"nice name huh? I'm Chad Te " sabi ng Chinito sabay ngiti . " pakilala naman kayo mga dude " dagdag nya pa at nilingon ang mga kasama .
"Drake Sky Mendez here " sabi ng driver na di maikakailang gwapo sa kanyang ma autoridad na mga mata Medyo matured na sya tingnan nakikita ko sya sa repleksyon ng salamin ng sasakyan.
"Vigo Malcolm Lim. Nice meeting you George" tipid syang ngumiti. Maputing maputi ang isang to at mapula ang manipis na labi
"Ash Keith Villanueva . Ash nalang " ika ng katabi ko at naglahad ng kamay sa akin.
Inabot ko yon at binitawan agad. Hindi ko alam kung bakit ba ako nakikipagkilala sa mga taong to ,unang araw ko palang pero andami nang nangyari. Ang gusto ko lang naman ay manahimik sa bahay ng buong araw, buwan at taon at mag -aral nang tahimik mas gugustuhin ko pa yon kesa magkaroon ng kakilala o kaibigan . Sanay na akong mag isa at ayoko ng atensyon.
Nagtama ang tingin namin ng katabi ko at ngayon ko lang nadetalye ang mukha nya.
Makinis at namumula, halatang may skincare routine ang unngoy na to manipis ang labi at cute ang mga mata matangos ang ilong.Puro chinito ang apat nato pero mas singkit ang mga mata nung Chad."bakit? " ika nitong Ash daw
Nataranta ako dahil napagtanto kong kanina ko pa pala sya tinititigan. 'Nakakahiya naman to tangina tulala pa George ' .
" ha? Wala" tipid kong sabi at nag iwas ng tingin
Hindi na ako umimik pa habang sila ay nag uusap sa kanilang mga bagay bagay na gusto daw nilang gawin pagkadating sa kanila.
Pagkadating namin sa subd. Ay hinatid nila ako sa bahay. Nakakahiya man pero mabuti narin at nakasabay ako sa kanila dahil kung hindi ay siguradong lalagnatin ako sa pagod sa dami ng ginawa ko ngayong araw.
"uhmm. Thank you " sabi ko nang pababa na ng sasakyan
"wait, tulungan na kita sa mga dala mo " prisenta ni Ash at umambang bababa
" wag na, kaya ko " pagmamatigas ko at kinuha na ang mga plastics ko't dumiretso na ako ng bahay at hindi ko alam kung umalis na ba sila. Binuksan ko ang gate sunod ay ang main door at nilock muli mula sa loob.
" hayyy nakakapagod ! sa wakas makaka pahinga kana George " sabi ko sa sarili
Umupo ako sa Sofa at pinatong ang paa sa center table. Hindi ko pinaandar ang TV dahil alam kong walang cable yun pero namataan ko ang DVD player naalala kong dinala ko ang mga DVDs ko na nabili ko last week kaya kinuha ko yon sa maleta at nanood ako.
Baby driver ang pinanood ko. Isang action movie kung saan ang bida ay expert sa pagmamaneho hindi ko maalala ang hollywood actor nato pero alam kong si Lily James ang love team nito ewan ko kong tama ba ang name pero sigurado din akong sya rin ang gumanap bilang Cinderella yung latest.
Mahilig akong manood ng movie pero madali akong makalimot ng story lalo na ang mga pangalan ng mga bida. Siguro ay dahil ginagawa ko lang itong pampalipas oras at hindi ko talaga tinatandaan lahat ng detalye.'baby ko gising na, may pasok kapa sige ka kikilitiin ko paa mo ' isang pamilyar na boses ang gumising sa akin
'hmmm,, antok pa ako ehhh ' sabi ko at nagbalot ng kumot at gumulong
Nagwala ang tiyan ko sa masarap na amoy ng pagkain. Fried rice ata to at bacon alam na alam ko ang amoy nito
'breakfast in bed ' aniya
Ngumiti ako ngunit hindi parin sya nililingon. Gusto ko ang pakiramdam na ito yung sinusuyo ako, nakakataba ng puso hehe
'bangon na George, kailangan mong bumangon at kumain upang maging malakas ka sa mga bagay na haharapin mo sa araw araw. Masyado kapang maraming pagdadaanan at sanay maging matatag ka at tandaan mong kahit anong mangyari huwag kang magtatanim ng sama ng loob anak. Oh sya aalis na ako wag mong pababayaan ang sarili mo. I love you George'
"I love you more Mom" sambit ko at nagising sa isang magandang panaginip. May luhang dumadaloy mula sa aking mga mata nang hindi ko namamalayan.
Mommy, si Mommy lang ang nagpapalakas ng loob ko mula noon hanggang ngayon. Matagal na na hindi nya ako dinalaw sa aking panaginip kaya masayang masaya ako tuwing nakikita o naririnig man lang sya kahit sa panaginip ko man lang. 'I love you mommy , so damn much ' . Naalala kong yan ang mga linyang madalas sabihin sa akin ni mommy nung buhay pa sya palagi nya rin akong
Pinapaalalahanan na maging mabait at magmahal na higit pa sa kaya kong ibigay dahil yun daw ang makapangyarihan sa lahat , Ang magmahal . Pag nagmamahal daw kaya mong magpatawad, kaya mong magparaya, kaya mong maging malakas at matapang sa mga pagsubok na darating at higit sa lahat pag nagmahal ka , kaya mong magsakripisyo para sa taong mahal mo kahit kapalit pa ay buhay mo. Dahil para sa kanya, Ang pagmamahal ang pinakamaligaya at pinakamasarap na bagay sa mundo. At ako at si Dad ang pinakamagandang nangyari sa buhay nya.Lahat ng binitawan nyang salita ay sariwa pa sa aking alaala ngunit hindi ko alam kung paano susundin lahat ng iyon. Ni hindi ko mabuksan ang puso ko sa kahit na sinong tao. 'I'm sorry mom, ..I'm sorry kung pati kay daddy ay sarado na rin ang puso ko .
Hindi na makapangyarihan ang pagmamahal na tinutukoy mo.'Pinunasan ko ang mga luha ko at pinatay ang kanina pang tapos na palabas. Pinaandar ko narin ang mga ilaw dahil mag gagabi na.
Sumilip ako sa labas at napakaraming tao sa court na naglalaro, maingay ang mga kabataan doon. Hinalungkat ko na ang mga groceries ko at nilagay sa pwesto ang lahat at pinaandar ko na rin ang ref dahil nakalimutan kong may pinamili akong mga frozen foods mabuti nalang at hindi nangamoy ang mga ito.Pagkatapos ay inayos ko na rin ang kwarto ko at nilagay ang mga gamit ko sa aparador.
Napakalungkot at tahimik ng gabing ito dahil literal na mag isa lang ako sa unang pagkakataon sa isang bahay pero kahit ganon ay hindi ako natatakot at sa katunayan ay masaya ako. No Dad, no rules, no one. I'm fucking real free at matagal ko na tong gusto, ang lumayo at umalis sa puder ni dad pero dahil nag aaral pa ako ay hindi ko pa kaya ang sarili ko at aaminin kong kaylangan ko pa ang suporta ni dad." It's time to cook George , for your self .... Alone " kausap ko ang sarili
Nagluto ako sa gabing ito at kumain nang marami. Hindi na mahirap sa akin magluto dahil tinuruan ako ni Mommy noon at minana ko sa kanya ang galing sa pagluluto.
Nag aadvance reading din ako para sa leksyon sa lunes kahit papano ay hindi ko pinapabayaan ang pag aaral ko. Ito lang ata ang maipagmamalaki ko.
1st year college ako ngayon at sisikapin kong makapagtapos ng kursong nursing. Kung wala sanang K-12 ay 3rd year na ako ngayon pero ayos lang dahil mas marami akong nalaman.
Nakatulog ako pagkatapos kong mag aral at kinaumagahan pag gising ay maaga akong nag jogging at inikot ko ang buong subdivision . Malawak naman dito kaso konti palang ang gising sa ganitong oras dahil mag aalas sais palang ng umaga. Meron akong nadaanang nag kakape sa labas at may mga nakasabay din akong nag jojogging.
Hindi ko lubos matandaan dito dahil bahay bakasyunan namin to noon at mula nang nakaluwag si dad ay bumili sya ng bahay sa centro ng syudad at doon na kami namuhay dahil malapit lang sa school ay sa trabaho nya. Taga probinsya kase kami noong nag uumpisa palang ang mga magulang ko.
Gusto kong kabisaduhin ang lugar na to. Ito na magiging teritoryo ko mula ngayon.

KAMU SEDANG MEMBACA
Love, Georgina
AksiIn her life there were only two options, Love or leave. She's a mess but becomes a colorful mess when someone was into her. Ang pag ibig na ito ay natutunan nya ngunit hindi alam kung saan patungo