"Ok ka lang?"

6 1 0
                                    

Lakad. Lakad.

*poink*

Nadapa ako sa bigla. Pagtayo ko, napansin kong napunit pala ang bandang tuhod ng aking pantalon.

Lakad. Lakad.

*tok*

Natapilok ako bigla at nasira ang flat sandals ko. Ang hirap tuloy maglakad. kebs nalang

Lakad. Lakad.

*peeep! peeep!*

Muntik pa akong masagasaan!

Argggh! Kanina pa ako nababanas dito! Anu ba yan! Kaninang umaga pa ako sinusundan ng malas!

*flashback*

Ang aga aga kong pumasok para hindi malate, yun pala'y walang pasok dahil wala ang mga instructors! Paglabas ko sa classroom, nabunggo ako ng dambuhalang lalaki at nasubsob ako sa sahig. Doon pa ako nasubsob sa may basa. Paglabas sa school, may nakita akong asong ulol. Bago pa ako naka-alis ay bigla nalang ako nitong hinabol kaya naman napatakbo ako. Nang maiwala ko na ang aso, tsaka ko naman napansin na hindi ko na mawari kung asan ako. Ilang oras rin akong nagpa-ikot ikot bago ko mahanap ang daan pabalik. Nang mahanap ko na, napag-alaman kong ang layo layo nito sa amin.

*Tingin sa bulsa. Halungkat sa bag. Tingin sa wallet.* tsk tsk. buseeeeeet! Naiwan ko pa talaga ang baon ko! Ang layo layo layo layo layo pa naman nito samin! Arghhhh!

Maglalakad nalang ako pauwi.

*end of flashback*

Kanina pa yan. Ilang oras na akong lakad nang lakad dito, di pa rin ako nangangalahati papunta sa amin! Arghhh! Nakakainis! Kanina pa ako pinagtritripan nang Universe! Arghhh!

Lakad. Lakad.

Arghhh! Pagod na ako!

Lakad. Lakad.

Ang iniiiit! Nauuhaw akoo! *burrrg* Gutom na rin. T^T

Lakad. Lakad.

Ayos! Tatlong kanto nalang, subdivision na nami! Aja! Kaya ko to!

Lakad. Lakad.

Badtrip na talaga akooo! Gutom na akoooo!

Maya maya pay napansin kong nasa kabilang kalye si crush.

Yuko. Yuko. Lakad. Lakad.

Sana kahit ngayon lang, di ako malasin. Sana di nya ako makita! Ang pangit pa naman nang itsura ko ngayon! NAKAKAHIYA!

"Psst! Uy!" di ikaw tinatawag nyan! Yumuko ka lang! Ipagpatuloy ang paglalakad!

"Uy! Kanina pa ako dito. Di mo ata ako napapansin?" wag ka tumingin! nakakahiya ka!

"Ok ka lang? Ba't ganyan ang itsura mo? Di mo ba kayang alagaan ang sarili mo?" ang malas ko talagaaaa! yan na nga bang sinasabi ko eh!

"Gusto mo, ako nalang mag-alaga sayo?"

"Minal---Ano?"

"Ako na mag-aalaga sayo. Hatid na kita sa inyo."

Di bale nang minalas, nagbigay daan rin naman pala ito sa swerte. :)

A/N: waley sya. sensya na po. haha. biglang pumasok sa isip ko eh. :) thanks sa pagbasa. :)

Ok ka lang? (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon