Kinabukasan nga ay natuloy ang sinabi ng hari na ito na ang magtuturo sa kaniya pero hanggang ngayon hindi pa rin alam ni Zafira ang dahilan sa desisyong iyon ng ama.
"Umpisahan natin sa pamamagitan ng pagmeditate. Tanggalin mo muna yang kwintas mo upang makapag-ensayo tayo ng maayos."
Sinunod naman ni Zafira ang inutos ng ama. Inabot niya dito ang kwintas bago siya umupo at sinubukang magmeditate. Hindi niya pa kailanman nagagawa iyon kaya naman gagawin niya na lang kung anong madalas na napapanood niya sa pelikula.
Hingang malalim tapos buga... inhale... exhale... inhale... exhale...
Sinunod sunod niya lang iyon.
"Hindi ganyan!"
Napamulat si Zafira dahil sa biglaang pagsigaw ni King Zander.
"Po?"
"Bagalan mo ang paghinga mo hindi 'yung para kang hinihingal. Feel that you are at the center of the Universe. You are one with nature. Don't mind anything or anyone one beside you. Feel that you're free from anything."
Ginawa niya ang sinabi ng ama. This time, mabagal na ang paghinga niya at mas nagconcentate pa siya
Naramdaman kong lumulutang na ako sa hangin. Ang porma naman nun.
"Now, I will attack you and you will defend yourself. Pakiramdaman mo."
Pinakikiramdaman niya ang buong paligid pero wala naman. She heard a faint sound like something was thrown in a fast speed. The next thing Zafira knows she was bleeding.
Hinaplos niya ang pisngi na tinamaan ng matulis na bagay. Dumudugo iyon at makirot.
Sunod-sunod siyang nakarinig ng parehong tunog at patuloy na humapdi ang ilang parte ng katawan niya. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin alam kung anong nangyayari.
Dumaing siyang muli ng makaramdaman na naman ng mahpding bagay. Tuluyan na siyang nanghina at nawala sa konsentrasyon.
Naramdaman niya ang pasuot ng kwintas ng kung sinuman. Dahil doon ay bumalik ang enerhiya sa katawan niya. Pagmulat niya, nasa lupa na siya at supot ang kwintas. Unti-unti na lang nawala ang mga galos at sugat niya.
"Magpahinga ka muna anak. Bukas natin ipagpapatuloy ang pag-eensayo mo. Wag ka ng lalabas ng kwarto mo mamaya. Papadalhan na lang kita ng pagkain. Bukas ka na lumabas.
Aangal pa sana siya dahil kaya niya pa naman kaya lang hindi na siya hinayaan makapagsalita ng kaniyang ama dahil nawala na ito sa kaniyang harapan. Mabilis ang kilos nito kaya hindi nakasunod ang mga mata niya. Bigong dumiretso na lamang siya sa kaniyang kwarto.
Kinagabihan nagulat pa siya ng may biglang kumatok sa pinto. Oras na nga pala ng hapunan. Hindi kasi talaga siya pinalabas ng kaniyang ama.
"Pasok." Aniya.
Ang akala niyang taga-silbi na magdadala ng pagkain ay si Flint pala. Isang masayang ngit ang sinalubong niya dito.
"Papasok ako ah?"
"Sige lang!" Tumayo siya mula sa kama para salubungin ito.
Kamusta ka na? Ngayon lang kita nakita.""Busy lang. Eto pala ang hapunan mo." Blanko nitong sabi habang inilalapag ang pagkain niya sa lamesang nasa loob ng kaniyang silid.
"Busy ka diyan. May pinopormahan ka 'no? Yiee!" Pang-aasar niya habang naghahanda sa pagkain.
"Wala. Paano ko poporma kung may gusto ka ng iba."
"Hmm, ano yon?"
Hindi niya masyadong narinig ang sinabi nito dahil pabulong 'yon.
"Wala. Gusto mong gumala?"
"Sige! Tutal bored na rin naman ako dito. Mas gusto ko pa sa Wizards Academy. Maraming pa akong makikilala. Tsaka ung mga dati din nating classmates miss ko na sila."
"Sige pagkatapos mo kumain, pupunta tayo sa Wizard Market."
Wizard Market? Ngayon pa lang siya makakapunta doon. Nakwento na iyon sa kaniya ni Isabela at balak nilang puntahan kung hindi lang naghigpit ang kaniyang ama.
"Talaga? Sige!" Magiliw siyang kumain dahil doon ngunit agad ding napatigil ng may maalala. "Kumain ka na ba?" It was so rude of her not to ask him that first.
"Kanina pa." Kung gano'n kumain nap ala ito. Ipinagpatuloy na lang niya ang pagkain.
Pagkatapos niya, nagbihis na siya habang naghihintay si Flint sa labas ng kaniyang silid. Sinabihan siya nito na magsuot ng damit na maitatago ang kaniyang mukha dahil syempre isa siyang prinsesa. Isang pastel pink na damit ang napili niyang isuot. Katerno din iyon ng suot niyang cloak para maitago ang kaniyang mukha.
