10- They meet again

1K 26 2
                                    

Ashley






Nandito ako ngayon Quezon, kung saan ishoshoot namin ni Mich ang last scene ng movie namin.





Mixed emotions ang nararamdaman ko ngayon. Lungkot, saya ,kabado.






Mamimiss ko lahat ng mga naging kaibigan ko dito dahil sa movie nato.






"Okay ka lang pre?" tanong ni Mich at inakbayan ako. I smiled and nodded "Okay lang, last scene nalang to then tapos na ang movie" sabi ko at napahinga ng malalim







"Oh bakit parang malungkot ka? diba dapat masaya ka kasi dadami na ang free mong sched?" nagtataka niyang tanong "Ah...mamimiss mo kami no?" tumawa siya tapos pinisil ilong ko









"SILA. Hindi ka kasama" sabi ko at tumawa ng sumimangot siya 






"Grabe siya"







"Joke lang syempre mamimiss din kita" sabi ko at ngumiti sakanya "Tara na, para maaga  din matapos tong shoot" hinila ko na siya patayo at lumapit na kami pareho kay direk na hinihintay na pala kami









Ngumiti siya sa amin tapos niyakap kami pareho "Salamat ng marami sainyo ha, sorry nadin sa mga times na sobrang init ng ulo ko. Pero proud ako sainyo" sabi niya tapos humiwalay na sa yakap "handa na ba kayo sa last scene niyo?" tanong niya 

          









"Yes ma'am!" sabay namin sagot ni Mich "Good! sige na formation!" sabi niya sa amin lahat. "Ash tara na sasamahan kita sa kotse dun sa baba" sabi ni direk










"Sama nadin ako direk" sabi ni Mich "Ay nako! Hindi pwede! doon ka sa kabilang kotse!" napakamot sa ulo si Mich at sumunod na lang kay direk








"Hindi ba talaga kayo ni Mich?" tanong ni direk habang naglalakad kami papunta sa kotse na sasakyan ko para sa scene "Hindi Po" natatawa kong sagot 









"Weh? kasi parang may something kayo, ang sweet niyo sa isa't isa. Si Mich, super sweet. Feeling ko may gusto yan sayo" sabi ni direk tapos pinisil bewang ko kaya natawa nanaman ako 








"Ay nako direk, ganyan talaga si Mich sa lahat. Mag bestfriend lang kami" nginitian ko si direk tapos sumakay na sa kotse "Get ready ah" sabi niya tapos sinara na ang pinto







I took a deep breath and smiled at the camera.









"AND CUT!" sigaw ni direk, tapos pumalakpak ang lahat ng staff maging ang ibang tao na nanunuod sa amin






Tan and Lallaina Love StoryWhere stories live. Discover now