Fourteen

23 3 0
                                    

Tinapos namin ang program bago kami nagpaalam na umuwi. Like what he said, binantayan niya ako sa pagkain.

Ayoko sana dahil nagbabawas nga ako ng timbang, but he insisted na dapat akong kumain. Hindi naman daw ako mataba and I still looked good. He helped me to distinguish kung alin sa mga food na sine-serve duon ang walang shrimp o kahit anong malalansang pagkain.

Pagkatapos ng dinner at ilang kumustahan sa mga kamag-anak at kapamilya, nagpaalam na rin kami ni Arkin. At tulad ng sinabi ni Ate Paula, lahat ng mga kamag-anak ko, hinihiling na sana ay magkatuluyan
kaming dalawa. May kasama pang panunukso dahil sa ginawang pagbuhat sa akin kanina ni Arkin.

Kung alam lang nila ang ginawa sa akin ng ungas na ito, baka hindi pa siya nakapasok dito sa bahay ng pinsan ko. Alam ni Mommy iyon kaya nga yari ako nito kapag nakarating
sa kanya na kasama ko si Arkin ngayon.

“Ate, thank you so much for coming dito sa birthday ko. Maraming friends ko ang naiinggit dahil tita ko ang Philippines’ top model. Thanks for making this event extra special.”

Ngumiti lang ako sa sinabi ni Pia.

“And you, Kuya, you need to make sure na mapapa-oo mo na ulit si Ate. I desperately wanted to be her bridesmaid sa kasal n’yo. You can do it!”

“Alright. ’Bye now, Pia. And you make sure you will trust the right guy, huh?”

“Yes, I will. You take care, guys! ’Bye!”

Pagkasakay namin sa kotse ni Arkin, agad siyang nagmaneho paalis. And while he’s driving, hindi ko na mapigilang tingnan siya nang masama at kwestiyunin kung ano ang ibig sabihin ng usapan nila kanina ni Pia.

“What’s with that ‘you have to make sure na mapapa-oo mo ulit si Ate’? Bakit mo pinapaasa si Pia?”

“Hindi ko siya pinapaasa. She wanted to think na pwede pa tayo ulit and I can’t see the impossibility of it.”

Napabuntong-hininga ako, sabay tawa. Nagbibiro ba ang lalaking ito? “Anong you can’t see the impossibility of it? Imposible na talaga tayong magkabalikan, Arkin! After ng lahat? You must be out of your mind!”

“Why? Pareho naman tayong hindi pa kasal. Kahit sino pa ang karelasyon natin ngayon, wala pa ring kasiguruhan kung sila na ang makakatuluyan natin. You see, I still believe that none of this happened
without a purpose.”

“You are crazy! Kahit ano’ng mangyari, hinding-hindi na ako ulit magpapakatanga para sa ’yo Naiintindihan mo?”

Nagkibit-balikat siya. “Well, that’s good to know kasi that only means na nag-improve ka na. Hindi ka na naïve at masyadong submissive. I like that.”

“Are you even listening?”

“Yeah. But no matter what you say, I know there’s still some space for me.” May determinasyon sa tinig ni Arkin nang sabihin iyon.

Isang maikling sarkastikong tawa ang pinakawalan ko. “Hindi ka pa rin nagbabago, Masyado ka pa ring
bilib sa sarili mo.”

Hindi na siya umimik at hinayaan lang ako. Patalikod sa kanya na sumandal ako sa pinto ng passenger seat. I didn’t want to argue with him.

Tama naman kasi siya. Meron pa akong natitirang puwang para sa kanya. I was just afraid to admit it dahil ayoko nang masaktan.

Minabuti kong magpahatid na lang sa condominium ko. Ayokong makita siya ni Mommy na aali-aligid sa bahay. I didn’t want to freak her out. Sa lahat kasi ng tao noon, si Mom ang higit na nasaktan habang nakikita
niya ako noong nagmo-move on sa breakup namin ni Arkin. And if she found out na nagkikita na naman
kami ng ex ko, she would be furious.

“Thank you sa paghatid sa akin dito.”

“My pleasure.” Nagmuwestra siyang mauna na ako sa pagpasok sa loob ng building. How I really wanted to invite him in, pero ang weird kung gagawin ko iyon.

I should hate him, right? I should hate him for hurting me in the past. For making me believe that he loved me
as I loved him kahit ang totoo ay mahal niya si Ivy. I should never talked to him or even let him drive me to Pia’s place and drive me back home. Pero bakit ganoon?

I felt at ease being with him. Like I was so delighted that little by little, he’s coming back to me.

Dala siguro ito ng nainom kong tequila kanina. I just took one shot, pero parang nalalasing na naman
ako sa pagmamahal na nararamdaman ko para kay Arkin.

I should never have allowed this to happen.

Like he said, madalas na kaming magkikita ngayon dahil sa trabaho. I never thought na pwede pala ulit magkrus ang mga landas namin after I declined lots of international offers para huwag lang kaming magkita.

Paano na ito ngayon?

Ex-zoned (Ebook@Pink&Purple-RawVersion) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon