Luis' Point of View
"Hello your face! Ikaw, bilang kabayaran, sunduin mo ko dito. Ikaw mag isip ng paraan para makaalis ako dito!"
"Pero-" Binabaan ako na ng phone.
Ano ba naman yan!!! Nakakainis naman!!!
"Hahahahaha! Ano, bro? Ihahanda na ba namin ang kabaong mo?" Ha-ha-ha! Hindi naman nakakatawa!
Pano naman kasi. Nag alarm naman ako sa phone ko para nga mapaalalahanan ko sya. Pano kasi lagi naman sya makakalimutin. Ako na ang human alarm clock nun e. Kaso ewan ko ba kung bakit di nag alarm yung phone ko. Napasarap din naman kasi ako ng pagpapractice.
Hirap hirap kaya nung chords na gusto nyang gawin ko.
Naalala ko nun, di naman kasi talaga ako marunong mag gitara.
E pumasok kami nun sa isang bar sa may papuntang MOA. Bad trip kasi sya nun kasi nakakuha sya ng lower than 95 sa isang quiz nya. Hahahaha! Nerd talaga! Ayun, hinigit nya ako. Nagkataon naman na may tumutugtog na banda sa stage. Tapos ang drama kasi biglang umalis yung vocalist at may hinabol na babaeng audience na tumakbo palabas.
After nyang makamit ang goal nya which is to get drunk, umalis na kami. Ang haling malasing nung Louis na yun. Hahaha! Mukang hindi lasing. Kung di lang ako kasama nya aakalain ko na di talaga sya nakainom at aakalaing madaldal lang talaga sya.
So ayun nga. Dahil madaldal sya, kinausap nya yung banda.
Nalaman namin ang mga pangalan nila.
Si Jerrick, si Jonathan at si Jirgo.
Nalaman namin na di na babalik yung vocalist nila, yung Zeb ba yung pangalan nun? Kasi nga daw, pinatitigil na daw si Zeb ng girlfriend nya. Buntis daw kasi yung girl at ayaw pagbandahin itong si batang ama. Kaya ayun, byebye.
Di na sila makakatugtog, at malamang daw di na sila makapag aral. Working students kasi yung mga yun e.
Si Jirgo, Go kung sa aming banda, Mechanical Engineer student sa Mapwa (Haha. Masama naman kung sasabihin ko yung totoong school, diba? Baka huntingin nyo pa), Part time sa repair shop ng tito nya after class at drummer sa Friday, Saturday at Sunday.
Si Jonathan, Nathan sa amin (Oo kami lang pwede tumawag non), Electrical Engineer student sa Lotrun, AutoCad operator sa mga nag papagawa ng Thesis after class at tumutugtog ng rhythm guitar pag Friday, Saturday at Sunday.
Si Jerrick naman, Rick namin, Business Administration sa LBU (malay ko kung bakit naiba ng course tong mokong na ito), nagwewaiter sa Pancake House tapos bassist sa Friday, Saturday at Sunday (oo. Bass hawak nya dati).
Si Zeb daw dati na hawak ng lead.
Eh eto naman si Louis, tinamaan ng malaking idea o ewan ko, dahil lang yata sa bugso ng damdamin, biglang mag volunteer na sasali sya.
Sa una ayaw pa nung mga loko o, pano daw kasi babae si Louis. Eh dahil nga nakainom na di halata si Louis, biglang pumasok ulit sa loob at pumunta sa stage. Inagawan ng mic yung vocalist pero syempre inexplain naman nya kung bakit.
Anong explanation nya?
Para daw matapos na ang pagigist sexist ng mga tao sa mundo.
Anong nangyari?
Ayun, pumiyok at napahiya si Louis.
Joke!
Hindi, natural nagawa nya ng maayos. May stage presence, nagpakita pa sya ng solo guitar tapos talagang maganda ang boses nya! Ganda, hindi mala-anghel pero maganda kasi bagaw sa genre na pang banda.
BINABASA MO ANG
A Thousand Masks
Teen FictionA good girly daughter sa harap ng mga magulang nya. A thick glassed nerd sa harap ng professors nya. Boyish sa harap ng mga boys at bully sa harap ng mga girls. Rakista sa harap ng audience. Paminsan minsan, bitch sa mga mata ni XYZ pero ganon pa ma...