“Shaylie's POV”
Lumalandi na naman ang panahon. Buti nalang at may lumipad na anghel galing sa impyerno. Akalain mo sa panahon ngayon meron paring tumutulong halimaw? Hay! Demonyong yon! Pasalamat siya at wala na akong ibang choice kung hindi sumabay sa kanya. Walang hiya pinagtawanan pa naman niya ako pagkapasok ko at ininsulto pa. Kapag mga HAYOP nga naman!! Ang kapal ng mukha noh?
Nagbihis muna ako ng pambahay pagkadating sa bahay. Ang ginaw talaga sa kwarto ko. Lumakas pa naman ng sobra ang ulan sa labas. Nagmistulang refrigerator tuloy ang kwarto ko sa sobrang ginaw. Lumabas muna ako ng kwarto at nanood ng TV.
“Bagyong Noreen, pumasok na sa PAR. Tinatayang maglalandfall ito sa Huwebes” tumambad ito sa TV pagkabukas ko.
Hahahahaha!! Natawa nalang ako ng marinig ko ang balita. Imbis malungkot ako dahil may bagyong paparating. Sino naman ang hindi matatawa kapag ang pangalan g Yaya mo ay kapangalan ang isang Bagyo?
Tinawag ko si Manang Noreen. Para makita niya ang news. Noong nakarating na si Manang Noreen sa Sala. Pinakita ko kaagad ang balita.
“Hala ka diha!Bagyong Noreen? Parehas kami ng pangalan?” pagtatanong niya sakin. Ngunit hindi ko siya sinagot at nakinig siya ng masinsinan.
“Manang makakaalis ka na!” sabi ko sa kanya. “Manang timplahan mo nalang ako ng Swiss Miss yong may Marshmallow ha!” mahinhin kong sinabi sa kanya.
Habang ginagawa ni Manang Noreen ang Hot Choco ko. Nilibang ko muna ang sarili ko sa paglipat-lipat ng mga channel. Pero sa kalagitnaan ng paglipat-lipat ko ng channel tinamad ako. Bigla nalang nagbrown-out.
“Manang?!! Nasaan ka?!” takot kong pagsisigaw sa bahay. Hindi dumating si Manang makalipas ang ilang minuto. Napagpasyhan ko nalang na bumalik sa kwarto at matulog.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Maginaw na hangin ang gumsing sakin. Naunahan ko ata ngayon ang alarm clock ko. Imbis maligo ako para makaalis na ako papuntang school, umupo lang ako sa kama at binasa ang mga walang kwentang text message.
Hindi parin tumila ang ulan. Ang landi-landi ng panahon ngayon.Sana walang pasok ngayon!
Pagkatapos kong magbihis dumiretso ako kaagad sa hapagkainan para mag-almusal.
Nakita ko si Mommy na binabasa ang News Paper habang kumakain. Hindi ata ako napansin ni Mommy. Noong malapit na ako sa lamesa. Binati kaagad ako ni Mommy ng “Good Morning” nginitian ko lang si Mommy. Sapat na kaya ang isang smile ko sa umaga.
Binuksan ni Manang Noreen ang TV, upang makinig ng balita.
Pagkalapag ni Manang Noreen ng almusal ko. Aba! Siyempre go lang ng go kainan nato! Parang isang iglap lang ubos na kaagad ang pagkain ko. Sayang hindi pwdeng dagdagan ang pagkain nasa harapan kasi si Mommy.
Laking gulat ko lang ng tinawag niya si Manang Noreen para dagdagan ang pagkain ko.
Halos mamatay na ako sa pagkababoy kong kumain. Nabilaukan tuloy ako, pero okay lang worth it naman.
Sa sobrang busog ko halos hindi na ako makatayo dahil sumasakit ang tiyan ko. Paano naman kasi ang sarap noong almusal paborito ko pa naman.
Tumatakbo na si Mommy sa buong bahay sa kakahanap ng susi sa sasakyan. Buti nalang at nahanap niya sa madaling panahon.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Noong nakadating ako sa school. Aba!! Siyempre hindi ako nabasa ng ulan. Habang tumitingin sa paligid nakita ko yong mga ibang estudyante na basang-basa.
Ilang sandali ang lumipas dumating si Loraine. Aba hindi rin nagpatinag ang lola. Posturang-postura.
Ayun naglakad-lakad muna kami sa paaralan, palibhasa 7:14 am pa at ang pasok naman 7:45.
Nagkakagulo na naman malapit sa Computer room. Nakakabingi na hiyawan ng mga babae nakakasira ng araw. Siguro si Jayden na naman ang tinitilian nito walang duda.
Ayun nga tumamba sakin ang Halimaw na naka smile pa. Tumalikod ako at dali-daling hinila si Loraine palayo, baka maghysterical din ito.
“Shaylie!!Ano bang problema mo? Chance ko na yon na makausap si Jayden My Labs! Hindi mapakali niyang tanong sakin.
“Wala akong problema! Gusto mo problemahin kita? Malalate na tayo oh! Sagot ko habang naglalakad ng mabilis.
“Itong matandang to!! Ang KJ! Sagot niya sakin.
“Bahala ng KJ” ani ko sa kanya “wag lang si Jayden na halimaw” pabulong kong sabi.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Malandi parin ang panahon, hindi pinakawalan si Mr. Sun.
Lumipas ang araw na parang bula. Parang walang nangyari dahil sa ulan nato. Halos lahat ng estudyante ay nakatulog pati si Loraine ay nakatulog din. Sino nga ba hindi makakatulog sa panagon ngayon at paano ka hindi makakatulog kung ang classroom niyo aircon?? Aber!!!
Noong nagring na ang bell dali-dali akung lumabas ng classroom papunta sa locker ko. Pero ang dami ng tao.
Napagpasyahan ko nalang na pumunta sa cafiteria para makakain muna ako kahit konti lang. Habang nginunguya ko ang sandwich ko. May taong tumapik sa likorang bahagi ng ulo ko. Tiningnan ko kung sino, pero wala naman tao. Pagkaharap ko nagulat ako sa nakita ko ang Halimaw.
Tinakpan ko ang mga mata ko at nagsisigaw ng “Umalis kang halimaw ka, kung ayaw mong mamatay!”
Pero hindi siya nagpatinag nagmukha tuloy akung baliw sa ginawa ko. Nakakahiya pa naman ang ginawa ko, buti nalang at hindi marami ang tao sa Cafeteria.
Tinapos ko kaagad ang sandwich at juice ko para makaalis na. Pero nong aalis na sana ako hinawakan ni Halimaw ang kamay ko. Napatingin ako kaagad.
“Upo” habang nakasmile ng malaki.
Ano kaya ang problema nitong Halimaw nato?
“Ano ba ang problema mo ha?!” tanong ko at tinaas ang kilay ko.
“Problema ko? I......Ikaw!! Ang ganda mo parang kang anghel na nahulog sa langit!” nakangiti niyang sagot sakin.
“Aba!! May topak ka ata sa ulo no!” sagot ko at kumaripas palayo.
Noong nakarating na ako sa C.R.
Totoo bato! Bakit namumula ang mga pisngi ko? Kinikilig ba ako? Paano nato? Hinding-hindi ito pwede. Kay Loraine na siya diba. Shaylie gumising ka. Bakit ka ba kinikilig?
Could this be love??
******************************
Hey guys sorry for the late update. I had many things to do in school and we had examination. Guess what?! Seem break is fast approaching, so this means update to the highest level. Thank you guys for your full support. Yeahey!! Thank You so Much guys for reading SB and keep reading
Could this be love or Could this be hate?
Vote? Comment? Fan? And Keep Reading
Love yah B*tches!! Mwah!
BINABASA MO ANG
Silent Bitch
RandomSiya si Jayden Monteverde ang tinitilian ng mga babae sa Sky International Academy. Siya ang ideal man ng mga babae dahil nga sa kanyang kagwapohan, ngunit bobo sa larangan ng pag-ibig. Eto ang lucky girl! Shaylie Patricia ang pangalan niya at pagsi...