11
NAKITA nina Magui at Carmella kung paano nawala ang ngiti sa labi ni Daniel pagkatapak niya sa labas ng kwarto ni Kathryn. Kitang-kita sa mata nito ang panlulumo at pagsisisi. Nakakuyom ang panga at kamay nito. Parang gusto pa nga ng binata na iuntog ang ulo sa dingding dahil sa inis nito sa sarili niya.
Tumalikod na ito sa direksyon ng kanyang mga kapatid at naglakad patungo sa sariling kwarto. Nakita nilang bumuntong-hininga muna ang binata bago tuluyang pumasok sa tinutulugan nito. Lumabas na sa kinakukublihan nila ang magkapatid at humugot ng malalim na hininga.
"Minsan talaga, ang tanga ni Kuya," wika ni Magui. "At narinig mo ba ang sinabi niya? Ginamit niya pa ako! Magaling daw ako gumawa ng kwento!"
Tumingin naman si Carmella sa kapatid. Totoo naman kasi ang sinabi ng kanilang kuya. Expert na si Magui sa pagsisinungaling at kahit gaano ka-imposible ang isang kwento, nagagawa nitong imposible. Si Magui ang dahilan kung bakit napilitan si Sam na sabihin sa kanila kung nasaan si Daniel. Iba kasi gumana ang utak ni Magui. Siya yung tipo ng tao na maparaan at ginagamit talaga kung ano ang resources na mayroon siya.
"Ate, aminin mo ng expert ka sa paggawa ng kwento," saad ni Magui. "Feeling ko nga writer ka sa past life mo eh."
Sumimangot si Magui sa narinig galing sa kapatid. Inirapan niya si Carmella. "Anyway, kailangan nating tulungan si Kuya. Gusto ko si Ate Kathryn para sa kanya."
"I want her too!" pagsang-ayon naman ni Carmella. Mabait si Kathryn sa kanya at mahaba ang pasensya nito. Parehas pa nilang gusto ang computers at robots. Magaling pa ito magtago ng sekreto. Tiyak na magkakasundo talaga sila ni dalaga. Hindi kasi ito katulad ni Michelle na mabait lang kapag nakatingin ang kanilang Kuya.
"I'll try to think of a plan," sabi ni Magui. Pinag-ekis niya ang kanyang mga braso sa tapat ng dibdib at malalim na nag-isip. Ilang saglit pa ay may plano ng nabuo sa kanyang isipan. Napangisi siya at tumingin kay Carmella. "I think, I got it."
Pinalapit niya ang kanyang kapatid sa kanya at ibinulong dito ang kanyang plano. Ngumisi si Carmella habang nakikinig.
UMUPO si Kathryn sa gilid ng kama para magmukmok. Itinaas niya ang kanyang mga paa para mayakap ito. Ibinaon niya ang kanyang ulo sa pagitan ng dibdib at ang kanyang mga hita. Ang buong akala niya, ito na ang magiging pinakamasaya na gabi para sa kanya, pero nagkamali siya. Labis siyang nasaktan sa mga pag-aakusa ni Daniel. Hindi niya akalain na ganoon ang naiisip ng binata tungkol sa kanya.
Bakit ba patuloy siyang nasasaktan? Wala na ba siyang karapatan na lumigaya? Ano bang nagawa niyang kasalanan para masaktan ng ganito? Nagtiwala lang naman siya ng lubos pero hindi niya alam na gagamitin lang siya ng taong pinagkatiwalaan niya. Madami siyang buhay na nasira at dahil doon nagkulong siya mag-isa sa isang mansyon sa tuktok ng bundok para makatakbo sa problema at makalimot. Dito rin niya sinimulan ayusin ang sarili niya.
BINABASA MO ANG
The Isolated Maiden (Maiden #1)
General FictionA brokenhearted businessman Daniel Padilla meets the computer genius Kathryn Bernardo in an isolated mansion in the mountains. Will they find love in each other's arms?