"You look Beautiful." Pabiro niyang hinampas ang binata dahil sa sinabi nito.
"Tara na nga!" Tinawanan lang siya ni Flint.
Nauna na siyang maglakad dahil nahihiya siya.
"Saglit lang, Zafira! Oy!"
"Bakit?"
"Hindi ka pwedeng lumabas diba? Baka makita tayo ng mga kawal."
Oo nga pala. Bakit niya nakalimutan 'yon?
"Pero pa'no tayo makakarating sa Wizard Market?"
Tinuro nito ang sahig. Don't tell me...
"Sa ilalim ng lupa."
"Nababaliw ka na ba?!" Asik niyang tanong dito.
"Hindi, wala na tayong ibang choice kundi dumaan sa lupa o wag na lang tayo tumuloy?"
Umiling siya, gusto na niya talagang makapunta doon ngayon.
"Yun naman pala. Sa ilalim na tayo ng lupa dadaan."
Naramdaman niy ang paghawak nito sa kamay niya at maya maya nga ay nasa ilalim na sila ng lupa. Ipinikit niya ang mga mata dahil sa takot na makakita ng kalansay. Iyon naman kasi ang madalas na nasa ilalim ng lupa.
"Open your eyes, Zafira." Mahinahong sabi ni Flint.
"Ayoko nga baka makakita ako ng madaming kalansay."
"Buksan mo na Zafira. Pangako magugustuhan mo ang makikita mo."
Hindi siguradong sinunod niy ang sinasabinito. Sumalubong sa kaniya ang nagliliitang mga duwended na may kaniya kaniyang ginagawa. Sobrang cute nila, hindi niya maiwasang mapangiti.
"See?"
"Ang ganda Flint."
Sa buong paglalakbay nila pinagmasadan niya lang ang kagandahang lumantad sa harapan niya hanggang sa naratng nila ang Wizard Market.
Muli niyang inilagay ang hood ng suot niyang cloak. Napakaraming tao sa paligid. Mukhang may pagtitipon atang magaganap.
"Wow ang daming mga wizard.
"Sh*t!" Napalingon siya kay Flint dahil sa biglaang pagmumura nito.
"Hoy! bakit ka nagmura?!"
"Kailangan na nating umuwi."
"Ano?" Naguguluhang aniya dahil sa kilos ng binata. "Kararating lang kaya natin Flint."
"Hindi ligtas dito Zafira. Makinig ka na lang muna sakin, please?" Nagsusumamo ang boses nito.
"Ano bang ibig mong sabihin?"
"Ito ang araw na pinapayagan ang mga taga-Under World na pumunta sa Elemental World. Delikado Zafira, kailangan na kitang maiuwi."
Hindi niya alam na may ganitong patakaran sa Wizard World. Walang tanong tanong na sumunod na lang siya kay Flint kahit gusto niya pa sanang maglibot. Ayaw niyang may mapahamak dahil sa kaniya. Mas mabuti kung aalis na silang ngayon.
Naglakad muna sila palayo sa maraming tao pero bago pa sila makalubog sa ilalim ng lupa may humarang na sa kanilang mga bampira at asong lobo. Agad siyang naghanda para lumaban
"Terrae Fortress Nebulae" Ani Flint at gumawa ng shield na gawa sa bato pero pero nakikita pa rin nila ang mga bampira sa labas.
Ang bilis naman nila makaramdam na nandito siya.
Wala pa mang nagaganap na laban biglang humangin ng malakas at dumating si Sapphire. Oo nga pala malakas ang pakiramdaman nitong si Sapphire.
"Sakay na mahal na Prinsesa."
"Hindi Sapphire, hindi ko kayang iwan si Flint dito."
Hindi niya kayang iwan ang kaibigan gayong napakaraming kalaban.
"Sige na Zafira. Kaya ko 'to, magtiwala ka lang sakin."
"Tumigil ka nga Flint. Lalaban ako at tutulong."
Nagpalabas siya ng sunod-sunod na beams sa mga vampire at werewolves minsan air beams at fire beams. Nagpa-angat siya ng mga bato sa lupa. Hinati niay ito sa ere at ibinato sa kalaban. Agad namang tumulong sila Flint at Sapphire.
Dahil abala sa pakikipaglaban hindi niya napansin ang papalapit na bapira at nakagat siya nito sa leeg. Buong akala niya ay hindi siya tatablan noon dahil suot niya ang kwintas pero doon siya nagkamali. Lalo na ng makaramdam siya ng panghihina. Bakit ba palaging siya na naman?
+ Sa kagubatan ng Wizard World +
May isang lalaking sobrang lalim ang iniisip.
"Bakit kaya tinablan siya? Suot niya ang kwintas." nagtatakang tanong nito sa kanyang sarili.
"Hindi kaya... nakahanap na sila ng paraan para kontrahin ang lakas ng kwintas na iyon."
"Kailangan ko ng bumalik sa palasyo... kailangan ako ng apo ko."
ariathatsme