THREAT
ECHO’S POV
Gumising ako another useless day for me pumasok ako sa bathroom at nagsimula ng maligo pagkatapos nag sipilyo pag pasok ko sa walk in closet ko nagulat ako na may mannequin dito nakasuot ng office attire tapos may nakalagay na note
sorry pinakialaman ko walk in closet mo gusto ko lang sana ayusin isusuot mo bukas hindi na kita ginising kasi ang sarap pa ng tulog mo
yan ang nakalagay sa note hindi ko na lang pinansin at naghanap ako ng susuotin ko na iba
Pagkababa ko agad kong narinig ang boses niya pumunta ako sa dinning area pero wala siya doon kaya sumilip ako sa kitchen
“yes po 11am po yes po sige po ma’am”
“hello, yes im sorry ma’am but mr.ford is not available sa oras na yan mga 2pm po sige po”
Nagluluto ito habang kausap ang mga mag papa appointment sa akin
“ahm” pagkuha ko sa attention niya
lumingon naman ito sa akin
“good morning love.. antayin mo na lang ako doon sa dinning area irea-ready ko lang yung breakfast mo” sabi nito sa akin kaya bumalik ako sa dinning area
ilang minute lang ay sumunod na siya may dala siyang isang plato inilapag niya iyon sa harap ko garlic fried rice, bacon and egg ang laman nun sumunod na dinala niya ay isang coffee
umupo ito sa tabi ko ngunit wala siyang kinakain kaya tinignan ko siya
“hindi ako nag bre-breakfast eh sige na kumain ka na love” sabi nito sa akin
“stop calling me love” irita kong sabi
“bakit love?” natatawang sabi niya “fiancée kita dito kasi wala tayo sa office kaya quiet ka na lang” sabi nito sa akin
“hello? Mr.Timothy Tan” napatingin ako sa kanya bigla kasing namula ang mukha nito tinignan niya ako for my approval kaya umiling ako “sorry sir hindi po kasi available si mr.ford for today maybe next time na lang po.. po?.. ay hindi po pwede iyon..sorry sir hindi talaga pwede”
“ay pinatayan ako” sabi nito
“anong sinabi?” tanong ko sa kanya
“pupunta daw po siya sa ayaw at gusto mo” sabi nito sa akin
“fine! sunduin mo na lang sa lounge mamaya” sabi ko sa kanya
MAE’S POV
Nag punta na kami sa office dere-deretsyo na ang meeting niya na ginawa pilit kong iniintindi yung mga pinag uusapan nila about stocks and everything yung iba naman investment ganern .. Sinusulat ko na lang sa mga notebook yung mga important things na pinag uusapan nila .
naisip ko gaano na kaya kayaman itong asawa ko parang sa isang araw ilang mayayamang tao na ang nakakausap niya .. Balita ko pa na may bago nanamang condominium na pinapatayo si echo
Bumalik na si echo sa office at ako naman sinundo sa lobby si Mr.Tan .. Naabutan ko itong nakaupo sa couch at nagbabasa ng magazine kilala ko ito sa mukha dahil noong mag girlfriend pa lang sila ni Keisha Olivia Bella lagi silang laman ng newspaper,magazines at television para silang artista na laging sinusundan
“Mr.Tan” tawag ko sa pangalan niya tumingin naman agad ito sa akin at nginitian ako maputi ito matangkad at halatang mayaman
“Ms.Azenette” tawag niya sa akin
“This way po sir” sabi ko agad naman niya ako sinundan papasok sa elevator
“So Ms.Azenette ilang taon ka ng secretary ni echo” tanong nito
“Mmmhh ilang araw pa lang po” sabi ko
“Bakit hindi mo ako matignan” natatawang sabi nito sa akin
“Ang gwapo niyo po kasi sir hahaha” natatawa ding sabi ko
“Phone” sabi nito sa akin agad ko namang inabot
“Smile Ms.Azenette” sabi ni Mr.Tan agad naman akong nag smile at nag peace sign
“nakakatawa ka naman Ms.Azenette” abot ni timothy sa phone ko sa akin “kilala mo naman siguro yung asawa ko noong girlfriend ko siya noong una ganyan din siya mahiyain swerte ng magiging boyfriend mo” sabi nito swerte? eh parang sobrang malas nga ng tingin ni echo sa akin eh
“Swerte po? sana po lahat ng tao ganyan ang tingin sa akin” lalu na siya
“bakit may boyfriend ka na ba? hindi ka ba pinapahalagahan?” hindi ko na nasagot ang tanong niya kasi nasa floor na kami ng office ni echo
Sabay kaming pumasok sa loob tinignan muna ako ni echo bago siya tumingin kay Mr.Tan
“anong ginagawa mo dito?” biglang sabi ni echo ako ata tinutukoy niya
“ay sorry sir. babalik na po ako sa office ko” sabi ko sa kanya ng makalayo na ako kunti kay Mr.Tan napansin ko na sinusundan ako ni echo ng tingin
“nag picture kami” I mouthed tapos pakita ng phone ko sa kanya sabay tahimik na tawa
nagsalubong ang kilay nito at nag sign siya na lumabas na ako kaya lumabas na ako
TIMOTHY’S POV
“Anong ginagawa mo dito?” ulit niya sa tanong niya ibig sabihin hindi si ms.azenette ang tinutukoy niya kung hindi ako pero pumunta si ms. azenette sa labas
“we need to talk” sabi ko sa kanya
“About what? tingin ko tapos na ang lahat ng pag uusapan natin 2 years ago” sabi nito sa akin
“For pete’s sake echo move on .. Hindi ko hiniling na ibigay mo si Keisha sa akin noon kusa mo siyang pinakawalan pero bakit parang ang bitter mo pa din” iritang sabi ko sa kanya
“Hindi ako bitter sadyang gusto ko lang putulin ang lahat ng connection ko sa inyo” sabi nito sa akin
“Connection? Kahit anong gawin mo hindi mo mapuputol iyon. Isa ka at isa ako sa pinaka mayamang tao sa lugar na ito hindi mo masasabing mawawalan tayo ng connection” naiinis na sabi ko dahil pinipikon niya ako
Hindi ito nagsalita
“Oh baka gusto mong sabihin ko sa asawa mo kung bakit ayaw mo makipag partnership sa amin” pagbabanta ko sa kanya agad naman itong tumingin sa akin ng masama
“What are you talking about?” tanong nito
“Mae Chiesa Azenette. Yung secretary mo asawa mo yun hindi ba? Alam kong alam mo na madaling makalaman ng tinatago tagong secreto ang pera nalaman ko na may unit kang binili para sa secretary mo I mean asawa mo pala. Hindi ko alam bakit mo ginawang secretary ang sarili mong asawa pero kung yun ang trip mo bahala ka-----“pinutol nito ang sasabihin ko
“Mapapangasawa” pag co-correct niya sa akin
Humalakhak naman ako “Edi mas maganda pala mapapangasawa pa lang paano kung sabihin ko sa kanya na ayaw siya pakasalan ng mapapangasawa niya dahil hindi pa siya nakaka move on sa ex fiancee niya na asawa ko na ngayon” pagbabanta ko nanaman sa kanya
“Hindi magpapa apekto yun” kampanteng sabi niya ganun na ba siya kamahal nung babae?
“Talaga? Ang isang babae kahit gaano ka pa niya kamahal may insecurities yan. Paano pag nalaman niya na ginawan mo ng sariling company si Keisha binigyan ng pera binigay mo ang mundo mo sa kanya na ganun mo siya kamahal na yun ang dahilan ng pag papakasal mo sa kanya para mabawi ang perang nilaan mo kay Keisha” sabi ko sa kanya agad naman itong tumayo at hinampas ang kamay niya sa lamesa
“HINDI TOTOO YAN ! WAG MO IDAMAY ANG ASAWA KO!!” so asawa mo na ngayon? tss.
“Kung gaano wag mo ireject ang partnership na hinihiling ng company ko. WAG KANG MANG DAMAY NG MGA BATA AT MATATANDA NA WALANG KINALAMAN SA NANGYARI NOON!” sigaw ko sa sobrang iritasyon ko at lumabas sa office niya lagot nanaman ako kay Keisha pag nalaman niya na nakipag sumbatan ako sabi ko usap lang eh. Yung lalakeng yun kasi ang tigas ng bungo.