JENNNA DEL VALLE
"Jenna!" Biglang lumapit sa akin si Tyler. "Anong nangyari? Ayos ka lang ba?"
Hindi ko napigilan ang sarili ko. Sinampal ko siya.
Bahagya siyang natigilan, pero sandali lang. "Bakit mo ko sinampal!" sigaw niya.
Nakita ko si Wendy at pamilya niya na masama na ang tingin kaya hinila ko si Tyler palabas.
"Huwag kang gumawa ng eskandalo. Nakakahiya sa mga boss ko at sa mga customer," sabi ko.
"Ikaw kaya ang nag-eeskandalo. Bigla bigla kang nananampal!" angil ni Tyler.
"Eh paano nakakainis ka! Na-kidnap ako nang dahil sayo, pero anong ginawa mo? Hindi mo man lang ako tinulungan."
Napakamot sa ulo niya si Tyler. "Nag-e-exam kasi ako no'n. Isa pa naisip ko na kaya mo na ang sarili mo dahil aspiring gangster ka, di ba?"
Napabuntong hininga ako.
Ang galing din kasing mag-isip ni Tyler ng palusot.
Pero ayoko nang makinig sa kanya kaya tinalikuran ko na siya."Jenna!" tawag ni Tyler, pero hindi ko na siya pinansin.
Pumasok na uli ako sa Hanamaki."Hoy Jenna, sino iyong lalaking 'yon?" sinalubong ako ng tanong ni Wendy.
"Wala iyon," naiinis kong sagot.
Ayoko nang sabihin kay Wendy ang tungkol kay Tyler.
"Pasensiya na po!" Yumuko ako sa harap ng mga kamag-anak ni Wendy.
Kinagabihan.
Hindi agad ako nakatulog.
Naaalala ko kasi ang mga nangyari.
Unang-una na roon ang pagkuha sa akin ng mga ka-tropa ni Ace.
Naisip ko rin ang sinabi ni Tyler---na kaya ko naman daw ang sarili ko dahil aspiring gangster ako.
Well...
Siguro dati kaya ko talaga, pero hindi na ngayon dahil mahina na ko.Simula nang magkaroon ako ng fracture, pakiramdam ko talaga ay hindi ko na kayang lumaban.
Kahit sinabi naman ng doktor na kaunting araw at pahinga lang ay gagaling rin ako, hindi ko pa rin iyon pinaniwalaan dahil nga plano ko nang iwan ang pakikipaglaban.
Pero ngayong babalikan ko na ang pagiging gangster, mukhang kailangan ko nang paniwalaan ang mga doktor.Para makatiyak, kailangan kong magpacheck up muna.
Tama.
Pumikit na ako para matulog.
Sa isip ko ay buo na ang plano.
Magpapa-check up ako para masiguro na ayos na talaga ang katawan ko at puwede na uli akong lumaban.Pero bigla akong napamulat.
Wala nga pala akong budget para sa pagpapatingin sa doktor. Sakto lang kasi ang sweldo ko sa mga gastusin dito sa bahay at sa pang-tuition ni Morris.
Anong gagawin ko?
Kung lumapit kaya ako kay Tyler. Tama.
Tutal may kasalanan siya sa akin. Iyon ang gagamitin kong paraan para makahiram ako sa kanya ng pera.Kinabukasan nga ay nagpunta ako sa school nina Tyler. Sakto ang pagpunta ko dahil naglalabasan na ang mga estudyante.
"Palabas na po ba si Tyler?" tanong ko kay manong guard. Feeling close na ko sa kanya.
"Nahuli ka na," sabi ni Manong guard.
"Nahuli? Bakit po? Nakalabas na si Tyler?"
"Pumunta rito kanina si White Wing the Second at magkasama sila na umalis."
BINABASA MO ANG
Her Wolf and Dog (1)
RomanceSeason 1 Two gangsters. One Woman and a choice that will change everything. In the world of mafias, Tyler Tetsuo and Ace Villegas stand fierce as wolves, but not when it comes to Jenna Del Valle; they transform into obedient companions like loyal do...