Isaac's POV
Yo! Clint Isaac Salvador is in the house. 17years old. Nakita ko na naman tulala si Erick. Lagi nalang tulala tong gago na'to, maasar nga.
"Erick pare! Tulala kana naman jan? Simula nung matapos ang acquaintance ganyan ka na ah. Sinong babae ba yan ha? Pwedeng pahiram? Hahaha" nakakalokong asar ko sa kanya.
"Wala. Jan kana." Aba't talagang nilayasan ako ng animal. Haays! nasaan na kaya si Hannah. Nakakamiss din yung masungit na pandak na yun e.
*groooo groooo
'Tss. Gutom na naman ako. Kun sabagay nakakagutom nga talagang magkipag-ano sa mga girls.. HAHAHA makipaglandian'
Naglakad ako papuntang canteen at bigla akong napangisi ng makita ko ang likod ni Hannah. Lalapitan ko sana siya pero nakita kong tinitingnan nya si.. Erick?
"Magkakilala ba sila?" bulong ko sa sarili ko.
"Lance!" tawag ni Hannah kay Erick. Lance? Bakit Lance ang tawag nya kay Erick? Isa lang ang pwedeng tumawag sa kanya nun.
"Ikaw yun diba?" tanong nya kay Erick habang nakahawak na sa polo nito. Pero nanatiling nakatalikod sa kanya si Erick.
Ano to? Naguguluhan ako.
"What are you talking about Miss? Do I know you?" malamig na tugon ni Erick. At tinanggal ang kamay ni Hannah polo nya sabay alis.
Diko alam ang gagawin ko. Kung lalapitan ko ba si Hannah para aluin sa o si Erick para kumprontahin. Nagsimula na akong maglakad hanggang makarating sa isang hindi mataong lugar.
"Erick!" tawag ko rito. Hindi sya sumagot bagkus ay lumingon lamang sya sa akin at tiningnan nya ako ng may blangko ekspresyon na mukha.
"Magsabi ka ng totoo. Si Hannah ba at ang kababata mo ay iisa?" mariin kong tanong sa kanya na ikinagulat nya.
"Hindi ko alam. Alam nyo naman na hindi ko padin lubos na naaalala ang lahat diba." malungkot na sabi nito.
"Pasensya na. Ahh.. magkakilala na ba kayo Erick? Narinig ko kasing tinawag ka nyang Lance. Kaya akala ko sya yung kababata mo." paliwanag ko sa kanya.
"Hindi. Hindi kami magkakilala. Pero sya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito." malamig na namang sambit nito.
Hindi ako nakasagot sa sinabi nya. Ibig ba nitong sabihin ay si Hannah ang dahilan kung bakit sya laging tulala? Minsang ngumingiti mag-isa? Napapansin ko din na hindi na ito gaanong nambababae at tumatanggi sa lakad ng tropa. Si Hannah?
"Si Hannah, gusto mo ba sya Erick?" pikit matang tanong ko sa kanya. Bumuntong hininga sya at sumagot.
"Hindi ko pa alam. Hindi ko pa sigurado. Pero may kakaiba akong nararamdaman sa twing nakikita ko sya. Parang gusto ko syang yakapin. Para bang matagal ko na syang kilala. Pero hindi naman. Hindi ko maipaliwanag pre. Basta ang alam ko masaya ako kapag nakikita ko sya." mahabang paliwanag nya sakin.
"Ahh ganun ba. Sige pre, may lakad pa kasi ako eh. Una nako ha!" paalam ko at nagsimulang maglakad palabas ng eskwelahan.
BINABASA MO ANG
The Story of Us
FanfictionWhat if nagkakilala na pala talaga kayo noon at hindi nyo lang maalala ang isa't-isa dahil sa mga nagdaang panahon? Posible kayang magtagpo pa ang landas ng dalawang tao na matagal nang hindi nagkikita? Maalala pa kaya nila ang nakaraan sa kabila ng...