Lucky Star ~ Forty Eight

17 0 0
                                    

**5 YEARS LATER**

Brix' POV

"Ladies and gentlemen, welcome to Manila International Airport. I'd like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again in the near future. Have a nice evening."

I'm here in Manila again, It's been 5 years since I went to America. Sumakay ako ng taxi pauwi ng bahay, wala kasi akong sundo dahil wala naman nakakaalam na uuwi ako ngayon eh. I want to surprise them.

Ding.. Dong..

Ding.. Dong..

Nakita kong lumabas si Manang Teresa para buksan ang gate. I'm sure magugulat ito na makita ako.

"Sir Gabby???" Gulat na sabi ni Manang.

"Yes Manang, ako nga." Sabi ko sakanya at niyakap siya.

"Namiss kita Manang sobra lalo na ang mga luto mo."

"Ikaw naman kasi Sir, bakit kasi umalis ka pa? Namiss din kitang bata ka."

"Manang talaga, binebaby pa din ako."

"Halika nga at pumasok ka na. Hindi ka nagpasabi na uuwi ka na pala."

"Surprise po kasi, tignan niyo nasurprise ka po na makita ako. Si Daddy at Mommy po?"

"Naku hijo, umalis sila mga 30mins ago. Ngayon kasi yung Christmas Fashion Show ng company niyo."

"Ganun po ba. Sayang naman po hindi ko sila naabutan."

"Kung gusto mo pumunta ka, siguradong maabutan mo pa yon bago magsimula. Ito yung invitation oh, pumunta ka at ng makita ka ng Mommy at Daddy mo, alam kong miss na miss mo na ang mga yon."

"Sige manang salamat. Sa room lang po muna ako."

"Sige Hijo, magpahinga ka muna bago ka umalis."

Kaya naman umakyat na ako sa taas at pumunta na sa kwarto ko. Pagpasok ko ay tinignan ko ang buong kwarto ko, still the same pa din ang ayos ng kwarto ko. Humiga ako sa kama ko at pumikit, nakakapagod kasi ang biyahe parang gusto kong matulog nalang pero mas gusto kong makita si Mommy at Daddy. Kaya naman tumayo na ako at pumunta ng banyo para maligo.

Nang matapos ako ay napansin ko ang mga pictures sa kwarto ko, karamihan ay pictures namin ni .. Sino nga ba itong babaeng ito?

Hmmmm.. Ito yung sinasabi nilang girlfriend ko daw. Bakit andami naming pictures nito at nakadisplay pa talga sa kwarto ko ah. I remember na after niya ako sampalin non sa hospital eh hindi ko na siya nakita. Siguro nga totoo yung sinabi sa akin ni Ericka na manloloko daw yung babae na yon. Napapanggap daw kasing malinis yung babae na yon pero kung sino sino na daw lalake ang naikama siya. Mukha lang daw anghel yun kaya nga daw pati parents at kaibigan ko eh nalinlang na nong babaeng yon. Buti nalang talaga sinabi agad sa akin ni Ericka yon dahil baka pati ako eh maniwala sa mga drama niya. Hindi na nga pala ako umuwi dito non after ko makalabas sa hospital, diresto airport na kami ni Ericka. Lahat nalang kasi sila kinakampihan ang babaeng yon kaya nga si Ericka lang ang kakampi ko non eh. Pero nong nasa America na ako ay nakipag ayos na din ako kila Mommy, humingi ako ng sorry sa nangyari at naging okay na din naman kami. Mula non hindi na din nila nabanggit ang tungkol sa babae na yon. About naman kila Kyle, nagkaka usap din naman kami. Kamustahan at balitaan din kung minsan.

Ring.. Ring..

Ericka Babe Calling.

"Hello Babe.. I miss you. How's your flight?"

"I miss you too. Well, it's okay. Just felt tired."

"So, you're home? Why don't you rest first?"

Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon