Chapter 27

105 9 0
                                    

Harley's POV

Hindi mawala sa isipan ko yung mga sinabi ng kaibigan ni Aliyah. Ganun na ba talaga ako katanga? Malaki ang utang na loob ko kay Anna pero nasasaktan ko na si Aliyah. Napahilamos ako sa mukha ko. Ang hirap!

"Wag kang umalis" napatingin ako kay Aliyah.

Napatigil ako ng sinabi niya yun nanatili itong nakapikit dala ng kalasingan.

Nilapitan ko ito at dinampi sa mukha nito at braso ang basang bimpo.

Bigla akong napahawak sa dibdib ko nang maramdamang nasasaktan ito sa 'di malamang kadahilanan.

"Bakit ako nasasaktan Aliyah?Sino ka ba talaga sa buhay ko?"

Dinampian ko ng halik ang noo niya at lumabas ng office niya.

"Ok na ba si Aliyah?" Tanong nung Ciara. Akala ko ba nakauwi na ito? Tumango na lang ako.

"Nakatulog na siya"

"Dati crush na crush kita ngayon hindi na sinasaktan mo na si Aliyah anim na taon siyang nagdusa Harley tapos sasaktan mo pa rin siya"

Ilang ulit ba akong aawayin nito? Alam ko may kasalanan ako pero nahihirapan din ako.

"Wala akong maalala" tipid kong sambit.

"Hindi sapat na dahilan yan. Ang puso mo ang pakinggan mo"

Bumuntong hininga ako.

"Sige na umuwi ka na ako na ang bahala kay Aliyah dito sa office niya"

Tumango ako at nag-paalam na. Lumingon muna ako sa office niya bago umalis.

Lumabas ako nang building pumara ako ng taxi at umuwi na.

"Dale!"
Bungad sa akin ni Anna.

"Bakit ngayon ka lang?"

"May pinuntahan lang" walang gana kong sagot.

"Saan?"

"Diyan lang" pumasok ako ng bahay mabilis din niya akong sinundan.

"Kay Aliyah ba?"

"Anna"

"Please, Harley wag ka nang makipagkita sa kanya alam mo naman yung mga ginawa niya sa akin di'ba?"

"Sige kung yun ang gusto mo"

Niyakap niya ako. Hindi ako gumanti sa yakap niya.

"I love you, Dale"

Hindi ako sumagot. Yung puso ko hindi tumitibok kay Anna nagwawala ang puso ko pag si Aliyah ang nakikita ko.

"I love you, Dale"

"I love you too"

Aliyah....

Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko kailangan ko nang gumawa ng paraan para makaalala ako.

"Ok ka lang ba? kanina ka pa tahimik"

"Ok lang ako"

Kumuha ako ng canned beer at binuksan yun.

Lumagok ako lang alak.

"Bakit ka umiinom?"

"Naguguluhan na kasi ako, Anna. Hindi ko alam kung sino ang papanigan ko at itong puso ko nasasaktan pag nasasaktan si Aliyah"

"Nangako ka sa akin na 'di mo ako iiwan, Dale"

"I promise"

Hinawakan niya ang kamay ko.

"I love you, Dale! Hindi ko makakaya pag nawala ka sa akin ako lang dapat papanigan mo ha"

Tumango ako at uminom ulit ng alak.

Janna's POV

Panira talaga ang Aliyah na yun bumalik pa sa buhay ni Harley. Masaya na kami eh nakalimutan siya ni Harley tapos guguluhin niya kami.

Hindi pwedeng malaman ni Harley na masama ako I need to act like an angel in front of him at si Aliyah ang magmumukhang masama sa paningin ni Harley.

Ang talino ko talaga pero 'di ko maiwasan kabahan. Paano kung makaalala na si Harley at iwan niya ako? Hindi maari! Kailangan kong bumili ng gamot na yun na pinabili ko sa goons ko.

Hindi niya pwedeng maalala si Aliyah. Hindi siya pwedeng bumalik sa babaeng yun, akin lang sa Harley akin lang.

"Anna, Ok ka lang ba?"

Binalik ko ang pagiging maamo ng mukha ko.

"Wala, Dale"

"Sigurado ka? Narinig kitang nagsisigaw"

"Ok lang ako wag ka ng mag-alala"

"Ah, sige matutulog na ako"

Tumango ako sa kanya at dinampian ng halik ang pisngi niya.

Nang masigurong tulog na si Harley tinawagan ko ang tauhan ko.

"Anong ipapagawa niyo, Ma'am?"

"Madali lang naman ipapagawa ko"

"May papatayin ba?"

"Oo"

"Sino?"

"Aliyah Jimenez ang pangalan niya gusto ko malinis walang gusot. Naiintindihan niyo?"

"Areglado, Ma'am"

Ngumisi ako. hindi ka magiging maligaya hangga't nabubuhay ako Aliyah.

A/N:sama ni Janna noh? Galawin mo lang si baby girl papatayin din kita sa story char hahaha.

Touch Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon