Part 5

7.8K 134 1
                                    

Nagpaturo ako sa kaniyang manibat ng isda pero hindi talaga ako makahuli kaya para hindi na kami abutan ng paglubog ng araw, siya na lang ulit ang nanghuli. Kumuha na rin siya ng ilang pirasong sampalok sa punong nadaanan namin bago kami bumalik sa kubo.

Sinigang na hito ang iniluto niya at iyong iba ay iniihaw niya sa baga. Papadilim na nang matapos kaming kumain. Busog na busog ako. Napakasarap ng sabaw kasi babagong huli ang isda. Isa pa, dahil luto iyon ni Bakal at sinerve pa sa akin. Feeling ko tuloy humaba ang buhok ko ng ilang metro.

Nang kagatin na ng dilim ang buong paligid, sinindihan niya ang isang gasera na may langis yata ng niyog na ayon sa kaniya ang tawag nila ay kingke.

Lumiwanag ng bahagya ang silid, sapat para mailadlad ulit ang banig.

“Matulog na tayo,” sabi niya saka humiga sa isang kalahating parte ng banig. “Higa ka na habang hindi pa nauubos ang langis ng kingke, madilim na mamaya.”

Gusto ko namang matawa nang maisip na hindi malaking issue ang dilim sa akin dahil sa kasalukuyang panahon, sanay na ako sa dilim dahil mas gusto ko nga sa dilim at maraming nangyayari. Naroon na ang pakiramdaman, kiskisan ng braso o binti, hipuan, yakapan at hadaan.

“Salamat pala dumating ka,” seryosong sabi ni Bakal.

“Para saan? Ako nga ang dapat magpasalamat kahit hindi mo ako kilala, tinulungan mo ako at pinatuloy dito sa iyong kubo.”

“Wala iyon sa akin. Kaya ako nagpapasalamat sa iyo dahil mula nang mamatay sina Ama at Ina, ngayon ko lang naramdaman ulit ang maging masaya at ang muling tumawa.”

Gusto kong kiligin sa sinabi niya. Isang bahagi naman ng utak ko ang gustong kumontra: Ayan ka naman, napakabilis mag-fall in love, hindi ka na natuto.

Pero hindi ko rin naman maitatangging pareho lang kami ni Bakal dahil sa pagkakaalalam ko, ngayon lang ako naging ganito kasaya at nakatawa ng walang pait. Ngayon ko rin lang naramdaman na masarap pala ang mabuhay.

Humiga ako sa banig bago namatay ang liwanag ng kingke, nag-iwan ako ng espasyo sa pagitan namin. Natatakot kasi ako na baka magising na naman ang pagnanasa sa aking katauhan. Ayoko muna kasing magparamdam kay Bakal ng tungkol sa sex. Unang araw pa lang namin, gusto kong gawin namin iyon na may feelings na kami para sa isa’t isa.

Base naman sa reaksiyon niya sa mga nangyari sa amin kanina alam kong hindi iyon imposibleng mangyari. Alam ko, we’re going to that direction at walang kokontra!

Sawa na ako sa anonymous sex, sa cruising sex sa mga sinehan, comfort room, parke, simbahan, elevator, roof top, MRT, LRT at kung saan pang pwedeng maglabas ng init. Gusto ko maiba naman, gusto ko umusbong ang pag-ibig sa puso ko at sa puso ni Bakal. Gusto ko ng fairy tale….

Bakal At Bulaklak -CompleteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon