🥀Zarena
Kung kahustuhan ko ay ang pakawalan si Luke, hindi magiging madali iyon. Because Luke is persistent in making me stay.
Ilang araw na ang nakalipas pagkatapos ng pag-uusap namin at napapansin ko ang bantay sarado niyang mga akto sa akin. At night, he would make sure I'm asleep before he gets rest for himself. Sa tuwing nasa paaralan kami, lagi niyang sinisigurong may kasama ako. Na kasama ko sina Patricia at Catalya.
Pinapagalitan niya ako kapag hinahayaan kong makalapit si Diane. Ayaw niyang kasama ko si Diane. Pero hindi naman dapat iyon.
Tulad ko, babae si Diane. I know how a girl feels everytime Luke ignores her like she's nobody. Hindi man ako ang nasa situwasyon niya pero alam kong masakit para sa kanya dahil mahal na mahal niya si Luke.
Life is not going so well right now. Nagkakasakitan kami. May masasaktan sa lahat ng desisyong mapipili. Kahit anong pipiliin ko, may masasaktan at may masasaktan.
I blew a loud sigh.
Kasalukuyan silang naglalaro ngayon. They are playing a game against the Trives for game 2.
Pagak akong napangiti nang ipasa ni Seven ang bola kay Luke na agad nasalo nito at naipasok sa ring. And everytime that happens, lahat ng fans ni Luke at ng Vikings ay nag-iingay.
Luke never fails to amaze his fans. He never fails to prove his skills. He never fails to prove how worthy he is to be the captain. And I'm proud of him.
Kasi hindi siya tulad ng ibang mayayaman na nakukuha lang ang mga gusto dahil sa mga ugnayan na meron sila sa ibang tao. He does not get a title just because their family owns the school. Kilala siya dahil lahat ng meron siya ay pinaghirapan niya.
Tahimik lang si Diane sa tabi ko. She's watching Luke intently. Pero mabigat sa loob ko ang sakit na nakikita ko sa mga mata niya.
Rejection.
Disavowal.
Sadness.
Heartache.
Those are just some of the emotions that I see in her pained eyes whenever she's facing Luke. He always choose to ignore her. And that is heartbreaking for a girl if the man she loves doesn't reciprocate the love she has for him.
Ngunit sa puso ko, alam kong damang dama ko ang paghahalaga ni Luke sa akin. Pinapakita niya ito sa lahat ng tao at kahit itanggi ko man, di mababali ang katotohanan na masaya ako. Because everyday, every minute that counts, Luke shows his whole love for me.
Sometimes whenever he gets a chance, he would romance me. And I let him. Kasi kahit pigilan ko siya, di ko kaya. Dahil laging sumusuko ang sarili kong katawan sa mga haplos niya. Ang bawat paghalik niya ay pinaparamdam kung gaano niya ako kamahal. Kung gaano ako kahalaga sa kanya.
Pumikit ako saglit.
Pagmulat ko, isang masayang ngiti sa labi ni Luke ang sumalubong sa paningin ko.
I gave him a simple smile before he got his head back in the game.
"Za. Alam mo bang noong unang beses na nakita kita, inggit na inggit ako?" Rinig kong tanong ni Diane. Hindi ko man siya tignan, kung papaano pumiyok ang boses niya, alam ko na ang nakapinta sa mukha niya.
I can't say a word. So I chose to stay silent.
"I saw you at the cafeteria when I planned to visit Luke. Gandang ganda ako sa'yo. At noong nilapitan ka ni Luke noong binisita ko siya sa gym, nasaktan ako ng sobra. Mas dumoble ang inggit ko sa'yo" she laughed but behind those laugh, I hear pain in her voice.
"Ilang araw ko nang sinusubukang kausapin si Luke. Nagbabakasakali akong isang araw mapapansin niya ako at mag-uusap kami ng masinsinan pero hanggang ngayon hindi nangyayari iyon. Alam ko namang mahal ka niya pero sinubukan ko pa rin"
Alam kong nakikinig sina Catalya pero wala silang sinasabi. They sat silent.
"Alam ko ring mali itong ginagawa ko. Pero mahal na mahal ko kasi si Luke. Mula pagkabata pa lang hanggang ngayon. And I cannot affort giving him up without trying" I heard her sob. "But looking at him now, during the past days he's been with you, I never thought that such a powerful love exists. With the way Luke stares at you. The way he smiles at you. That way he touches you. His kisses on you. Lahat iyon pinapakita kung gaano ka niya kamahal. Dahil kaya niyang baliin ang mga utos ng papa niya para lang sa'yo" humihikbing saad niya.
I tried to compose myself. Ayokong ipakitang mahina ako. Lalo na at alam kong nakatingin si Luke sa gawi namin.
"I know I am intruding the relationship you both have. And I am sorry. I'm sorry kung ngayon ko lang na-realize ang pagkakamali ko. I'm sorry Za"
My heart throbbed in so much pain. Her cries are too much to bear.
Huminga akong malalim. Nagmamahal lang din si Diane. And I understand her pain. Wala siyang kasalanan kasi nagmamahal lang siya. Hindi naman nadidiktahan ang puso. She can't just unlove someone easily. Because that is not how love works. It takes time to forget a person. The heart can't stop loving just because a person wants to stop loving. The heart can't stop itself not to feel hurt no matter how much she wants it to be free from all those pain.
And I cannot blame Diane.
Kumuyom ang kamao ko. Nagdesisyon na ako.
Tahimik si Diane hanggang sa matapos ang laro. At nang makalapit sa akin si Luke, pilit kong tinapangan ang sarili ko. Pinilit kong huwag ipakita ang sakit sa mga mata ko.
May kunot sa noo ni Luke habang nakatingin sa akin.
I gulped nervously. "Congratulations" Simpleng sabi ko ngunit binalewala niya iyon.
His eyes darkened while looking at my eyes. Tinapunan niya saglit ng tingin si Diane. Umigting ang panga niya.
Sa gilid, kita ko sina Brix na nakatingin sa gawi namin. Tipid akong ngumiti sa kanila tsaka ko itinuon ang lahat ng atensyon ko kay Luke.
I observed how his eyes became dangerous.
"Come here" Malamig na sabi niya. His arms are wide open for me.
Kahit dama ko ang tingin ni Diane, lumapit ako kay Luke at walang pagdadalawang isip na pumasok sa bisig niya.
He hugged me tightly.
"Puwede bang ihatid mo si Diane pauwi?" Bigla ay tanong ko.
Ramdam ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin.
"Brix can do that" Walang buhay na sabi niya.
"Can you do it instead?" Kalmado ang boses ko ngunit sa kaloob looban ko ay sobra akong kinakabahan.
Mas dumoble ang kabang dama ko nang paharapin niya ako sa kanya.
"Ikaw ang ihahatid ko" The way he said it makes me want to shut my mouth.
Tumingin ako sa gawi ni Diane upang makita lang siyang nakatingin kay Luke.
"What the fuck are you trying to do now Za?" He's mad. I know that. Dahil halata sa mukha niyang ayaw niya ang sinabi ko. "Napag-usapan na natin 'to" sabi niya at nagulat ako nang halikan niya ako sa labi. Then he held my hand after that.
Hinawakan ko ang mukha niya para pigilan siya nang akmang maglalakad na siya habang hawak ako. "Luke she's hurting. Can you at least give her some time to talk to you please?" Pagmamakaawalang saad ko.
Subalit umurong ang kaliwang paa ko nang makita ang galit sa mga mata niya. "Ikaw? Tingin mo ba hindi ko alam na nasasaktan ka?" Pabalik na tanong niya.
Nagbaba ako ng tingin dahil alam kong tama siya.
"Ihahatid siya ni Brix. I-uuwi na kita. We need to talk about this" Matatalim ang bawat salitang binitawan niya. At hindi na ako nagkapagsalita pa nang simulan niya ang paglalakad habang hawak ng mabuti ang kamay ko.
Nervousness reigned over my system. Yung tingin sa mga mata niya, hatid nito ay boltaheng takot sa dibdib ko. Takot sa kung ano ang mangyayari. Takot sa bawat salitang matatanggap ko. Takot sa galit na nasa mga mata niya.
He is dead mad. And that scares me.