"Where are you?" Mabilis kong tanong matapos niyang sagutin ang tawag ko.It's 2 in the morning and I don't know where is she,right now.I'm f*cking worried!
"Je." Narinig kong maingay ang background niya kaya nagka ideya ako kung saang lupalop siya naroroon.
"I'm asking you,Kaori,where are you?!" Halos sigawan ko na siya sa sobrang pag aalala. "Kanina pa nag aalala si Tita sayo!"
"Je,kahit ngayon lang.Hayaan niyo muna ako." Sagot niya sa kabilang linya.Pakinig ko ang pag buntong-hininga niya sa kabila ng maingay na background music.
"Are you telling me na 'wag na kitang pakialaman,gano'n ba?" Itinigil ko ang sasakyan at itinabi ito.Hindi ko kayang mag drive ng ganitong sobrang naiinis ako sa kanya.Baka sa ka-badtrip-an ko ay masagasaan ko pa ang mangilan-ngilang sasakyan sa paligid.
Hinintay kong magsalita siya pero wala na akong narinig mula sa kanya.Tiningnan ko pa ang cellphone ko kung may kausap pa ba ako?Nang masigurado na hindi pa niya ibinababa ang tawag ay muli akong nag salita.
"Hahanapin kita kahit nasaan lupalop ka pa ng Pilipinas,Kao.I am not your best friend for nothing!" Seryosong kong sabi bago ibaba ang tawag.
Binuhay ko ang makina ng sasakyan at nagsimulang mag drive kung saan lugar ko siya maaaring makita.
Napabuntong-hininga ako. Ilang beses na nga bang nangyari ito?
Hindi ko na mabilang kung ilang beses ng nangyari na sa kalagitnaan ng gabi ay tatawagan ako ni Tita Qel at sasabihing, 'Jelay,Kasama mo ba si Kaori?Hindi pa siya umuuwi'.
Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses akong halos magkumahog sa pagbangon sa kama at hanapin kung saan lupalop naroon ang anak niya.
But I guess, that's a best friend's duty.
..
Pagkapasok ko pa lamang sa bar na madalas naming gawing hang-out place ay hinanap na siya ng mga mata ko.Struggle ang paghahanap ko sa kanya dahil sa dami ng tao rito,idagdag pa ang ilang lalaki na humaharang sa dinaraanan ko upang magpa cute.Ayos lang naman sana sa akin kaya lang hindi naman sila ang ipinunta ko rito.
Bwisit!Nasaan ba ang babaeng 'yon?
"Hey,Jillian." Pagbati sa akin ni Austin.I mean,Tintin.Austin sa umaga,Tintin sa gabi.Yes,he's gay. Nakilala namin siya ni Kao dahil madalas din siya rito.
"Tintin." Pag bati ko sa kanya kasabay ng pagbeso." I am looking for Kao.Nandito ba siya?"
"Oh si Kaori.Yes,I saw her kanina sa dance floor.Kasayaw niya si Marco.Nagtaka nga ako bakit hindi ka niya kas...hey!" Iniwan ko si Tintin at hindi na tinapos ang sasabihin niya.
Kaagad kong tinungo ang dance floor at kaagad ko ring nakita ang kanina ko pa hinahanap. Tama si Tintin,kasama nga nito si Marco habang nagsasayaw sa gitna ng dance floor.Base sa mga ikinikilos niya ay lasing na siya.Hindi na niya napapansin na kanina pa siya hinihipuan ng gagong lalaki.
Simangot ang mukha ng maglakad ako sa direksyon nila.
Walangya kang babae ka, kanina pa ako nag aalala tapos ikaw nakikipaglandian lang pala!"Let's party!" Sigaw niya habang nagsasayaw.Kaagad ko siyang hinila sa kasayaw niyang butiki."Ouch!Ano ba!"
"Let go of me!Who the hell..." Tumigil ako sa pagkaladkad sa kanya saka siya binigyan ng isang nakakamatay na tingin.
"J-Je?""Let's go!" Madiin kong sabi saka muling hinawakan ang braso niya.
"But Marco's waiting." Sa kabila ng kalasingan ay nagawa pa rin niya akong sagutin.
"Sasama ka sa akin o babalik ka sa manyak na 'yon na kanina ka pa hinihipuan." Seryosong kong tanong sa kanya.
Nanlaki ang chinita niyang mga mata at hindi makapaniwala niya akong tiningnan.
"You choose." Hindi ko pa rin binago ang ekspresyon ng mukha ko.
"Fine!" Naiirita niyang pagsuko saka naglakad na muntik na niyang ikatumba.Buti na lamang at nasalo ko siya.Marahas kong hinatak ang braso niya para alalayan.
Bago mag drive ay itinext ko muna si Tita Qel para hindi na siya mag alala sa anak niyang lasinggera.Habang nasa byahe ay wala kaming imikan.Bukas ko na lamang siya balak sermunan dahil alam kong wala namang papasok sa utak niyang puno ng alak.
"W-We broke up." Pagbasag niya sa katahimikan.
Hindi na ako nagulat na wala na 'ulit' sila ng boyfriend niyang gunggong.Nagkaka ganito lang naman siya sa'twing nakikipaghiwalay sa kanya ang malandi niyang boyfriend na ipinaglihi yata sa higad.At ito namang best friend kong tanga,ipinaglihi yata sa mighty bond.Ang tibay ng kapit.Niloloko na nga balik pa rin ng balik.Kalahi yata niya ang tatlong paring martyr.
"Babalik din 'yon." Maikli kong sagot dahil sa totoo lang,paulit-ulit na lang 'tong nangyayari.
"I think, it's for good and I feel so bad about it." Hindi na rin ako nabigla ng humagulhol siya ng iyak.
"J-Je, nakita ko na naman siyang may kasamang i-iba." Gusto ko sanang isagot na 'hindi ka pa nasanay?' pero nanatili akong tahimik. "P-Pinapili ko siya...and guess what?"
"Hindi ikaw ang pinili niya." Diretso kong sagot na lalo niyang ikinahagulhol.
"Two years,Je. Two f*cking years but still he chose that slut over me!" Marahas niyang hinablot si Luke, a toy dog na naka display sa kotse ko.
"Huwag mong pagbuntunan ng galit si Luke.Hindi ka inaano niyan." Mabilis kong inagaw sa kamay niya ang laruan at muling ibinalik kung saan ito nakalagay. Siya ang nagbigay,siya rin ang sisira.Magaling!
"Tell me,Je pangit ba ako?Kapalit-palit ba ako?!" Napangiwi ako sa tanong niya na ala-Liza Soberano.
"Eh kung iumpog ko na lang kaya 'yang ulo mo para matauhan ka?Si Liza Soberano pa talaga ang kinarir mo,galing mo 'te."
"Jelay,I'm serious!" Naiinis niyang sagot sa kabila ng pag iyak.
"O kaya naman,banggain na lang kita baka sakaling magka amnesia ka at makalimutan mo na 'yang gagong si Gelo." Angelo ang pangalan,demonyo naman ang ugali.Tss!
"Jelay!" Binigyan niya ako ng death glare ng mabanggit ko ang 'napakabuting' pangalan ng ex niya.
"Bakit ba kasi paulit-ulit mong pinapatawad ang gagong 'yon?" Nakasimangot kong itinutok ang atensyon sa pagda-drive.
"Dahil mahal ko siya."
"Mahal ka ba?" Pambabara ko sa kanya kaya naging palaso na naman ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. "Kalimutan mo na lang siya."
"Madali mong sabihin 'yan dahil wala ka sa sitwasyon ko." Naiinis pa rin niyang singhal sa akin.
"Hindi ko rin pinangarap dahil hindi ko kayang tagalan ang ugali ng ex mo."
"Hindi na ako nagtaka.Wala naman talagang tumatagal sayo." Sa sinabi niyang iyon ay napabaling ako sa kanya.
"What did you say?" Sumeryoso ang mukha ko at nawalan ng focus sa pagda-drive.
"Nagagalit ka kay Gelo dahil manloloko siya.Ikaw ba hindi?Hindi ba't papalit-palit ka rin naman ng boy..."
"Don't you ever compare me to him!" Galit ko siyang nilingon matapos muling huminto na muntik na niyang ikasubsob sa unahan ng sasakyan. Mabuti na lamang at wala na kaming kasunod na sasakyan dahil dis-oras na ng gabi.