Aking Ina,
Babaing mas malakas pa kay darna,
Ang guro ko sa unang pagtama,
Ang nagturo sa aking maglakad,
Ang nagtayo sa akin nung ako ay nasadsad,Naalala ko pa kung paano mo ako matyagang inalagaan,
Kung paanong ang yakap at halik mong nag papagaan,
Matiyaga mong pinakinggan ang salita kong utal utal at hindi maintindihan,Mag Isa mong tinaguyod mula nong Iwan ni ama,
Siyam na buwan mo ako sa iyong sinapupunan na dinala,
Nakita ko ang galak sa iyong maluha luhang mata,
Kasabay ng pag akyat ko ng intablado,
Kasunod ng pagpalak Pak ng mga tao,Mahal kita Ina ko,
Ang tangin namumutawi,
Sa monti kong mga labi,
Ngunit habang palaki nako'y hindi ko na nababanggit ang katagang palaging sinasabi,Mistulang nakalimutan ko na ang iyong halaga,
Hindi kita pinakikinggan,
dahil ayaw kong pinakiki alaman,
Kaya hindi ko pinansin ang pagbigkas mo ng "anak, Tama na" ,
Sa mga bagay na Mali at Akala Koy Tama,Isang Gabi tayoy ngkasagutan,
Akala ko akoy iyong hinahadlanagan,
Kaya't sinagut kita ng pabalang,
Kasabay ng paghapdi ng pisngi ko,
Sanhi ng hindi inaasahang pagsampal mo,Pero imbes na magtino,
Ay nagalit ako,
Kaya umalis ako non,
Pero Bago tuloyang sumarado ang pinto,
Hinawakan mo ko sa kamay ko,Kasbay ng luha sa iyong mata,
Ay ang pagbigkas mo ng "anak, patawad sa aking nagawa",
Pero imbes na yakapin ka't hawiin ang sakit mong nadarama,
Ay iniwan pa kita,Nagpunta sa bahay ng barkada,
Nilimot ang nangyari,
Kasabay ng paglibot ng baso ng gen at empi,
Kasunod ng pagpapasa pasahang pagsinghot ng usok ng drugs at marijuana,Nagpakasaya at hindi inisip na may naiwang Ina na nag aalala,
Hanggang sa tuloyang pagkawala ko sa kamalayan,
At ang tanging naalala ay ang pag akbay ng isang lalaki,
At pag akay sa akin patungo sa kwarto niya,At doun nagsalo sa makamundong pagnanasa na kming dalwa ang may gawa,
Magdamag na nagsaya,
Paulit ulit hanggang sa magsawa siya,Nagising na puno ng pagsisisi,
Nang maalala ang nangyari,
Pinilit umuwi kahit hilong hilo pa,
Sanhi ng alak at drugang tinira,At sa pinto palang nakita kitang naka tanaw at akala'y Galit ka,
Pero imbes na pagalitan ay sinalubong mo ako ng pag aalala,
Sabay Tanong nga "Anak san ka nanggaling , kumain ka na ba?"
Pero imbes na sagutin ay tinalikuran lang kita,Masama ang loob ko noon sayo,
Pakiramdam Koy wala naakong kakampi sa Mundo,
Pinilit mo kong sinuyo pero pinagtatabuyan kita,
Napadalas rin ang gala ng barkada
Kaya't hindi ko napansin ang unti unti mong panghihina,Isang araw naabutang kitang nakahiga at may sakit,
Pero imbes na alagaan,
ay iniwan kitang nahihirapan,
Araw araw nang yayari ang scenariong iyon,
Hindi naisip na iyon na pala ang huli kong pagkakataon,Mahal na Mahal kita Ina,
Patawad sa aking nagawa,
Ang katagang paulit ulit kong sinasabi,
Habang akoy nakatayo sa harap ng parehabang kahon kung saan nandun ka,
Nakahiga , nakapikit ang mata at akoy umaasang ikay magmumulat pa,Habang akoy nagpapakasaya ,
Ay hindi ko alam na magisa mong nilabanan ang malubhang sakit mo ,
Na naging sanhi ng pagkamatay mo,Nagulat na lang ako isang araw wala kana ,
Hindi man lang ako naka hingi ng tawad bago ka malagutan ng hininga,Durog na durog ang puso ko,
Umaasa na Sana hindi to totoo,
Sana nanaginip lang ako,
Parang nawalan ng kulay ang buhay ko,Habang akoy nakatulala sa kawalan,
Naiwang nawawala at naguguluhan,
Nilapitan ako ng pinsan ko,
Sabay abot ng puting sobre kung saan nakasulat ang boung pangalan ko,Kasabay ng pagbuhos ng luha sa aking mata,
Ay ang pagtatak sa isipan ko ng iniwan mong mga kataga,
Ang iniwan nansulat ni Ina,Anak ko,
Ang prensesa ng Buhay ko,
Nung nalaman kung may Buhay sa tyan ko,
Hindi maipaliwanag na galak ang naramdaman ko,
Kahit iniwan ako at tinaboy ng magulang ko at ama mo,
Hindi ko magawang magalit sa Mundo,
Bagkus nagpapasalamat ako nung marinig ang unak pag iyak at tawa mo,
Ang unang hakbang ng iyong paa at ang unang tawag mo saaking "MAMA"Naalala mo nung unang araw mo sa eskwela?
Iyak ka ng iyak at sa yakap Koy ayaw mong kumawala,
Kayat nanatili ako hanggang sa nasanay ka,Naalala mo nung unang nasugatan Kat nadapa,
Hindi ka matahan hanggat hindi hinahalikan ka,
Isang matunog na halik sa yong pisngi ngingiti kana,Nung ika Lima mong kaarawan,
Pinilit kong magtrabaho sa ihawan at kahit saan,
Hininling mo kasi ang bike na regalo,
Kaya pinilit kong makaipon maibigay lang ang hiling ng anghel ko,Naalala ko rin yung hindi kita mapilit sa pagligo,
Kaya't ang ginagawa ko ibinibili kita ng tsokolateng gusto mo,
At susunod ka na sa utos ko,Kahit pagod ako sa maghapon na pagtatrabaho,
Sa yakap at halik mo ang lahat ng ngalay at pagod naglalaho,Ngunit nung nagdalaga kana,
Nagsimula ka ng suwayin ako,
Natutu kang magsinungaling at sumagot ng pabalang sa Tanong ko,
Pero anak ni Minsan ay hindi nagbago ang pagmamahal ko para sayo,Naalala ko pa,
Nung minsan kitang binisita sa paaralan mo,
galing pa ako nun sa trabaho at medyo marungis at mabyahi,
Kasama ang mga kaibigan mo,
Natutuwa akong mikitang masaya ka sa mga ito,
Kaya't hindi ko napigilang lumapit sayo at tawaging anak ko,
Tumingin ka sa akin at akala koy matutuwa kat ipagmamalaki mo,
Pero inirapan mo ako at ikina'ila sa harap ng maraming tao,
Pero okey lang anak ko, Basta masaya ka sa ginagawa mo,Pasensiya kana kung minsan akala moy hinahadlangan kita,
Anak ayaw ko laman na mapariwara ka,
Patawad kong minsan napagsasabihan kita at naiirita ka,
Anak Ayoko lamang na matulad ka sa iba,
Kaya't pinipilit kong gawin ang lahat kahit ang hirap na.
Pasensiya kana kung minsan makulit ako namimiss ko lang kasi ang paglalambing mo,
Pasensiya kana rin kong madaldal ako nais ko lang maka kwentuhan ka, alam mo na patanda na ng patanda,Anak ina'ataki na naman ako ng sakit ko,
Pagod na pagod na ako,
Pero para sayo lalaban ako,
Ayaw kong Makita mong hirap ang kalagayan ko,
Siguradong mag aalala ang munting prensesa ko,Anak lagi mong tatandaan,
Andito lang ako sa tabi mo lagi kang aalalayan,
Pag nasasaktan at pakiramdam mo walang wala kana ,
Tulad ng dati nak yakap ka lang sakin at babalitin kita ng aruga,
Dahil kahit Anong mangyari Ikaw parin ang prensesa at anghel ko,
Kahit Minsan nakakalimutan mo na ako,
Proud na proud ako sayo at Mahal na mahal kita anak ko.Kasabay ng pagsarado ng papel ay ang pagsiklab ng pagsisisi sa puso ko,
Bakit hindi ko nakita ang halaga mo?
Puno ng luha akong tumitig sa kabaong mo,
Bakit mama? Bakit tanggap mo parin ako? Bakit Mahal mo parin ako? Bakit ako parin ang iniisip mo?
Ni Minsan hindi ako naging mabuting anak sayo,
At sa bawat hilagpos ng aking hikbi,
Kaakibat ang malaking sakit at pagtitipi,
Sana bumalik ka pangako ,
Magbabago ako muling ibabalik ko ang nawalng prensesa mo,
Kasi Ma, paano ako ng wala ka?
Paano ako kung wala ang yung aruga?
Paano ang yakap mong nakasanayan ko?
Sino ang sandLan ko?
Sino ang magsisilbing ilaw sa dilim at Lakas ko?
Sino ang tatanggap sa pagkatao ko?Wala na darna ko ,
Ina patawad sa lahat ng aking nagawa,
Patawad ,patawad .
Kung akoy pabaya,
Alam kong huli na ang lahat ngunit nais kong ipabatid na mahal na mahal kita,
YOU ARE READING
Spoken Poetry Of SHAIRA RIPALDA
PoetryThis is the compilation of my written and composed poetry ❤️