin.
" huh?"
Nagkatitigan ang dalawa na napakaseryoso.
" Salamat.. " sabi ni Xian.
" Ang swerte ni Marga," pabulong na sabi ni Yasmin at ngumiti ito.
She closed her eyes for a moment. In her mind," I need to let him go now. Ang lahat ng 'yon ay nakaraan. Mga bata pa kami noon at ngayon we need to settle down already. We're adults and knows what's the best for each other."
Dinilat na niya ang kanyang mata at ngumiti.
Walang pagdadalawang - isip, she suddenly kissed Xian sa lips.
Nagulat si Xian.
" Thank you" sabi ni Yasmin.
" huh?"
Pabirong tumawa si Yasmin, " Bakit ka namumula?"
Speechless si Xian. He didn't expect.
" Pasasalamat ko ' yan sa lahat ng ginawa mo sa akin noon." wika ni Yasmin.
" Ganun?" tanong ni Xian.
" Ganun!" sagot niya.
Then may nagtext kay Yasmin, si Marga: " Saan ka ngayon Yasmin? Pwede ba tayong magkita? Let's meet!"
BINABASA MO ANG
PERFECTLY Imperfect (COMPLETED)
RomanceNalaman ko nalang na ikakasal na ang aking matalik na kaibigan. She's my close friend nong high school, si Marga. I am so happy for her but then nagulat nalang ako na ikakasal na siya sa lalaking crush ko since elementary, si Xian. I never expected...