ERIN
AFTER SEVERAL MONTHS...
TUMAGAL nang ilang buwan ang pag-iisip ko. Sa ilang buwan na iyon, nagpapatuloy ang shooting. Hindi ko na nga lang kinakausap si Caloy, at hindi na rin niya ako kinakausap sa shoot. Hindi na rin niya ako madalas ba tinatawagan dahil minomonitor ni Rea ang calls niya. Baka magduda daw si Rea at baka magtangka uling magpakamatay.
Madalas ma-late si Caloy sa shooting dahil kay Rea. Madalas siyang mukhang problemado. Kapag may lumapit na babae sa kanya, may ibubulong si Rea sa kanya at magkakaroon ng takot sa mukha niya.
Nagawa kong hindi pansinin si Caloy ng ilang buwan. Nagfocus ako sa revision ng scripts, at sa panibagong project na ginagawa ko. Palaging nakasuporta sa 'kin si Thomas. Hindi siya nawala sa tabi ko. Siya ang naging substitute ni Gemma. Hindi pa raw puwedeng laging makipagkita si Gemma sa akin kasi pinagseselosan pa raw ako ng girlfriend niya.
Pero masaya ako sa presensiya ni Thomas. Palagi niya akong napapatawa and all, madalas na napapatingin sa 'min ang mga crew kasama na sina Caloy. Minsan, kapag kasama ko si Thomas, hindi ko na naiisip si Caloy.
Maybe, finally, nagle-let go na ako.
Natapos na ang shooting. Nagkaroon ng party ang buong cast at ilang crew sa isang karaoke bar. Masayang-masaya ang lahat.
"Kakanta ako para sa 'yo," sabi ni Thomas sa 'kin nang matapos bumirit ng Breathless 'yong baklang director.
"Hoy, 'wag na," sabi ko, kumapit sa kanya para hindi makaalis sa mesa namin.
"Sige na, sige na, matagal ko nang gustong kantahin sa 'yo 'yon."
"Ano'ng kanta?"
"Butchikik," sabi ni Thomas. Tapos ay hindi na nagpapigil sa 'kin. Nagpunta na sa harap ng bar. Palakpakan ang lahat ng mga nakakilala na kay Thomas. Kinuha ni Thomas ang mic at nagsalita.
"Matagal ko nang gustong kantahin 'to... para sa 'yo, Erin..." sabi ni Thomas, tumitig sa 'kin. "Pakinggan mo, ha?" Kumindat pa siya pagkatapos.
Nagtilian ang lahat na parang kinikilig. Napailing ako at natawa.
Narinig na namin ang upbeat na intro ng kanta. Ang ilan ay pumalakpak ayon sa beat niyon, ang ilan ay tumili uli, kilig na kilig na, kahit wala pa.
"'Wag kang maniwala diyan, 'di ka niya mahal talaga..." pagkanta ni Thomas.
Lalo pang lumakas ang tilian. Ang potek, napakaganda pala ng boses! Playful pero lalaking-lalaki!
"Sayang lang ang buhay mo kung mapupunta ka lang sa kanya..."
"Mapupunta ka lang sa kanya," pagse-second voice ng mga nasa paligid namin.
"Iiwanan ka lang niyan, mag-ingat ka... dagdag ka lamang sa milyun-milyong babae niya..."
Ako naman ay hindi na nakakibo, nakatingin lang kay Thomas. Titig na titig din naman si Thomas sa 'kin, na para bang gusto niyang intindihin kong mabuti ang kanta niya para sa 'kin.
"'Akin ka na lang..." Itinuro ni Thomas ang sarili. "Iingatan ko ang puso mo..."
Nagtilian pang lalo ang mga nasa paligid. Iyong baklang director, lumapit sa 'kin para kunwaring sabunutan ako. Hindi ko naman alam ang sasabihin ko, natatawa na lang ako.
"'Di naman ako bolero, 'di tulad ng ibang tao. Ang totoo'y 'pag nandiyan ka'y medyo nabubulol pa nga ako. Malangis lang ang dila niyan, 'wag kang madala... Dahan-dahan ka lang... baka pati ika'y mabiktima..." Itinapat ni Thomas ang mic sa crowd.
"'Wag naman sana!" pagkanta nilang lahat. Kasunod ay malakas na tawanan.
"'Akin ka na lang... iingatan ko ang puso mo..." patuloy ni Thomas.
