Title: Paskong Nawawala
Ako ay may tula
Kayo ay hahanga
Ang pasko ay malapit na
Matutuwa ang mga bata
Pero tandaan niyo mga bata
Laging mamintana
At baka kaming mga ninang at ninong nyo'y
Maglahong parang bula.
Sa araw ng pasko'y
Tiyak kayo'y mapapatulalaKapag kami'y nawala
Hwag kayong magwawala
Patawarin at unawain
At kayo'y magpapalaKaya ang maipapayo ko
Habang maaga'y mamintana
Bantayan mga ninang at ninong
At tiyaking walang kawala.(Ang tula ng isang ninang na biglang mawawala sa araw ng pasko.)
Lalaheart