WOODFILL BAR
Kasama ng mga Mystic Warriors ang Space Mystic Warriors at ang kanilang Commander na si Greilk, 10 pm ay balak na sanang umuwi nila Genevieve pero hindi nila maiwan ang mga bisita nila.
"Paano sila?" –Mariah
"Yun nga ehh, hindi ba sila pwedeng dalhin sa Khiddemor?" –Genevieve
"Sabi nila magbabantay sila dito dahil Shiozuka ang target ng mga aliens" –Hero
"Aalis na ba kayo? Ok lang maghahanap na lang kami ng matutuluyan" –Janica
"Ayyy hindi, ako na lang bahala sa inyo dito sa bar, sasabihin ko na lang sa tita ko na arkilahin muna ang bar since wala masyadong costumer today dahil sa pagsabog na naganap" –Genevieve
"Saka mahirap na pag nakita yang commander niyo, pagkakaguluhan yan ng mga tao at magviral pa sa social media yan, pati kayo damay" –Hero
"Mas mabuti na nga, para sa ikaliligtas namin, pero kailangan natin maging alerto, di ko alam kung kailan sasalakay ang mga alien na iyon" –Janica
Nagstay ang mga Space Mystic Warriors sa Woodfill Bar kasama ang mga Mystic Warriors, upang hindi makita ng mga tao ay tinakpan nila ang mga bintana ng bar.
"Taklob na taklob, daig pa natin ang wanted ahh" –Jason
"Ehh kung may taong sumilip silip dito, makita pa itong mga ito" –Genevieve
Upang makatulog ay inisod nila ang mga nakapaligid sa resto bar para magkaroon ng space para sa mga ito.
"Oops sorry" habang inaayos ni Mariah ang sofa ay nadali niya si Kirby na nag aayos ng higaan nito.
"Ok lang, dito ka matutulog?" –Kirby
"Oo naman, wala naman pasok bukas dahil nga sa nangyaring bombing, saka nagpaalam naman ako sa nanay ko, sabi ko na kina Genevieve naman ako" –Mariah
"Ehh baka hindi ka maging komportable dito" –Kirby
"Ok lang yun, natutulog nga ako ng nakatayo ehh hahaha" –Mariah
Sa kabilang banda ay tinutulungan ni Janica si Genevieve sa pag aayos at pag aasikaso sa mga kasamahan niya.
"Ayyy ako na Ate Janica" –Genevieve
"Tulungan na kita, nahihiya na nga ako sa inyo ehh, saka Janica na lang, hindi pa naman ako matanda" –Janica
"Nako salamat ate este Janica" –Genevieve
Hindi makatulog ang mga Space Mystic Warriors dahil naninibago sila sa atmosphere ng lugar di tulad sa kanilang planeta, taga Earth man sila pero nagbago na rin ang buhay nila sa kalawakan.
"Hmmm bakit di ka pa tulog? Mainit ba?" tanong ni Mariah kay Kirby na nasa may carpet natutulog "Gusto mo dito ka na lang sa pwesto ko"
"Naku hindi na, nung bata pa ako sanay na akong natutulog sa sahig, wala kasi kaming malaking kama na hihigaan ehh" –Kirby
"Drama mo kyah" bumangon si Mariah at umupo sa sofa na hinihigaan niya "Sige na mahiga ka na dito, siguro bongga tinutulugan mo sa kabilang planeta no?"
Tumabi si Kirby kay Mariah "Madaming nagbago simula nang napunta ako sa Frequrus, yung dating wala lang, heto ngayon tinitingala na sa kabilang planeta" –Kirby
"Bakit? Famous ka ba dun? Wow ahh" –Mariah
"Hindi naman, kilala ang Space Mystic Warriors bilang tagapangalaga ng planetang Frequrus, gusto kasi ng mga evil aliens na wasakin ang isa sa mga malalakas at malaking planeta sa kalawakan"
BINABASA MO ANG
The Guardians of Saredien: Book 1 (The Dark Spirit Saga)(Complete)
FantasyAng lupain ng Khiddemor ay isang mapayapang lugar kung saan ay nahahati sa apat na kaharian, ang kaharian ng Saredien, Erelaria, Crisea at Armaggedon. Dahil sa lubos na kapangyarihang hangarin ng Erelaria ay nais nitong pabagsakin ang tatlong kahari...