Kasabay niyon, ilan sa mga crew sa paligid ang naglakad palapit sa 'kin. Isa-isa silang nag-abot sa 'kin ng long-stemmed rose. Napanganga ako. Hindi alam kung saan ibabaling ang ulo dahil kabi-kabila ang pag-abot nila sa 'kin ng bulaklak.
"Ano 'to?" sabi ko, nabobo ng slight dahil sa hindi mapagkakailang tuwa na nararamdaman ko.
Bridge na ng kanta. Natanggap ko na lahat ng bulaklak. Hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Nagkatitigan kami ni Thomas. Ngiting-ngiti siya. Nagpatuloy siya sa pagkanta.
"'Di naman sa sinisiraan ko 'yang pangit na 'yan..." Naglakad siya palapit sa 'kin. Hindi niya pinapakawalan ang titig ko habang palapit siya. Ayaw ko rin namang kumalas. Nang mga panahong iyon, nasa paligid man si Caloy, si Thomas lang ang gusto kong tingnan.
Halos mabingi na ko sa lakas ng tilian nang makalapit siya sa 'kin. "'Wag ka sana sa 'king magduda, hinding-hindi kita pababayaan..."
That almost pinched my heart, I almost cried. Dahil totoo naman, hindi ako pinabayaan ni Thomas. Hindi niya ako pinabayaan, kahit magulo ang relasyon namin. We met, he was a candidate for a boyfriend, then everything got complicated when I realized inlove na inlove talaga ako kay Caloy. We became friends and he never even once abandoned me.
Unlike Caloy.
Si Caloy na palagi akong iniiwan.
Iniiwan para sa ibang babae.
"'Akin ka na lang, iingatan ko ang puso mo. 'Akin ka na lang... wala nang hihigit pa sa 'yo..." Hinawakan niya ang kamay ko at itinapat sa dibdib niya. "'Akin ka na lang... liligaya ka sa pag-ibig ko... akin ka na lang... wala nang hihigit pa sa 'yo..."
Doon natapos ang kanta. Palakpakan at sigawan. Ako, sari-saring emosyon ang nararamdaman ko.
Bigla, pumasok sa isip ko lahat ng ginawa ni Caloy sa 'kin. Iyong pinaghintay niya ako sa date namin, 'yong sinusungitan niya ako dahil may away sila ni Rea, lahat, bumalik sa isip ko. Never kong naramdaman kay Caloy 'to. Never kong naramdaman sa kanya na espesyal ako, maliban na lang noong nagka-cancer ako. At nang gumaling ako... wala na rin. Para ba'ng lahat ng ginawa niya, obligasyon lang niya.
Itinaas ni Thomas ang kamay at natahimik ang mga tao sa paligid.
"Totoo 'yon," sabi ni Thomas. "Wala nang hihigit pa sa 'yo."
Wala akong nasabi.
"Siguro, akala mo, kulang ka. Siguro, akala mo, pangit ka. Siguro, akala mo, dapat kang makontento sa natatanggap mong pagmamahal. Pero hindi. Hindi ka dapat binibigyan ng mali at kulang na pagmamahal, Erin. Kailangan sa 'yo, mabigyan ng sobra..."
"Thomas..." sabi ko, nabasag ang tinig.
"Kailangan, sobrang pagmamahal ang matanggap mo. Hindi lang mula kay Gemma. Mula sa 'kin. Pati na sa sarili mo."
Nagsisimula ng pangiliran ng luha ang mga mata ko.
"At narito ako palagi sa tabi mo, Erin, para ipaalala sa 'yo... na ikaw iyong dapat minamahal nang totoo."
Sigawan mula sa crowd. Nagpatakan ang mga luha ko. Hinampas ko siya sa balikat. Paulit-ulit na hinampas. Tawa naman siya nang tawa. Hanggang sa hilahin ko na siya palapit sa 'kin at yakapin. Niyakap niya din ako. At gumaan ang lahat. Sa isip ko, may isang lobo, mistulang sumasayaw sa ere.
Maybe... just maybe... it's time to let Caloy go.
BINABASA MO ANG
Sundo
RomanceWala nang mas martir pa kay Erin. Pumayag siya na dalawa sila babae sa buhay ng boyfriend niyang si Caloy. Nagtiis siya, kahit lugi siya, kasi yong isang babae ang "mas" mahal. Then, nadiagnose siya na may cancer. At nang malaman yon ng boyfriend n...