Chapter 10 (Hurtful words from him)

7 4 0
                                    

Ken's POV


Nandito na kami ngayon sa pilipinas. Hayst nakakapagod rin minsan ang ganito eh! kaso anong magagawa ko, ito ang pinasukan ko eh. Masaya naman ang naging buhay ko pero minsan naiisip ko pa rin yong pamilya ko lalo na mga kapatid ko. Nasaan kaya si mama? Bakit kaya di pa sya bumabalik? iniwan naba talaga niya kami? at saka paano kaya nakaahon sa hirap sina kenzo? Hay nako akala ko okay na ako. akala ko kaya ko ng harapin si papa ng walang awa at takot, nagkamali pala ako kasi matapos kong makita ang kalagayan nya ay nanghina ako at para bang gustung-gusto ko na syang yakapin sa kabila ng pagpapahirap nya sa akin.

Ken, are you okay?- james asked

ah yeah...-maikli kong sagot

Alam mo palagi ka nalang nakatulala, pwede mo naman sabihin sa akin kung ano man ang iniisip mo. Para namang wala tayong pinagsamahan nyan eh! - pagtatampo nya sa akin

you know what? pwede ka ng maging artista, tigilan mo na yang pagiging photographer mo! - I rolled my eyes after what I said

Di ka naman mabiro eh aahahha... Halika na nga nandito na tayo sa palasyo  mo. - pagsuko nya, kasi alam nyang di sya mananalo sa akin. 

tumawa nalang kami dalawa dahil sa inasal niya. Bumaba na kami sa sasakyan namin kasama si sheila. Tulog kasi sya kanina kaya wala syang kaalam-alam na nagdadrama na pala si James. Well, alam ko namang hindi yun drama lang dahil kita ko talaga sa mga mata nya na gusto talaga nyang malaman kung bakit ako ganito. Wala pa kasi akong naiikwento sa kanya mula noong  nagkita kami. Naiintindihan naman kasi nya kung bakit di ko gustong sabihin sa kanya. Minsan sinusubukan nya akong kausapin tungkol sa nakaraan pero ayaw ko pa rin.

Pahinga na kayo. Saka nga pala Ken wag mong kalimutan yung meeting natin with Mr. Raiden Yael, okay? - Paalala niya sa akin.

okay...- maikli kong sagot. Pagkaalis nya saka na ako umakyat sa kwarto ko.

(kinabukasan)

Ito na yung araw na magkikita ulit kami ni Raiden. Di ko pa rin nakakalimutan yung kiss scene namin kaya hanggang ngayon ay nahihiya pa rin akong harapin sya. Pero kailangan kong labanan ang hiya ko dahil magkikita na kami nito palagi dahil magkatrabaho lang kami. Pagpasok namin sa office nya ay di ko inaasahan makita ulit si Kenzo. Kitang-kita ko sa mga mata nya na nanghihina na talaga at bakas sa kanyang mukha ang sakit at lungkot na nararamdaman niya. Nabigla rin sya ng makita nya ako kaya bigla syang napatayo.

oh! nandito na pala kayo. Maupo muna kayo. Kenzo, babalitaan nalang kita pag nakita namin yong ate mo.- sabi ni Raiden kay Kenzo na ikinabigla ko.Hinahanap nila ako?

Rain di na kasi kailangan...- sagot naman ni Kenzo sakanya na ikinsakit ng puso ko. Hindi na nya ba ako gustong makita? di ko namamalayan na naluluha na pala ako kaya agad-agad ko itong pinunas para di nila makita.

Kenzo, bakit di kailangan? Di mo ba gustong maging masaya ang papa mo bago man lang sya mawala sa mundong ito? Iyon lang ang tanging hiling ng papa mo, di mo pagbibigyan? nalalabi na lang ang mga araw ng papa mo. Kung ayaw mong hanapin, ako ang magpapahanap sa kanya. Gusto naming bumawi lalong lao na sa papa mo. - Parang naiinis na sabi ni Raiden 

Rain, kung gusto ng ate ko na bumalik sa amin, di sana nagpakita na sya sa amin...- nalulungkot nyang sambit tsaka sya tumingin sa akin at tumingin rin si Raiden kung saan tumingin si Kenzo pero parang di ko kinaya ang mga sumunod nyang sinabi.

Di na namin sya kailangan sa buhay namin...- nalulungkot nyang sambit habang nakatingin sa akin. Doon na tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Wait, why are you crying Ms. Kendra?- tanong ni Raiden sa akin. Kaya tumingin din sa akin si James para tingnan kung umiiyak ba talaga ako.

I'm sorry, its just that I'm sad for him.- Palusot ko nalang. Pero deep inside gusto kong yakapin sya at sabihin sa kanya na hindi totoo ang mga sinabi nya. Alam ng Diyos kung gaano ko sila gustong balikan maliban kay papa. 

oh sorry Ms. Kendra kung nadala kayo sa akin. Sige Rain alis muna ako.- he said in a bitter way then he went outside.

Pagkaalis nya kinausap na rin kami ni Raiden tungkol sa work namin pero parang wala akong naririnig sa mga sinasabi niya dahil di pa rin mawala sa isip ko ang mga katagang binitawan ng kapatid ko.  Ganun pala iniisip nya?Akala ko naiintindihan niya ako? Unti-unti naman akong napapaluha kaya nag-excuse na ako sa kanila tsaka pumasok sa Cr ng office. Doon ko nilabas ang nararamdaman ko. Nasasaktan ako. Damang-dama ko ang sakit na nararamdaman ng kapatid ko. I feel sorry for him. Hindi ko alam kung bakit may nararamdaman akong parang galit galing sa kanya. Parang galit sya sa akin dahil sa inaasal ko. Bakit? Pagkatapos kong mailabas ang saloobin ko ay binasa ko ng tubig ang mukha ko para hindi nila mahalata na umiyak ako. Nang makita ko sa salamin ang mukha ko ay lumabas na ako.

oh tapos ka na pala. Tapos na kami mag-usap ni Raiden para sa sunod mong shoot.- Paliwanag niya tsaka kami nagpaalam sa kausap niya kanina pa na si Raiden

Are you okay? Bakit namumula ang mga mata mo?-takang tanong naman sya sa akin, marahil namumula pa rin ang mga mata ko dahil sa pag-iya ko kanina.

Ah wala napuwing lang ako kanina sa Cr. - Palusot ko nalang. Nag-nod nalang sya saka niya pinaandar ang sasakyan.

Makalipas ang mga araw ay palagi kaming magkakasama nina Raiden at James sa photoshoot ko at nagiging close na rin kami ni Raiden. Mabait naman pala sya at naikwento na rin nya sa akin na malaki ang naging kasalanan nila sa Soberano's Family kaya gusto nilang bumawi sa kanila. Ayaw daw tanggapin noon ni papa ang ino-offer nilang bahay dahil hindi daw niya pinaghirapan pero ipinagpilitan ng papa ni Raiden na tanggapin nalang iyon para sa kanyang dalawang anak kaya tinanggap na lang nya. Binigyan din ng trabaho si Kenzo ng  kanyang papa para makatulong sa kanila. Doon naman sila nagkakilalang dalawa at naging bestfriend pa. Naging bestfriend din ang papa niya at si papa. 












Changes Of EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon