Ly's Pov
"Hoy babae"
"ay babae"
Naka upo ako sa bleacher's dito sa BEG ng biglang nang gulat si Ella. Kami pa lang dalawa dito since 5 pm pa lang. 6 pm pa naman kasi ang training namin. Sa dorm ako dumerecho kanina pag ka galing ko sa condo nila Den. Pero maya maya ay dumating sya sa dorm kaya naisipan ko na dumito tumambay. Buti naman naisipan na nya mag training.
"Anong sinesenti senti natin jan?""Senti ka jan!"
"asus. Ganyan ba talaga pag naiiwan ng jowa? Di na nag papa kita sa mga friends? Ganun?"
Di naman ako umimik. Di naman ako naiwan ng jowa ah?
Di ko naman kasi girlfriend si Chel. MU kami.
Di naman kasi kami nag label. Ewan!
"Asan ka kahapon?" Tanong pa din nya.
"Bakit?"
"Anong bakit? Eh hindi ka pumasok. Wala ka sa dorm. Malamang wala ka naman sa condo ni chel kasi wala naman sya."
"Nag pa hinga lang ako kahapon."
"San ka natulog kagabi?"
"basta."
"Hoy babae. Baka kung san san ka nakikitulog! Virgin ka pa naman!"
Natigilan ako sa sinabi ni Ella. Sabay namula.
Virgin pa ba ako??
Hinawakan nya ako sa baba at iniharap sa kanya.
"Aba aba teka! Bakit ka nag ma maroon??"
Tinanggal ko ang kamay nya at tumingin sa iba
"Wait, di ka na ba virgin?? Nag sex na kayo ni Rachel??"
"Ano ba besh? dami mong tanong!!"
"Curious lang?"
"ano ka pusa???"
"ha??" takang tanong nya sakin. Mag jojoke pa sana ako kaso di din naman nya magegets eh.
"Hatdog"
"Haynako. Since ako naman nag pasa ng papers mo, libre mo na lang ako ngayon sa caf dali"
"Wow ha. Oportunista ka talaga eh"
"Sige na!"
Pumayag na lang ako. Ano ba namang laban ko kay Ella kung pag kain na ang pinag uusapan?
"ate isang chicken spag, cheeseburger, chocolate cake at mango juice. Ano sayo Ly?"
Napa tanga naman ako kay Ella. Kanya lang yun??
"Ah mango juice na lang."
"Ay baka naman di ako maka galaw sa training mamaya. Sige ate, isang mango juice na lang. Tubig na lang sakin. Diet ako eh. hehehe"
napatawa naman si ate kay Ella. Nag labas na ako ng pambayad, ngiting ngiti naman si Ella.
"Yes! Di na sya barat!"
Lumapit naman sya at bumulong.
"Di ka na nga siguro virgin." Nanigas ako sa kinakatayuan ko. Kinuha naman nya ang tray na nag lalaman ng mga pag kain nya.
Nakita naman namin sila Bea kaya dun na din kami umupo.
"Luh? UP? Maroon?" Sabi ni Jia
"anong nangyari sayo Ly?" Tanong ni Kiwi.
"Ayun di na virgin." Casual na sabi ni Ella.
"HA?!?!?!?!" OA na sagot ng mga teammates ko.
Napansin ko naman na may naka titig sakin.
Mali
Hindi pala naka titig.
May nakatingin pala sakin ng masama.
Si Den.
Nakatingin sakin ng masama.
"Ah eh. Di no! Ikaw Ella. Gutom lang yan. Kumain ka na." Sinubo ko na lang kay Ella yung burger nya sa sobrang pag ka taranta.
Di pa din inaalis ni Den ang masamang tingin nya sakin.
"Ate deins, buti naman lumabas ka na. Sobrang nag aalala kami sayo kaya!" Malambing na sabi ni Mich.
"nag drama lang ako ng 3 days. kayo naman." Saka lang nya iniwas ang masamang tingin nya sakin.
"Nagutom na ako kaka katok sayo kanina besh. Di mo man lang ako pinapasok" Sabi ni Ella.
Nasa condo sya kanina?
"Sobrang dumi kasi talaga. Bad trip nga ako kanina eh. Sorry" Pag pasensya ni Den.
Ako ba yung dumi? Sabagay. Sakin naman sya bad trip eh
Nag usap lang sila pero ako nag focus sa pag inom ng mango juice. inintay lang namin si Ella matapos.
Tumayo na kami para pumunta sa BEG.
After training, nag bihis na kami sa locker. Nag aayos na kami ng gamit para umuwi sa dorm.
"Una na kayo. May tatanong lang ako kay Ly" Sabi ni Ate A sa kanila.
"Upo ka muna" Sabi nya sakin. Di ko talaga mabasa si ate A. Lagi kasing naka poker face.
"Nasan ka kagabi?" Tanong nya sakin
Di ako nakasagot.
"Di mo tanda?"
Umiling ako.
"Gusto mo bang ipaalala ko sayo lahat?"
-----------------------------------------------
AN:
double update? Of course!
Ano na mga besh!
YOU ARE READING
lock up
FanfictionNaging third wheel ka na ba? Hirap diba? Nakaka inggit na nakaka asar. Sundan natin ang adventure ni Alyssa sa pagiging thirdwheel sa bestfriend nyang si Den at ang idol ni Den na si Polly. Ano pang ginagawa nyo? Tara na!