JAY MARCO NATIVIDAD.
Pumayag si Ben sa operasyon. Sabi niya, kakayanin daw niya dahil iyon ang gusto ko. Hindi ako makapaniwala na nasabi niya 'yon. Ang sa akin, ayokong mawalan siya ng paningin nang dahil sa kasalanang ako naman talaga ang may gawa.
Parang dinudurog ang puso ko. Hindi ko kinakaya. Sa bawat makikita ko siyang lampasan ang tingin, nangangapa na parang nasa gitna ng dilim -- parang sinusugatan ang puso ko sa sakit. Gusto kong may gawin. Hindi pwede na puro pagsisisi na lang ang gawin ko. Gustong kong gumawa ng paraan para makakita siya hangga't maaari.
"Kuya."
Sumulpot si Nico sa tabi ko. Nandito kami ngayon lobby ng hospital dito sa labas. May mga pasyente na naka-wheel chair, may mga naglalakad at nagpapahangin.
"Nandyan na si Kristal pati sina tito at tita. Kinumusta nila si Ben." Sabi niya.
Hindi ako nagsalita. Tumango lamang ako.
Paniguradong nag-alala sila ng husto.
"Kuya," he suddenly paused, then he looked at me. "Alam kong gusto mo siya. Sabihin mo na hangga't maaari. He needs truth. He deserves it." Sabi niya.
Hindi pa rin ako nagsalita. Tama siya. Ben deserves the truth. At oo, gusto ko siya. Gustong gusto ko siya. Unang pagkikita namin, inaamin ko na iritado talaga ako sa kanya. Totoo na madali akong mainis. Pikunin ako pagdating sa mga taong kagaya niya.
Pero alam ko. Alam na alam ko. Si Ben, wala siyang ginagawang masama. He's just curious. He's very transparent. Pilit niyang itinatago ang lungkot sa pamamagitan ng pagtawa at pagngiti. Ang hindi niya alam, mata nya mismo ang nagsasabi ng totoo.
I can always tell the truth through his eyes. At panahon na para siya naman ang makaalam ng katotohanan mula sa akin.
"A-alam ko 'yon." Sabi ko. "Ang iniisip ko, kung ako ba mismo deserve sya."
I heard him heave a sigh. Hindi siya lumingon sa akin. Nakatingin lang siya sa kawalan habang nag-iisip.
"Ako nga. Inaamin ko na gusto ko siya. Pero hindi ko na sinabi sa kanya -- at sasabihin pa sa kanya. Alam mo kung bakit?" He asked without looking at me.
Hindi ako umimik.
"Kasi alam kong hindi iyon ang katotohanang dapat niyang malaman. Hindi naman ako ang gusto niya eh. Kundi ikaw. Kaya hangga't maaari, sabihin mo na sa kanya. At alam ko, kapag sinabi mo sa kanya ang tunay mong nararamdaman, lalakas ang loob nya. Mas lalo siyang may pagkakapitan para makakita pa."
Natigilan ako. I caused Ben too much pain. Kapag sinabi ko sa kanya ang nararamdaman ko, hindi ko alam. Natatakot ako sa mga maaaring mangyari. Hindi ko alam.
Nawawalan ba ako ng tiwala sa sarili ko? Bakit ganito? Sa totoo lang, gustung-gusto ko rin na malaman na ni Ben ang lahat. I want him to know that I love him. Pero alam nyo 'yon? Nakakatakot. Natatakot ako.
"Wag kang matakot. Kuya. Alam kong hindi ganoon mag-isip si Ben. Kung tutuusin, mas mature pa siyang mag-isip kaysa sa'yo." Humarap sa akin si Nico at nginitian niya ako. "Sobra-sobrang magmahal si Ben. Kitang-kita ko. Hindi masisira ng pagmamahal na 'yon ang sugat na dinulot mo sa kanya. Alam kong hindi ka niya sisisihin kahit nasabi mo na sa kanya ang lahat. Alam mo kung bakit? Kasi iyon naman talaga ang totoo. Walang nakaalam ng mangyayari, kuya. Walang nakapag-predict. Kung gusto mo siya at patuloy mo lang sisisihin ang sarili mo, baka mas lalo mo lang siyang masaktan. Guguluhin mo lang ang sarili mo, kuya. Huwag ganun. Hindi mo kailangang ma-confuse sa nararamdaman mo para sa kanya. Tell him the truth, and that's it. Walang gulo, malinaw."
BINABASA MO ANG
A Love That Never Fades ☑️
General Fiction[BXB] 🟢 Ito ang mga luha ko. At kahit gaano karaming luha na ang mailuha ko -- nakikita at nakikita ko pa rin siya na nakangiti sa akin. Malinaw. Maliwanag. Masigla. Punung-puno ng kulay. Ito lang naman ang gusto ko. Ang muling makita ang ganda ng...