10. Sino ka?

52 1 0
                                    

Namjoon's Pov

"Kuyaaaa!" liningon ko ng walang kabuhay buhay si Jennie.

"Kelan ka ba babalik sa dati?" iritableng tanong niya habang naglalakad sa opisina ko.

"Jennie wala naman masama sa ginagawa ko ah."

"Anong wala kuya?! Ni hindi kana nga sumasama sa lakad ng family natin at ng mga kaibigan mo... puro kana lang opisina!"

"Normal lang yun Jennie dahil ako na ang humahawak sa kompanya natin. Masyadong maraming inaasikaso dito at natataon lang na kapag may lakad ay tambak ang trabaho ko."

"Kung totoo nga yang sinasabi mo bakit pagdating sa kanya may oras ka? Kuya alam kong masakit na mawala siya sayo pero please palayain mo na ang sarili mo sa kanya dahil patay na siya kuya! Patay na!" Bago pa ako makasagot ay lumabas na siya ng opisina ko.

..... 5 taon na ang nakalipas ng maaksidente ang sinasakyan ni Tae at Jin... hindi ko alam kung bakit ayaw maniwala ng puso kong buhay pa siya... na nasa isang lugar lang siya na hindi ko nakikita.

"Hyung."

"Tae... anong ginagawa mo dito?"

"Hyung ... hindi ko alam kung tama ang hinala kong may kinalaman ang magulang ko bakit hindi man lang natin nakita ang bangkay ni Jin hyung."

"Anong ibig mong sabihin Tae?"

"Pakiramdam ko hyung tinatago nila ni Jin hyung."

Jin's Pov

"Wake up sleepy head." bumungad sa akin si Chae Young na abot tenga ang ngiti.

"Good morning my darling."

"Good morning din!" naka ngiti niyang sabi.

... 2 taon na ang nakakalipas ng magising ako sa ospital ng walang maalala... sabi nila sa akin ay engage na daw kami ni Chae at nagmamahalan pero bakit parang may mali? Bakit parang hindi yun ang totoo? Bakit parang may hinahanap na iba itong puso ko? Parang may kulang... ang sabi nila sa akin ay wala daw akong kapatid pero hindi ko alam kung bakit feeling ko nagsisinungaling sila sa buong pagkatao ko?

"Jinnieeee."

"Bakit darling?"

"Alis na ako need ko ng pumasok sa work kaya kita na lang ulit tayo mamaya." Tumango na lamang ako at nagpaalam sa kanya.

Noong una ay hindi nila ako pinapalabas ng bahay dahil hindi pa daw ako familiar sa lugar at totoo naman yun pero ngayon naman ay hinahayaan naman na nila akong lumabas at pumunta sa lugar na gusto kong puntahan.

*Time Skip

Andito ako ngayon sa park naglilibot lang pero nahinto yun ng may kumalabit sa akin.

"Hello kiddo do you need something?"

"I-I c-can't find my big brother." Paiyak na siya kaya naman kinarga ko at pumunta kami sa may police station malapit dito sa park para sa mga cases na ganto.

"Little girl may I know your name so we can find your big brother."

"Ji Hae Park."

Makalipas ang ilang oras ay may nagmamadaling pumasok ng police station at dali dali namang tumakbo si Ji Hae dun sa lalaki... parang familiar siya sa akin. Tumayo na siya at ng palapit na ay parang nakakita siya ng multo sa gulat.

"J-Jin hyung!" Halos mangiyak ngiyak na siya ng makita niya ako. Dali dali niyang ibinaba si Ji Hae at niyakap niya ako ng napaka higpit na akala mo ay nawala na ako sa kanya ng napakatagal na panahon.

"Ahm May I know your name?" Tinignan niya ako ng puno ng lungkot sa mata.

"H-hindi mo ako naalala hyung?"

"I'm sorry kung hindi kita matandaan dahil may amnesia ako."

"I'm Jimin Park...akala naming lahat patay kana hyung at tska pano ka napunta dito sa America?"

"Patay? Bakit niyo naman aakalaing patay na ako?"

"Dahil yun ang sinabi sa amin ng doktor mo noon."

"Ibig sabihin nagsinungaling sila sa akin at sa inyo... kilala mo ba si Chae Young Park?"

"Oo hyung bakit?"

"Anong connection naming dalawa?"

"Naka arranged marriage kayo hyung at naaksidente kayo ni Tae sa araw ng kasal niyo ni Chae." Shit! Sa loob ng 2 taon nagsisinungaling sila sa akin!

"Sino si Tae."

"Ibig sabihin walang alam si Tae na buhay ka hyung!"

"Sino si Tae sa buhay ko Jimin?" May nagsasabi sa akin na isa siya sa importante sa buhay ko.

"Ang nag-iisang kapatid mo hyung."

"Pero sabi nila wala akong kapatid..."

"Sinong nagsabi? Sila tita ba?"

"Hindi si Chae Young lang ang nakakasama ko at nakakausap ko noon. Wala din nabanggit ang magulang ko tungkol sa buhay ko."

"Shit hyung dapat malaman nilang buhay ka lalo na si Namjoon hyung!" Sa pagbanggigt niya ng pangalan na Namjoon ay biglang nagwala ang puso ko at hindi ko alam kung bakit gsuto kong umiyak ng marinig ko ang pangalan na iyon.

"Namjoon..."

"Hey mister savior why are you crying?" Dahil sa sinabi niya ay hinawakan ko ang pisngi ko at pinunasan ang luha ko.

"Jimin kailangan kong malaman ang totoong nangyari sa buhay ko at kailangan kong makita sila."

"Sige hyung iinform ko sila na nandito ka sa America."

"Pahingi ako ng number mo para ma contact kita kapag makikipagkita ako sayo." Tumango lamang ito at ibinigay sa akin ang number niya.

Unexpected (Namjinff) ✔✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon