WRMG #11

8 1 0
                                    

Nung gabing din yun, natapos ang lahat.

Umalis na nang tuluyan si Russel sa apartment, di na siya natext sa akin. Bigla na lang siyang nawala as in poof! Nawala.
Masaya pa kami nung time na pauwi kami, pero bago kami maghiwalay, bago ako bumaba sa sasakyan. Pinigilan niya akong bumaba.

"Gene"

Lumingon ako sa kanya, hinawakan niya ng mahigpit yung kamay ko, tinaas ito saka dinampian ng halik.

"Ipangako mo sa akin na sa akin ka lang makikinig, sa akin ka lang maniniwala, okay?"

Litong lito man ako nung gabing yun pero umoo ako. Saka ko narealize na yun na pala ang huling pagkikita namin.
Umuwi ako galing OJT, ibalita na din na nakuha ko na certificate ko dahil tapos na ako, kita ko na parang dinaanan ng bagyo ang buong kwarto ko.

"Genesis, may mga lalaki dyan kanina, naghalungkat ng gamit. Nakielam nga si Hans dyan, kaso tinutukan siya ng baril"

Si Hans yung may ari nitong apartment na tinitirhan ko.

"Po?! Ano pong nangyari? Ano pong kinuha nila sa kwarto ko?" halong takot at pangamba ang maririnig sa boses ko ngayon, di ko alam kung anong nangyayari.

"Aba'y hindi ko alam pero pakiramdam ko mga gamit lang nung lalakinh kasama mo dyan yung kinuhanan nila nang gamit, kasi puro panlalaking gamit yun"

Kinuha nila yung gamit ni Russel sa bahay, pero naiwan yung isa niyang sapatos na converse na itim. Na halos, araw araw niya kung suotin.
Nag contact ako sa tita ni Russel, ni wala din ako gaanong nakuhang magandang sagot dito. Sobrang tagal pa nga bago sagutin yung telepono, pakiramdam ko, iniiwasan nila ako.

Habang inaayos ko yung mga gamit ko, di ko alam kung anong unang itatanong ko if ever na itanong ko sa sarili ko.
Siguro, ito na lang.

'Anong nangyayari?'

Tinatry kong i-contact si Russel pero out of coverage. Wala siyang text after ng gabing yun, wala na kahit ano.
Syempre, natakot ako nun. Nagtanong ako sa mga kaklase namin dati kung alam nila bahay ni Russel ngayon, wala silang alam.
Pumunta ako sa bahay nina Russel noon, matagal na daw palang hindi umuuwi yung pamilya nila sa bahay noon, tanging yung caretaker lang yung andun.

"Alam niyo po ba kung saan sila lumipat?"

Tanging iling lang yung nakuha ko mula dun sa lalaking caretaker.

Napahigop ng kape si Shawn habang nakikinig sa kwento ko, di ko na alam ang dapat maramdaman ko. Di nga ako problemado sa OJT ko at nga school works kasi halos 2 weeks na lang gagraduate na ako.

"Ano bang nangyari bago yung gabing yun?" tanong niya habang tinitignan ako ng seryoso

"Yun lang, kung anong kinwento ko sayo, yun lang yun"

"Wala man lang siyang nasabi na pupuntahan o ano? As in wala?"

Umiling ako at muling sumilay sa bintana, tinitignan ang mga taong paroo't parito. Inaasahan na bigla na lang dumaan si Russel.

Napabuntong hininga ako.

"Naku, wag ka na masyadong mastress dyan. 2 weeks na lang gagraduate ka na. Hello PICC ka na atih!"

Oo nga, dapat masaya ako ngayon. Nag gagala, di namomroblema, pero di ko maiwasang hindi mag alala.

Ano na kayang nangyayari sa kanya?

Ano na kayang ginagawa niya?

Bakit bigla na lang siyang nawala?

****************************

Why Russel Marry Genesis? [ O N G O I N G ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon