Chapter 48

124 5 6
                                    

PAGKATAPOS ng klase ay kay Chance ulit ako sumabay. Mapilit talaga sya kaya tulad kahapon, nakasunod na lang sa amin si Punch. Tahimik kaming nakarating kina Reeya. This time sa bahay nila kami dumiretso tulad ng sinabi ko sa text kanina.

"Saan mo ba kami dadalhin, Holy? Pinagbalot mo pa kami ng gamit.", nag-aalalang tanong ni Reeya nang makapasok ako sa loob ng bahay nila. Kasama ko si Chance habang si Punch ay naiwan sa kanto.

"Balita, aling Lily?", tanong ko sa nanay nya. Mukhang maayos na nga ito dahil masigla ang aura nito eh.

"Eto maayos na. Salamat sa tulong mo ha? Totoo pala ang balitang big time ka na.", nakangiting sabi nya.

"Naku, hindi po! Ito nga pala si Chance. Ang Big Boss. Ang tunay na big time. Hahahahaha!", sabi ko sabay turo kay Chance na nasa tabi ko. Nagulat naman sya.

"Sya po yung nakwento ko, nay. Na gwapong tumulong sa atin.", maharot na sabi ni Josa.

"Aba'y gwapo nga ang batang ito. Salamat, hijo, ha? Utang na loob ko sayo yun.", nakangiting sabi ni aling Lily. Naiilang na ngumiti din si Chance sa matanda.

"W-wala pong anuman.", sagot nya.

"O ano na nga? Para akong hangin ha? Hindi mo ko sinasagot, Holy!", inis na sabat ni Reeya. Nginisian ko naman sya.

"Ayan na ba lahat ng gamit nyo?", tanong ko sa kanya na itinuro ang mga nakabalot.

"H-ha? Hindi. May iba pa--"

"Di bale na, pabalikan na lang natin yan kung may importante pang maiwan.", pigil ko sa sasabihin nya. Lalo naman syang nagtaka.

"Saan ba kasi? Anong gagawin??", tanong nya ulit.

"Sa bahay.", nakangiting sabi ko. Pare-pareho naman silang nagulat sa sagot ko.

"Sa bahay nyo, ate?", takang tanong ni Josa.

"Ano naman ang gagawin namin doon?", tanong ni aling Lily.

At ikinuwento ko nga ang napag-usapan namin ni lolo kahapon. Nag-liwanag naman ang mukha nilang tatlo pagkatapos kong magpaliwanag.

"Aba, oo. Kahit anong trabaho yan papayag ako!", masayang sabi ni Reeya.

"Naku, maraming salamat, Holy. Napakalaking bagay nito.", sabi ni aling Lily.

"Wag muna kayo magpasalamat, aling Lily. Wala pa nga eh.", biro ko. "O tara na.", sabi ko sabay buhat sa dalawang bag. Ang bigat, nagbaon pa yata ng hollow blocks ah!

"Let me do it.", sabi ni Chance sabay kuha sa dalawang bag na hawak ko. Isinukbit nya yun sa magkabilang balikat nya. "Ako na po dyan.", baling nya kay aling Lily.

Nag-aalinlangan man dahil siguro sa hiya ay ibinigay pa din ni aling Lily ang bag nya kay Chance. Pagkatapos ay naglakad na si Chance palabas ng bahay.

"Yiie. Ang gentleman naman ng boyfriend mo, ate.", kinikilig na sabi ni Josa.

"H-huy! Hindi ko sya boyfriend!", sabi ko sa kanya. Pero nanunukso pa din ang tingin nya.

"Sus, baka hindi pa!", sabat ni Reeya.

"Tara na bago ko pa kayo ma-siko na magkapatid.", sabi ko sabay dampot ng maliit na bag na nasa sahig. Natatawang sumunod naman sila sa akin.

Pagdating sa kanto ay agad kaming sinalubong ni Punch.

"Ako na, ma'am.", sabi nya kay Reeya sabay kuha sa bag na dala nito at ni Josa. Kinuha nya din ang nasa akin at inilagay sa compartment ng kotse.

The Brightest ColorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon