Tagpuan 2

9 2 2
                                    

Huh!” gulat na sabi ko nang maalimpungatan ako, bakit puting kisame ang nakikita ko… pinilit ko na igala ang aking paningin kahit na nahihilo pa ako, at nakita ko nga ang suwero na naka kabit sa kamay ko.

Nakita ko rin si mama na nagbubuhos ng tubig sa baso…

“H-Hazel?” gulat na sabi nito ng makita niya ako na gumalaw.

“Hu-Huwag kang gagalaw… diyan ka lang” lito na sabi nito at tumakbo na palabas ng silid.

“Mabuti at gising na siya sabi ng doktor, pagkatapos niya akong check-up in. Hindi man lang ako kinausap at tuluyan ng umalis at lumabas ng silid.

“Ma, ilang oras po ba akong tulog?” tanong ko kay mama kinaumagahan, medyo nawawala na ang hilo ko.

“Anong oras? Tatlong araw ka’ng gising Haze, akala nga naming hindi ka na magigising eh” sabi ni mama.
“Po?” gulat na tanong ko.

Natigil lang ang usapan naming ng pumasok ang mga doktor sa silid ko.

“Tanggalin na natin ang dextrose mo” sabi ng doktor at basta na lang hinila ang kamay ko.

Ganoon din ng bitawan niya ito. Pabagsak din niya ito ibinaba sa kanlungan ko. Tinignan ko siya ng masama at ganoon din ang ginawa niya bago ito lumabas.

“Hmmm? Ano kaya problema noon sa akin” pabulong ko
“Mabait ‘yon si Doktor Lorenzo” sabi ni mama.
“Paanong naging mabait ‘yon? Eh kulang na lang ihagis palabas ang kamay ko” pa ismid ko’ng sabi kay mama.

“Intindihin mo na lang anak, sino ba naman kasi ang matutuwa sa ginawa mo?” sagot ni mama.

“Hello! Ma, FC lang? Close ba kami para gawin niya ‘yon?” inis ko pa na sabi

“Baka, problemado din… naka confine din kasi dito ang nobya niya sabi ng mga nurse” sabi pa ni mama… habang pinupunasan ang kamay ko na tinanggalan ng karayom.

“Oh” sabi ko na lang at tumahimik.

Sinubukan ko na maglakad-lakad ditto sa corridor ng hospital para malaman sana kung kaya kung hindi na ako nahihilo.

Nairita lang ako ng halos lahat ng madaanan ko ay tumitingin sa akin at sa braso ko na may benda. Minabuti ko na lang bumalik sa silid ko nang makita ko siya ang doktor na nag-asikaso sa aki mula sa salamin na bintana ng silid, naka-upo siya sa kama ng isang pasyenteng babae.  Nakangiti siya at hinahawakan ang pisngi nito, ibang-iba sa aura niya kapag ako ang kaharap niya.

“Tsk… marunong naman pala na ngumiti eh” bulong ko na naka ismid. Tumalikod ako ng makita ko siyang lumabas ng pintuan. Muli kong tinignan ang babae at nagulat ako ng makita ko siyang naka tingin sa akin.

“Huh?” gulat na sabi ko nang makita ko siya na kawayan ako at tawagin na pumasok. Napalingon ako sa paligid, ngunit wala ako’ng nakitang ibang tao maliban sa akin.

“Hi!” wika niya ng pumasok ako ng silid niya… itinuro niya sa akin gang putting roba at mask, kaya isinuot ko naman ito bago lumapit sa kanya.

“Upo ka” nakangiting wika nina, kita pa rin sa mukha nito ang angking kagandahan kahit nangingitim ang paligid ng mata at humpak na mukha.

“Ako si Elise, maari ba kitang maging kaibigan?” wika niya na ikinagulat ko.
“Ah, ako naman si Hazel” wika ko nang hawakan niya ako sa braso kung saan may benda pa.

“Huwag mo’ng sayangin ang buhay mo, marami sa atin ang naghihintay ng milagro para lang mabuhay pa ng mas matagal at makasama ang kanilang mahal sa buhay” wika nito sa akin… na halos ikaluha ko.

Sasagot pa sana ako nang makita ko ang isang lalake na pumasok sa silid at galit nag alit.

Less than a minute storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon