Chapter 1 - Transfer

29 6 22
                                    


Steffie's POV

"Hoy! mga bwisit kayo, asan na dito yung chocolate ko para kay Mimi?!" Galit na tanong ni Shawn sa mga kaklase ko. Kanina pa yan sinasayang yung laway niya.

Ke aga aga ng mundo, sumisigaw na.

Andito pala kami ngayon sa school, naghahanap ng kuto. Charut!

"Wuy hindi ako yun ah!" Biglang sabi ni Kylle kaya napatingin kami lahat sa kanya.

Lagot ka...

Lumapit agad si Shawn sa kanya at pinandilatan siya.

Iniinspect nya yung buong katawan ni Kylle at may napansin siya agad..

Brad, may chocolate yung kamay niya.

*sigh*

"Gagu! Alam mo bang pinaghirapan ko yun?!" Sigaw ni Shawn sa kanya

"Masarap kasi, di ko na matiis eh"

May topak talaga. Kung ako kumain nun tumahimik nalang ako.

Pagkatapos niyang sabihin yun, hindi na sumangayang ng oras si Shawn at sumugod na kay Kylle.

Ayun, nag wrestling na yung mga unggoy sa sahig. Mga walampake sa puting uniform nila na nadudumihan na sa mantika kaka wrestle.

Kayo naglalaba?

Yung mga classmate ko naman parang may sariling mundo, hindi na pinapansin yung dalawa. Kaya yun rin ginawa ko.

Pero hindi ko talaga maiwasan na hindi mag-alala sa naglalaba ng uniform.

Oo, sa lumalaba ako nag-aalala. Mahirap kaya kunin yung mantika sa puting damit!

Sabagay, ganito naman talaga sila palagi.

Panu ko naman hindi malaman kung yung dalawa na 'tong parang sinapian, mga best friend ko?

Oo, malas nga ako.

May itsura naman sila pero yung ugali parang mga toddler na kakalabas sa mental hospital.

Napabuntong hininga nalang ako. Pahintuin ko na kay--- ARAY!

Mga gagu! Apakan pa naman daw paa ko?!

"Hala! Masakit?" Tanung ni Shawn.

"Ay hindi masakit! Ikaw nga apakin ko hindi ka masasaktan?!" Common sense bro!

"Chill lang Stef para kang anu... dinalawan ka na ba?"

Anaknang--

"Gagu!" Sigaw ko at  sumugod sa kanila.

Hin-ead lock ko si Kylle at sinipa si Shawn sa tyan. Mukhang masakit yun kaya...

"Ay! Sor--" hindi ko pa natapos yung sasabihin ko nang tinulak ako ni Shawn at nadapa ako sa sahig. Yung mukha ko pa nauna.

Ansakit ng face ko!

Wrestling part two na 'to! Pero andito na ako!

Nag-iba na isip ko. Bahala na uniform! hindi naman ako naglalaba.

Patuloy parin kaming nag-re-wrestle sa sahig pero tumatawa na kami. Pati iba naming mga classmate na nagdesisyong pansinin na kami ay nakitawa na rin.

Habang tumatawa kaming lahat, bigla nalang bumukas yung pinto at bumungad sa amin ang pinakapangit na hitsura ng guro.

Panu hindi manging pangit yan? Eh Nakasimangot kasi at parang wala nang pagitan yung kilay niya.

Hala galit siguro siya!

She Who Slays the BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon