(Third Person's P.O.V)
SA isang kuwarto sa loob ng paaralan ng Unibersidad de Del Valle, mahimbing na natutulog ang isang dalagang may makinis na kutis at mamahaling damit. Isa siya sa mga estudyanteng napabilang sa Elite class ng bigla nalang siyang binulabong ng pagtunog ng kanyang cellphone. Walang kalatoy-latoy niyang iniabot ito gamit ang kanyang kamay. Kahit inaantok pa ay sinilip niya kung ano ang nag-notipika.
"Ano na naman to?" Tanong niya dahil sa pagtataka ng makitang may nag-iba sa isa sa kanyang naka-install na app. Binuksan niya ito hanggang nanlaki nalang ang kanyang mata dahil sa kanyan nabasa.
"Zandra Marquez: you've been tagged on an update."
Pinindot niya ang notif na dahilan ng paglakas ng tibok ng kanyang puso.
"Target: Zandra Marquez
Executioner: Player 35D
Protector: Player Ced
Time Duration: 24 hours
Note: Failure to finish the game will result to a rightful punishment.
- game master"
"Ano to? Joke. Ano ba kasing app na ito, hindi naman ito ganito noon ah." Inilapag na niya ang kanyang cellphone sa mesang malapit sa kanyang higahan. Akma na sana siyang babalik sa kanyang pagtulog ng bigla nalang may naaninag siyang pigura ng isang tao mula sa kanyang glass na bintana.
"Sino yan?" Sigaw niya na parang may halong takot na. " Joke ba to? Prank lng 'to diba?"
Biglang nawala sa paningin niya ang pigura hanggang sa tumunog nalang bigla ang doorknob ng kanyang pinto na parang pilit itong binubuksan.
Kaagad niyang iniabot ang lampshade na malapit lang sa kanya sabay inihanda ito upang ihampas kung sino man ang nasa labas. Patuloy parin ang pilit na pagbukas ng pintuan. Pumuwesto siya malapit sa pinto. "Sino ang nandiyan?"
Patuloy parin ang pagkatok nito sa pinto na mas lalong pang nagpakaba sa kanya. "Hoy! Sino yan sabi eh? Di ako nagbibiro!"
"Zandra! Si Jeric to!" Sigaw ng lalaking nasa labas.
"Jeric? Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sabay binuksan ang pinto.
Tumambad sa kanya ang classmate niyang may luha sa mga mata. Nakasuot ito ng hoddy jacket at parang wala pang tulog. "Pasensiya na Zandra. Kailangan ko tong gawin."
Nanlaki ang mata ni Zandra ng biglang humugot ng isang kutsilyo si Jeric mula sa kanyang bulsa. Napa-aras naman si Zandra sabay hampas sa dala niyang lampshade. Kaso, mas malakas si Jeric at hindi lang man ito natinag. Inihampas nito ang dalang kutsilyo at tumama sa kaliwang braso ng dalaga.
Napasigaw naman si Zandra sa sobrang sakit. Ang kanyanh mala-porselanang kutis ay nabahiran na ng dugo. Ang balat niyang makinis ngayo'y nagkaroon na ng sugat. Napadapa naman siya sa sahig.
"Jeric! Ano ba? Wala naman akong kasalanan sa iyo?" Sigaw ni Zandra habang patuloy parin ang pag-iyak ng binata.
"Pasensiya na Zandra. Hindi ko gustong gawin ito." Sabi ni Jeric.
"Pero bakit?----"
"Kasi kailangan. Tinakot niya ako na kung hindi ko 'to gagawin ay ipapalabas niya ang video ko" Patuloy na pag-iyak niya.
"Sinong siya?"
"Yung game master —ang game. Totoo yun. Ako ang executioner na tinutukoy dun. At kung hindi ko to gagawin, ang pangalan ng pamilya ko ang manganganib." Pagpapaliwanag niya.
"Jeric please. Baka naman may pwede tayong gawin. Tutulungan kita." Sabi ni Zandra habang umiiyak.
"Wala ka nang magagawa dun Zandra. May 24 hours lang ako para gawin 'to bago niya ipalabas lahat ng video. Patawad." Akma na sana niyang itutusok sa dalaga ang kutsilyo ng biglang may humampas ng dos por dos na kahoy sa ulo niya. Nandilim ang paningin ni Jeric at tuluyang nawalan ng malay.
"Erich?" Sabi ni Zandra sabay niyakap ito.
"Girl. Okay ka lang?" Tanong nito sabay inalalayang mai-upo siya sa kama.
"Oo. Thank you nga pala." Iyak na sabi ni Zandra habang nakatingin sa walang malay na si Jeric.
"Huwag ka munang mag-thank you okay? You need to stay alive until the tomorrow." Sabi niya. "Itali muna natin si Jeric dito. Yung mahigpit na mahigpit, para hindi siya makatakas."
Agad kumuha ng lubid si Erich at itinali ang kamay paa ni Jeric.
"Ano bang nangyayari?" Takang tanong ni Zandra kay Erich nabusy sa kakatali.
"Yung game, totoo yun at etong si Jeric ang napiling pumatay sa iyo. Ako naman yung player Ced na dapat puprotekta sa iyo and I don't have any choice to do this. Kasi kung namatay ka sa loob ng 24 oras, ako ang mapapahamak."
"Wait, what do you mean?"
"Sa game, may target. Kailangan napatay siya ng executioner dahil kung hindi, papatayin o sisirain ng game master ang pagkatao nito. Ang protector naman ang magpo-protekta sa target at kung matapos na ang oras na ibinigay at hindi napatay ang target, abswelto ang protektor. So, kailangan kitang protektahan at kailangan mong mabuhay para hindi ako ang patayin ng game master." Paliwanag ni Erich.
"Bakit ba may ganitong game. Dapat matapos na ito." Sabi ni Zandra.
"Walang may alam kung sino ang may pakana at nang-hack sa server ng university. Kailangan na muna natin itong laruin dahil kung hindi,tayo rin ang mapapahamak. You need to survive until the 24 hours alloted time ends."
————————————
SAMANTALA, mula sa pagkakawala ng malay ay gumising narin ang dalawang gagang nasa-sementeryo. Mag-aalas 2 na ng madaling araw.
"Maawa na po kayo. Huwag niyo po kaming kainin." Sabi ni Shavie na nagmamakaawa.
"Ay grabe siya. Multo lang kami pero hindi kami aswang, okay?" Iritang sabi ni Gelai.
"Bakit niyo ba kasi sila tinakot kanina?" Sabi ni Toni kina Jimboy.
"Para malaman namin if kaya ba niya. Kung kakayanin ba ng enerhiya ng kaluluwa niya." Sabi ni Jimboy.
"Teka, sure ka bang nakikita mo kami?" Tanong ni Jimboy kay Shavie.
"Oo naman anu. Pero kapag nakahawak lang ako kay Aya. Kapag inilayo ko ang sarili ko sa kanya ay hindi na." Sagot nito.
"Teka nga lang." Sabi ni Claire. "Bakit nga ba nakikita ko kayo? Eh wala naman akong third eye. Wala rin akong anting-anting." Dagdag na sabi ni Claire na parang hindi makapaniwala.
"Kasi nga may connection tayo sa isa't isa." Madaling sagot ni Toni kay Claire ng may ngiti sa labi.
"Connection? Naku kuya ah, huwag mo akong mabiro-biro diyan." Sabi niya.
"Teka nga, kanina ka pa kuya ng kuya. Magkaedad lang tayo kaya Toni nalang." Sabi niToni sabay inirapan siya ni Gelai. For all we know bata lang mukha mo pero fifty plus kana. Galawan mo rin eh.
"Nababaliw na ata ako Aya. Uuwi na ako." Sabi ni Shavie sabay tumayo silang dalawa.
"Wait lang. May ipapakiusap sana ako sayo." Pagpipigil ni Toni kay Claire.