Chapter 9

17 0 0
                                    

"I wanna go to Macau next month," nakangusong sabi ni tita Leah. "Your kuya Adrian and Yuan did not allow me though."

Nasa bahay ako nina tita Leah ngayon. Naisip kong dumaan dun dahil naubos yung ink ko at hihingi sana ng extra ink kay kuya Adrian.

"Why not daw po?"

"Because I had a surgery. Look how over reacting your tito and your cousins are," tila nagsusumbong na sabi nito.

"They do have a point tita," marahan kong sabi. "You were just operated last month and your body is still in the recovering stage."

Tita Leah was diagnosed of having kidney stone. Hindi na madaan sa gamot kaya ito naoperahan. Madali namang nakahanap ng donor kahit pa hindi nag-match yung kay Kuya Adrian. Yung pamangkin ni tita Leah sa nag iisang kapatid ang nag-donate.

"I still want to relax. They can join if they want to. Kaya lang ay busy sa thesis ang kuya Aid mo samantalang si kuya Yuan mo naman, kailangan daw ng mommy niya."

Napatango tango ako.

"I don't get Yuan's mom. Pagkatapos niyang ipamigay na lang sa pamilya natin ang anak niya eh ngayon kung paano niya na lang minamanduhan," dumaan ang galit sa mata nito.

I can't blame tita Leah for having such reaction. Kuya Yuan is tito Steve and his mom's child out marriage. His mom don't want to accept his existence before. Tinakot lang ni tito Steve kaya hindi pinalaglag ang bata.

Tito Steve took care of kuya Yuan after he was born. Even though tito married someone else, he's a good father to kuya Yuan. Kahit nga noong dumating si Jaru sa buhay nito ay nanatili ang pagiging mabuting ama nito sa panganay na anak.

Noong nag-highschool ay bumukod na si Yuan kina Jaru. He is not saying it but I know that he just want to show some respect to tito's wife, tita Lilian.

Mabait naman ang huli sadyang hindi lang kumportable si kuya Yuan sa set up. Tita Leah and tito Arnold offered their home. Hindi kasi sila payag sa maagang pagiging independent ni kuya Yuan. After that, kuya accepted their offer.

Same with my story, kuya Yuan was influenced by Arnold. He took up civil engineering and he works at tito Arnold's firm.

Lately, his mother contacted him to get some help. We are really concern about him right now, especially tito Steve, since kuya Yuan decided to help his mom. Hindi na kami nakaimik dahil sariling desisyon na nito iyon.

Napatingin ako sa labas ng bahay. It is still raining and kuya Aid was not home yet. Nakakuha naman na ako ng isang bote ng ink kaya lang dahil mukhang malungkot si tita ay hindi ko maiwan.

"I want a daughter," nakangusong sabi nito.

Napangiti ako sa sinabi ni tita. Lagi niya kasing nirereklamo 'yon. Hindi nga lang maaari dahil muntik na itong mamatay sa panganganak kay kuya Aid. Kumplekado itong magbuntis.

"I'll just prepair some snacks," sabi nito pagkuwan ay tumayo. "I baked some muffins last night, would you like to try."

Tumango tango ako kaya bumaba na ito sa hagdan papunta ng kusina. We are currently in their entertainment room and watching some home shopping networks.

I get my phone from the center table. Titignan ko kung nagtext na si Justin doon. Wala pa rin. Napanguso ako. I texted him a 'good morning' greeting and up until now I did not receive any response back.

It is past two pm already. Napanguso ako. Nakakainis! I don't want him to see me as someone demanding pero napapaisip ako.

We've been dating for three weeks now. Minsan ito naman ang nagyayaya na mag-date kami. Pero ang hirap palang ka-date ng lalaking sobrang talino.

          

He prefer to bring me to libraries. Minsan naiiling na lang ako kasi kinukwentuhan niya ako patungkol sa human evolution at ang iba't ibang theory kung paano nadevelop ng ganito ang tao.

But, despite all the nerdy talks, I think I'm beginning to love him. Like seriously, even though he often brings me to libraries I find him attractive. Kahit kasi nakatutok ang mata nito sa libro ay attentive siya sa sinasabi ko.

One thing I discover about him is, he is a good listener. Maaalalahanin din ito. Nang minsang nadulas ako sa pagpa-practice ng volleyball ay pinuntahan niya agad ako sa school clinic para gamutin.

Alam ng mga ka-team ko na boyfriend ko si Justin. Nakailang beses na rin kasi kami nakitang magkasama kaya noong nagtanong sila ay hindi ko na itinanggi. Pinagdadasal ko na lang na hindi makarating kay Drake. Member pa naman iyon ng basketball team ng School of Accountancy and Business Management.

I look back at the television. Ang nasa commercial ngayon ay sweet na couple na sabay ino-operate ang wahing machine.

Kumikirot ang puso ko dahil wala pa akong nababasa ni isang text galing kay Justin samantalang hapon na. I think I wanna cry. What if he is just being a gentleman? Na nagandahan lang siya sa akin sa unang tingin at noong nakilala ako ay na-realize niya na ayaw niya pala ako.

I shooked my head. I should not overthink. Bababa na lang ako ng hagdan para tignan ang ginagawa ni tita. Tila tinatamad akong bumaba ng hagdan.

Sumalubong sa akin ang kunot noong mukha ni Justin. He is wearing a causal white shirt and black pants. Mukhang hindi naman ito busy kaya yung lungkot na nararamdaman ko ay napalitan ng inis.

Inismiran ko ito at nilagpasan nang hindi pinapansin. Dumiretso ako sa kusina kung nasaan si tita Leah.

"Abby, sorry natagalan ako. Bigla kasing may dumating na bisita," lumipat ang mata nito sa likod ko. "Si Justin, inaanak ko."

Alam ko na nakasunod sakin si Justin kaya hindi ko na pinagkaabalahang lumingon para makumpirma. I am really pissed off.

"Abby this is Justin," Pagpapakilala ni tita.Napilitan tuloy akong lingunin ito. "-and this is Abby, my niece."

Nakakunot pa rin ang noo nito sa akin. Parang balewala lang dito na hindi siya nagreply sakin ha. Bumaling ako kay tita.

"Tita uwi na po ako. Naalala ko na marami pala akong gagawin," sa ngayon ay iiwasan ko muna ang mokong na 'to.

Nagtataka man ay tumango tango ito. "Sige, would you like to take this home?"

Ipinakita nito ang muffin na nasa table. Na-guilty naman ako. "Sige po kakain muna ako bago ako uuwi."

Ngumiti naman ito. "Tara Justin, have some as well."

I saw Justin from my pheripheral view. Humila ito ng upuan sa tabi ko at umupo.

"Bagay kayo," muntik akong masamid sa sinabi ni tita. "Just kidding. Kapitbahay pala natin sila, Abby. Bahay nila yung nasa tapat ng bahay namin na katabi niyo naman."

I nodded acting as if tita said something interesting. Tahimik akong kumuha ng muffin at nginuya ito. Masarap naman, mapait lang talaga ang pakiramdam ko.

Justin starred at me like he's trying to figure me out.

"Justin, thanks for the recommendation. Magaling si Dr. Sanchez," tinignan ito ni tita kaya napabaling ang tingin nito sa huli.

"He's my professor ninang. I hope you are feeling better. Pumunta pala ako dito dahil may ibibigay akong libro para may masundan kang routine of exercise na pwedeng gawin ng mga kagagaling sa surgery."

Ang thoughtful naman ng nerd na 'to samantalang ako ni hindi man lang nareplyan.

"You should make sure that all supplements will be taken on time," sabi pa rin nito kay tita pero mayamaya kung tumingin sa akin.

Sa sama ng loob ay tumayo na ako. "Tita, I'm done na po. Thanks," nakangiting sabi ko. "I'll go home na tita."

"Okay. Sige mag iingat ka. Tell your mom about our meet up. You might wanna join as for spa tomorrow?" sabi nito.

"I have my classes in the afternoon po. Sige I'll go ahead." I kiss her in her cheeks.

'Yon lang at dali dali na akong lumabas ng bahay. Hindi ko na pinansin si Justin. Bahala na kung magtaka si tita Leah sa inasal ko. Mabuti na lamang at hindi na umuulan. Bigla kong naalala na naiwan ko pala sa entertainment room nila tita yung ink. Bahala na mamaya. Magpapabili na lang ako kay Drake.

Naglalakad na ako sa sidewalk nang may biglang humawak sa braso ko. It is Justin with his cold stare.

"What's the problem?" tanong nito.

Bakit ba ito pa ang may ganang magalit?  Iniiwas ko ang braso mula sa pagkakahawak nito. Muling bumalik sa pagtataka ang kanyang itsura.

I smirked. "Should I be mad?"

"Maggie warned me about this kind of reaction from you ladies," hinimas himas nito ang noo na tila may malaking problema. "What's our problem?"

Napabuntong hininga ako. I know how simple minded men can be. Sinabihan na din ako ni Drake na madalas kailangan naming mga babae sabihin ang problema kung hindi ay hindi nila maiintindihan.

"Why did you not text me? Tapos makikita na lang kita na relax na relax? Hindi mo ba alam na kanina pa ako nag aalala sayo? Hindi ko lang masundan yung text kasi ayokong magmukhang cheap." alam ko na mamumula na ako sa galit.

Huli na nang mapagtanto ko na ang dami kong nasabi na hindi naman dapat.

Bigla itong ngumiti. Gusto kong kiligin dahil ang gwapo nito lalo kapag nakangiti at bibihira ko iyong masilayan. Galit ako kaya hindi ko muna iyon papansinin.

"I'm sorry, okay?" he pulled me closer to him. "Nakalimutan ko yung cellphone ko dahil kinailangan kong pumunta sa publishing house namin. Medyo may problema sa office kaya maaga akong pumunta roon."

"Remember the book I handed to ninang a while ago? It's from the factory. Naisip kong idaan muna bago umuwi. I'm sorry if I made you worried."

Napanguso ako.

"What can I do to make it up to you?" he said.

"Samahan mo akong bumili ng ink. Nahihiya na akong bumalik kina tita para kunin yung hiningi ko kay kuya Aid," I grinned. Simpleng tao lang din naman ako. Mabilis mawala ang galit.

"Sure, let's have a date then," he said then he held my hand.

Stratmore Series: We Broke UpWhere stories live. Discover now