2

14.3K 528 36
                                    

⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️⚜️

SA KABILANG BANDA ay dumating si Yuri kasama ang boyfriend na si Paul. Pagkababa nila sa motor ng binata ay agad na hinagkan ng binata si Yuki na hindi naman tinanggihan ang pagnanais ng nobyo. Galing sila sa bar at sa bar pa lang ay panay na ang haplos ng binata sa kanya. Kaya napagpasyahan nilang umuwi at nasa labas pa lang sila ay hindi na makapaghintay ang nobyo niya.

"Ate! Ate!"

Napatigil ang dalawa ng marinig ang boses ni Yuka. Inis namang nilingon ito ni Yuri at tumatalon pa itong lumapit sa kanila habang hawak ang manika at ang kinakain nitong fries.

"Ate, binilhan ako ni Kuya William ng fries. Gusto mo? Pero konti lang, ha? Huwag mo akong ubusan."

"Ano ba!" hinawi ni Yuri ang kamay ni Yuka dahilan para matapon sa lupa ang fries. Napatingin doon si Yuka at magsisimula ng umiyak ng hawakan ito ni Yuri sa panga ng mariin, "subukan mong umiyak abnormal ka! Kapag nalintikan ako kay Daddy, gagawin ko sa 'yo ang ginawa ko sa fries mo."

Kahit na may special na katangian si Yuka ay nakakaintindi ito kaya natikom ang bibig nito. Marahas na binitawan ni Yuri ang panga nito kaya napaatras si Yuka at natipalok kaya napaupo ito sa lupa.

"Tsss. Sa pad mo na nga lang tayo, Paul. Nasira ang mood ko kapag nakikita ang abnormal na ito."

Naunang tumalikod si Yuri kaya hindi niya nakita ang paghagod ng tingin ng nobyo kay Yuka na pigil na pigil ang bibig habang umiiyak na nakasalampak sa lupa.

"Yuka! Diyos ko! Anong ginagawa mo d'yan?"

Agad na lumapit si Yaya Pen na kakalabas lang ng bahay at pupuntahan sana sa kubo si Yuka ngunit nakita niya itong nakasalampak sa lupa.

"Bakit ka umiiyak? At anong nangyari rito?"

Nakita ng matanda ang fries na tila kinakain nito na nahulog. Umiling si Yuka habang ayaw ibuka ang bibig.

"Yuka, anak, magsalita ka.. Narito si Yaya. Sinong nagpaiyak sa 'yo?"

Ngunit kahit anong kumbinsi ang gawin ni Yaya Pen sa alaga ay nanatiling nakatikom ang bibig nito habang umiiyak..

-

"Oohh. . . I like that, Wil!"

Umuungol sa kaligayahan si Priyanka habang hinahalikan ng binata ang kanyang katawan. Pagkarating pa lang ni William sa pad nito ay agad na hinatak siya ng nobya at hinalikan tila hindi na makapaghintay. Hindi lang ito ang first time na gawin 'yon ng dalawa. At palagi ay si Priyanka ang nag-i-initiate na may mangyari parati sa pagitan nila. Hindi na virgin si Priyanka ng makuha ni William pero hindi naman big deal kay William 'yon dahil alam naman niya ang kalakaran sa showbiz. Sa ganda at kasexyhan na tinataglay ni Priyanka ay hindi malabong hindi ito nagka-boyfriend bago siya. Alam niyang hindi siya ang una kaya expected niyang hindi na virgin ito.

Umangat si William para sana pumosisyon na sa nobya ng mag-ring ang cellphone niya. Inis na inabot ni Priyanka 'yon at nang makita ang pangalang 'Yaya Pen' ay agad na pinatay niya ang tawag.

"Istorbo."

Hahawakan sana niya muli sa balikat ang binata ng umalis ito sa ibabaw niya at inabot ang cellphone nitong nilapag niya muli sa side table.

"Sino ang tumawag?" tanong ni William at tinignan ang history calls.

"Oh c'mon, Wil. Wala lang siguro 'yan."

Pero hindi pinansin ni William ang sinasabi ng nobya at tinawagan si Yaya Pen ng makita niyang ito pala ang tumatawag..

"Yaya Pen, anong problema?"

UNTIL WHEN Part 1 (COMPLETED) UneditedDove le storie prendono vita. Scoprilo ora