Meron akong kaibigan na nagpa-medical at nalaman sa XRAY na may PTB (Pulmonary Tuberculosis) sya.. iyak na sya ng iyak noon.. then later on nalaman nyang HINDI PALA SA KANYA YUNG XRAY NA INIIYAKAN NYA!! Badtrip eh.. hindi muna kasi binasa kung name nya yung nasa plate.. at thankful kami dahil doon, although nagagamot na ang TB nowaday mahirap pa rin magkasakit. Nagbago tingin nya sa mundo after nun..
At magkaibigan nga kami.. hay, i thought we will have a same story.
Nagpamedical din ako last 2013 habang kasalukuyan kong ginagawa ang Can I Wish Upon Your Star? and have a plan na mamamatay nga sa ending si Eunjean.. (sorry guys)
May findings sa Xray ko. Bwaaaa! Tiningnan ko yung plate dahil baka mali lang ng plate na naibigay sakin pero hindi eh.. pangalan ko talaga eh. Nagpanic na 'ko.. at kailangan ko daw ng another xray pero ibang view para ma-confirm kung ano ba talaga yun..(with lower radiation guys.. kaya don't worry..) pero lutang na 'ko nun.. feeling ko may taning na buhay ko. Iyak na ko nang iyak sa jeep pauwi kasi kinabukasan pa yung result noong isang test. Naisip ko yung mga kwento kong binibigyan ko lagi ng sakit para lang magkaroon mga twist ang kwento ko.. for my own selfish reason.
Wala pa kong alam sa mga sakit-sakit noon.. yung tipong akala mo may taning na agad buhay mo kapag nalaman mong may sakit ka pala..
Gusto ko sana i-secret yun sa amin pero wala obvious ako eh, halatang may problema.. kinausap ako ni nanay sa kwarto habang umiiyak ako.. "Nay.. ating dalawa lang 'to, may nakita kasi sa xray ko pero bukas pa malalaman kung sure na talaga yun.. baka kasi may sakit ako.." kumalma ako nung sinabi ni nanay na magdasal ako na walang makita bukas sa xray ko, na wala pala akong sakit..
Akala ko.. okay na.
Akala ko sa'min lang yun ni nanay..
Aba.. pagkalabas na pagkalabas ng kwarto ikinuwento na agad ni nanay yung sabi kong secret namin!? Ano ba!? Bakit naging kengkoy pa? Drama na eh..
At kinabukasan nga..
Confirmed.
Wala akong sakit.
Horrray!!! Kahit paikot-ikutin ko ang kwento pareho pa rin kami ng ending ng kaibigan ko..
Nagbago din ang perspective ko sa mundo dahil dun.. pati sa paggawa ng kwento nagamit ko yung personal experience ko.
But before that comical story, there was a tragic one.
Inatake sa puso ang kapatid ko. Her pulse rate reaches 200.. normal pulse rate is 60-100..
Sa first hospital na pinagdalhan namin sinabi ng resident doctor na ihanda na namin ang sarili namin dahil baka sumabog ang puso nya.
Biglang nagstraight line ang cardiac monitor.
Niyugyog ko yung kapatid ko at nagtawag ng mga nurse pero~
"Hmmmm? Bakit?"
Tulog lang pala. Sira lang daw yung cardiac monitor. Thanks God.
Nilipat namin ng ospital ang kapatid ko.. Sa Heart Center. Na-ICU ang kapatid ko..
Kasama ako nang isugod sya and I also fainted.
Nagdadasal ako na paglabas ng doktor maganda ang balita..
Ni hindi ako makapikit para umidlip.. Na-Trauma ako simula ng gabing yun.
Hanggang lumabas na ang doktor.
At okay na daw ang kapatid ko.
Sa haba ng kwento ko, ano ba ang point ko?
Kung gusto mong patawanin ang mambabasa, paiyakin mo sila sa simula.
Kung gusto mo silang paiyakin, patawanin mo sila sa umpisa.
Paglaruan ang emosyon.