[Tejo's POV]
Seryosong kaso ng pagpatay sa isang teacher ng biology. Windang lahat ng kasamahan namin na nakakita sa bangkay ni Mrs. Monsserat.
.
.
.
Kung titignan kase ang bangkay nakaharap ito sa bintana ng Clock tower at ang sinag ng araw ay nakatutok sa bangkay. Pinagplanuhan kung paano ito makikita ng mga tao dito. Artistic Way kumbaga.
Nang makita ni Monique ang scenario, tumawag siya ng pulis, tinawagan din nya ang vice principal at pinaalis ang iba pang estudyante.
.
.
"Hindi ko ito inaasahan pero magkakaron ng pagbabago sa examination ng gustong maging myembro ng Highschool DXI" Sabi ni Monique, "Mga pulis lamang ang tinawag ko pero ang huhuli at hahawak ng kaso ay kayong mga gustong sumali, kung sino man ang natatakot ay pede pang umatras at yung hindi manatili dito"
Hindi ako makapaniwala sa sinabi nito, ganun ba siya ka desperada makahanap ng pedeng maging member ng club?
Isang murder to, ano kayang binabalak nya?
Tumingin sakin si Regina. Mukang sangayon siya sa naisip ni Monique.Meanwhile, maraming umalis at nag back out. Yung iba siguro naisip na wala silang mapapala sa ganto, yung iba naman natakot siguro. Yung iba naman nag selfie pa bago umalis. hay.
*Insert Face Palm here* (/∆°)
.
.
.
.
Ngayon 11 nalang kaming natira.
.
.
Since kami ni Regina eh sanay naman dito, Kami na ang nag presinta na tignan ang bangkay at dumito sa pinaka taas ng Tower. Sumama samin si Monique at yung iba pumunta sa baba, yung iba pang natira inutusan ni monique na i check ang profile ni Mrs. Monsserat.
Saking pagmamasid, sa tingin ko nag rigor mortis na ang kanyang katawan. Kung tutuusin mga 2 hours ba syang patay pero narinig namin ang boses mga 30 minutes palang ang nakakalipas.
"Tejo tignan mo sya, lagpas lagpas pa yung lipstick nya saka hindi maayos pagkaka makeup nya"- Regina
"Hmm oo nga no? Normal sa mga guro na maglagay ng makeup kasi isa yun sa mga requirement ng school pero sa tingin ko di naman nya kailangan babuyin yung makeup dahil magmumuka siyang clown", sagot ko
"Monique kilala mo ba si Mrs. Monsserat?" - Regina
"Ang alam ko mabait na teacher si Mra. Monsserat, marami syang kaibigan na guro dito. Ang tawag pa nga sa kanya Bestfriend ng Bayan kasi lahat bestfriend nya", - Monique
"So wala syang kaaway o nakasagutan? Kamusta siya sa mga estudyante nya?" tanong ko naman
"Hindi nyo pa kasi naabutan si Mrs. Monsserat. Kung may Teacher's pet, Siya naman ang Students Pet. Favorite siya ng lahat. Magaling siyang magturo ng Biology at Chem." , Monique
"Ahh ganun ba?"
Kung ganun anong motibo ng pagpatay sa kanya, Hindi kaya related ito sa pagkidnap Kay Mr. Luci. Isa kaya itong Threat signal para sa school?
Biglang tumunog ang orasan.
huh? dapat kanina pa yan tumunog ah.
dong..
BINABASA MO ANG
Highschool DXI
Mystery / ThrillerWhat Does the DXI doing? Why they exist? This is another futuristic story of a teen detective looking for an answer to a question that he don't know. Mysteries and Investigation. Enjoy reading .. :)