One Shot Story

21 2 0
                                    

Alam nyo kung ano yung mahirap?
Yung tipong mas mahirap pa sa pagiging pangit at mahirap pa sa daga?

Yun ay yung...

May tinulungan ka lang na matanda na nagugutom at binigay mo yung natitira mong isang kagat na tinapay na para sana sa hapunan mo dahil naawa ka lang. Tapos binigayan ka na lang ng salamin kapalit raw ng pagtulong sa kanya.

FLASHBACK...

Ang hirap talagang maghanap ng trabaho. Lahat na lang reject. Wala na nga akong pera eh. Pano na ako nito?

"Haaay" mahabang buntong hininga ko sabay sipa ng lata na sa kasamaang palad ay..

"ARAYKUPO" daing ng isang matandang pulubi na natamaan ko pala. Alam nyo yung mala ermitanyo ang dating? Paramg ganun eh. Di ko akalaing may nag-eexist pa palang ganun. Hehe.

"Naku... pasensya na po lolo. Di ko po sinasadya. Pasensya na po talaga." nag-aalalang sabi ko sa matanda sabay lapit sa kanya at tiningnan ko ang natamaang noo nito.

Naku naman. Namumula na. Mukhang magkakabukol pa ito eh. Wala naman akong perang pambili ng gamot nito.

"Pasensya na po talaga. Di ko po sinasadyang bukulan este tamaan ka ng lata, lolo." hinging dispensa ko.

"Ayos lang iha. Di naman masyadong masakit eh." sabi nito sa akin.

Bilib din naman nga ako sa matandang ito. Magkakabukol na nga lahat- lahat, nagawa pang sabihing ayos lang. Kung ako yun... talaga namang---

"May makakain ka ba diyan ineng? Talagang gutom na gutom lang ako. Kahapon pa akong di kumakain eh. Kanina pang sumasakit ang ulo ko tapos di mo pa sinasadyang natamaan ako ng lata kaya.. heto. Baka meron ka jan. Kahit kaunti lang. Sapat na sakin yun." biglang sabi ng matanda sakin.

"Po? Ah.. eh... kasi po..." nag-aalangan kong sabi kasi isang kagat na lang talaga ng tinapay ang meron ako dito eh.

"Sige na iha.. kahit kaunti lamang dahil ako'y gutom na gutom na at kahapon pang walang kain."

Pag binigay ko ito sa kanya, ako naman ang mawawalan. Pero naisip ko naman na nakakain na rin naman ako kanina samantalang si lolo ay di pa nakakain.

"Ah... eh... kasi po lolo.. a-ano eh... ganito po. May tinapay po ako dito kaso isang kagat na lang po ito. Pasensya na po kasi ito lang talaga ang meron ako. May tubig rin po ako kaso kakaunti lang din po ito kaya pasensya na rin po." medyo alanganin kong sabi.

"Ayos lang iyon. Basta kahit papaano ay may mailalaman ako sa tiyan ko dahil nga gutom na gutom at nahihilo na ako." sagot naman nito sa akin

"Ah sige po. Ito na po lolo. Talagang kakaunti lang yan at kinagatan ko na pero wag po kayong mag-alala. Peanut butter po palaman nyan tsaka wala po akong rabies. Hehehe." nangangamot sa ulo ako habang bininigay yun sa kanya. Kasi naman noh? Kakahiyang magbigay ng ganon sa taong gutom na gutom.

Pagkaabot nya sa akin ng pagkain ay dagli niya itong nilantakan. Halatang gutom na gutom ang matanda dahil ultimo plastic na pinaglagyan ay sinisimot pa nya. Binuksan nya rin agad ang tubigan at sinipot rin ang kakaunting tubig.

"Aack" hiccups nya pagkatapos maubos ang kinakain nya.

"Salamat sa pagkain iha. Nagkalaman rin ang tiyan ko sa wakas." pasasalamat nya sa akin

"Ah naku. Walang anuman po iyon. Tsaka pasensya na po at yan lang napakain ko sa inyo dahil parehas lang po tayo eh." sagot ko dito

"Parehas na alin?" nagtatakang tanong niya

Mundo Sa Likod ng SalaminWhere stories live. Discover now