Chapter 2

39 4 0
                                    


November 26, 2016

WALA PA TALAGA SA PLANO NI Carlos Arcilla ang bumisita sa Pilipinas kahit ba mahigit dalawang dekada na siyang hindi gumagawi roon. He was going to but maybe in the next couple of years. Pero hayan siya, nag-iimpake ng mga damit, sapat para sa isang buwang bakasyon. Pero sa puso niya, sa isip niya, handa siyang mamalagi nang higit doon. Uso naman ang magpa-laundry at madali rin mag-shopping ng dagdag na maisusuot.

Ano ang nag-udyok sa kaniyang gumawa ng madaliang desisyon? Hindi naman mababaw ang dahilan pero hindi rin life-and-death situation.

Nagsimula ang lahat kahapon nang naisip niyang golden jubilee na ng college org niya. Big deal sa pagdiriwang ng anniversaries ang fifty years, pihadong may selebrasyon. Tama lang na dumalo siya lalo na at wala siya noong nag-celebrate para sa silver jubilee. Ginanap kasi iyon pagka-graduate niya at katatanggap lang sa kaniya sa trabaho. Wala pa siyang maipa-file na vacation leave.

Palagay din niya'y panahon na para magparamdam siyang muli kay Suzannah.

Kung papansinin pa siya nito.

Kasi naman.

Malapit sila sa isa't isa. Sa saglit na nakilala niya ito sa PE 2 class noong second semester ng junior year niya, lalo pa nang pumayag itong sumapi sa college org niya, naging permanenteng bahagi na ito ng araw araw niya.

They shared and did almost everything together. At least, as much as their common free times allowed them. Inihahatid niya ito pauwi (along the way ang bahay nito sa Guadalupe patungo sa inuuwian niyang bahay ng tiyahin sa Makati), at sinisiguro niyang natatawagan niya ito gabi gabi bago matulog.

Sa kalaunan, pinagkakamalan na silang may relasyon nito kahit wala naman talaga.

At doon siya nagkamali.

Espesyal ang pagkakaibigang pinagsaluhan nila nito. Malalim ang damdamin niya para rito. He was very fond of her. He. . .

He loved her.

Dammit.

Kaya ayaw niya sanang umuwi ng Amerika noong summer matapos niya itong unang nakilala. And when once upon a time, he looked forward to his graduation, he came to dread that day dahil iyon na ang hudyat ng tuluyan nilang pagkakahiwalay.

Pero ano naman ang magagawa niya? Isa siyang US citizen. Nasa Maynila lang siya dahil gusto niyang mag-aral sa unibersidad kung saan nagkakilala at nagtapos ng kolehiyo ang mga magulang niya. Sentimentality lang ba. Mabuti na lang at premyadong unibersidad din iyon. Dagdag sa magandang reputasyon niya ang makapagtapos doon. Hindi niya lang inasahang may isang Suzannah na darating sa buhay niya.

Napapikit siya. May nadama siyang kirot na gumuhit sa gitna ng kaniyang dibdib.

He loved her and yet he did nothing about it. Kahit alam niyang mahal din siya nito, hindi niya pinangahasang itawid ang antas ng relasyon nila mula sa pagkakaibigan sa pag-iibigan.

At the time, and until the present, he believed it was for the best. Iiwan niya ito. Maaari naman siyang magbakasyon paminsan minsan pero gaano kadalas iyon? At ilang taon ang pagitan? Masyadong walang kasegurohan ang hinaharap. Maraming maaaring mangyari sa mga panahong wala sila sa piling ng isa't isa. It would be unfair for them both to be tied to one another.

Ipinilig niya ang ulo at huminga nang malalim na tila ba humuhugot ng lakas para sa gagawin. He typed her name on Google's search field and felt his heart triple its rhythm when he saw several entries of her name. Hands shaking, he clicked on the first entry and was redirected to her Facebook account.

My Grownup Christmas WishKde žijí příběhy. Začni objevovat