Chapter 1

99 5 0
                                    


SAGLIT NA NATIGIL SA PAG-A-APPLY NG MASCARA si Suzannah Dizon at kunot ang noong pinagmasdan ang sarili sa salamin. Daangkasi'y napansin na naman niya ang buhok. Maganda naman iyon. Mahaba at makintab at halatang alaga. Lamang hindi na iyon kasing-itim tulad ng dati.

"Oh my god." Malakas siyang napapalatak habang hile-hilerang hinahawi ang mga hibla niyon. "Dati iilan lang ang puting buhok ko. Ngayon ang hirap na itago, o."

"Hello?" Sinulyapan siya ni Mercy, ang co-teacher at naging matalik na kaibigan sa kolehiyong pinagtuturuan. "Umaasa ka pa na forever tatlong hibla lang 'yang uban mo? Unang una, madalas tayong konsumido sa klase. Ikalawa, mahigit kwarenta na tayo, mamshie. Kailangan na rin natin ng reading glasses at hindi na madali sa atin ang mag-diet para pumayat."

Mamshie. She snorted at her friend's use of that word. Sinusubukan naman niyang umagapay sa makabagong lenggwahe pero minsan talaga, nakakapangiwi pa rin marinig o mabasa ang mga naiimbentong salita ng mga higit na nakababata sa kaniya.

"'Di naman kailangan ipangalandakan na tanders na tayo, 'no," protesta niya.

"Aba, bakit?" Umangat ang kilay nito. "Wala namang masama kung tanders na tayo. Eh, iyon ang totoo."

Kunsabagay, hindi naman siya kailanman nahiyang aminin ang kaniyang edad. Nakikisakay lang siya paminsan-minsan sa nakasanayang itatwa ang katotohanan tungkol sa taon ng kapanganakan.

"At least, we are aging gracefully," dagdag nito na ikinangiti niya.

"Naku, 'yan ang ipinagdikdikan ng nanay ko sa akin." Binalikan niya ang paglalagay ng kulorete. "Hindi na raw baleng tumanda. 'Di naman 'yun maiiwasan. Pero sana'y may pinagkatandaan. And age with grace and dignity."

"Sino sina mga 'yun? Friends mo?" Humalakhak ito sa sariling joke.

"Nakakaloka ka." Tawa niya habang pinararaanan ng brush ang lagpas-balikat niyang buhok.

"Parang maganda nga sana kung nagpakulay ka ng buhok last week," anito nang mahimasmasan. "Not necessarily to hide your silver highlights pero matagal ko na naisip na bagay sa iyo ang mamula-mulang buhok. This event would have given you an excuse."

"Ako na naman ang nakita mo." Tinaasan niya ito ng kilay. "Ikaw kaya ang matagal nang naghahanap ng excuse para makapag-salon."

Ngumisi ito. "Fine. Ang hirap mo naman kasing yayain mag-change image." Itinaas nito ang kamay para haplusin ang kaniyang buhok. "Sabagay, winner naman sa kintab at ganda ng bagsak niyang crowning glory mo. Hindi na halata 'yang uban mo. Plus, ang kutis mo na walang pores. Pang-teenager."

"Kutis lang ang pang-teenager." Nanulis ang nguso niya at saka itinuro ang dibdib at tiyan. "Kumusta naman ang laylay na boobs, ang tatlong palapag na bilbil, at ang hips ko na lumalapad makakita pa lang ako ng litrato ng ice cream sundae?"

"Sus!" Tinampal nito ang kaniyang bisig. "Dalawang sanggol na ang iniluwal mo at naglambitin diyan sa dibdib mo. Kebs na sa love handles at saggy boobs, 'no. Senyales 'yan ng masaganang buhay."

"Talaga." She smacked her lips to blot the lipstick she had just applied. "Masagana sa taba."

"Sabi ko nga, kebs. " Inilahad nito ang dalawang kamay na parang ipiniprisinta siya sa isang non-existent audience. "When a woman oozes with self confidence and glows with contentment, wala nang kailangang palamuti pa."

"Naks!" Kinindatan niya ito. "Magpapalibre ka ba sa akin, o may kasalanan ka na kailangan mo ihingi ng sorry?"

"Gaga." Isinukbit na nito ang bag. "Magmadali ka na. Baka ma-traffic ka, wala kang abutan sa buffet. Alalahanin mo, triple ang bigat ng traffic ngayong December at magpa-Pasko na."

My Grownup Christmas WishWhere stories live. Discover now