Tanda ko pa ang aking paboritong kwento noong akoy musmos pa lamang,
Sa bayan ng San Roque,
May nagkakasiyahan
Apat na pulubiSumayaw ang pilay
Nanood ang bulag
Kumanta ang pipi
Nakinig ang bingiNanonood ang bulag
Mula sa dilim na kanyang kinakukublian
Sya, ang dilim, ang una kong kaibigan
Mayroong mata ngunit hindi nakikita
Nakatitig, nakatingin, pilit iintindihin.
Mula sa dilim na aking kinalalagyan,
Pipiliting tingnan
Ang bahagharing kanilang nasisilayan.
Gusto ko rin!
Pwede bang sa susunod ako naman?Kumakanta ang pipi
Hindi lahat ng gustong magsalita ay may boses
Nais kong ibahagi ang aking kwento
Gusto kong kantahin ang bawat tono na
Sumisimbolo
Sa bawit pait ng nakaraan
Sa bawat luhang umuulan
Bumabagsak sa bubungan
Ng aking maliit, masikip, madilim na tahanan
Ang mikropono, pwede bang akin naman?Sumasayaw ang pilay
Sa entabladong walang nakakapansin
Sasayaw ang pilay kahit walang nakatingin
Bawat galaw ay wala raw halaga
Kahit anong gawin, hindi ka nila makikita
Pwede ba akong magtanghal sa entabladong may ilaw naman?Nakikinig ang bingi
Sila'y mga bingi
Kunwaring nakikinig
Kunwaring may simpatiya
Ikkwento ko sa bingi
Ang masasayang kwento,
Hindi sya makikinig
Subukan mong ilahad ang iyong dumi
Tiyak, iyo ang antensyon ng bingi
Pwede bang sa susunod, wag ka nalang makinig?Pero hindi lahat
Hindi lahat ay bulag
Hindi lahat ay pipi
Hindi lahat ay bingi
Dahil naghihintay lang silaNaghihintay na lumabas ka sa dilim na iyong kinatatayuan
Naghihintay na buksan mo ang iyong bibig at huwag maging pipi
Naghihintay sa entabladong puro ilaw,
"Kaya mo yan!" Ang kanilang isisigawKaya mo yan.
Naghihintay lang kami,
hinihintay ang pagkanta ng dating pipi
Ang pasayaw ng dating pilay
Ang mga kwento ng dating bulag
Makikinig ako, hindi ako bingi.
BINABASA MO ANG
Ventured
PoetryA collection of poems depicting the inner thoughts about the peculiar world of the author.