• CHAPTER 18 "Eugi vs Suzzane"

5.2K 318 56
                                    

NANG makabalik si Visla sa waiting area para mag handa sa susunod na laban ay inaasahan na niyang pa-uulanan siya ng kaniyang mga opponents at staffs ng papuri, napangiti naman siya dahil doon. Nananatiling number one trending ang pagkapanalo niya kanina, at siya rin ang nangunguna sa lahat ng poll sites na may pinaka maraming boto mula sa mga estudyante. Pero ni-isa mga ito ay hindi na bago sa kaniya. 

"Wow, you did a great job.." papuri ni Blaise saka ito muling pumalakpak. Isa si Visla sa nakikita niyang hadlang para makamit ang champion belt. Mukhang hindi magiging madali ang laban pero kung aanalisahin niya ng mabuti ang istilo nito sa pakikipag-combat ay possible niya rin itong matalo.

"As expected from the Alpha's fianceé. Mas na-chachallenge tuloy akong lumaban mamaya." komento naman ni Alistair habang nakatingin sa babae.

"I'm looking forward to that," isang matamis na ngiti ang pinakita nito. "To be honest, hindi man lang ako nakaramdam ng thrill kanina. Just a normal opponent, and it really bored me to death.." nagkrus ang kaniyang braso at tumingin sa screen. "So, who's the next contenders?"

"Si Suzzane at Neo," sagot ni Alistair, sinulyapan niya si Visla. "Those two.. Kanina pa masama ang tingin ni Suzzane kay Neo. Parang may hinanakit siya dito.."

"Pano ba namang hindi maiinis 'yang si Suzzane? Nakita mo ba kung 'pano tumingin 'yung Neo? Her eyes looks like she's against everyone.. Hindi ko rin nagustuhan 'yung tingin niya, 'yon 'yung mga klaseng tingin ng piling magagaling.. Like she could threat everyone with that look.." komento naman ni Blaise. Tumango lang ang dalawa bilang pag-sang ayon.

~•~•*•~•~

["Welcome to the second clash! I'm your emcee Dino at kasama ko ang napaka-gwapong si sir Aldon para maging ating commentator ngayon! Sir Aldon, ano po bang masasabi niyo sa mga contenders natin ngayong taon? May'ron ka na bang nakikitang magwawagi!?"]

["To be honest, the first battle gave me a goosebumps. Kahit expected na ng ilan sa atin na si Visla ang magwawagi, I still can't believe what she did on the battlefield, kumpara sa nakaraang taon mas nakita ko ang improvement niya sa physical combat. And for the other contenders, mahirap masabi kung sino sa kanila ang may ibubuga sa battlefield.."]

["Nakakagulat 'din dahil first time palang may nakapasok na baguhan dito sa tournament, usually ang mga contenders ay may mga past experience sa ganitong klase ng palahok but a normal student proves that strength doesn't come from experience!"]

["Yes. Yes, si Neonila Esmallaner.."]

["Sigurado rin ako na ang mga estudyante ay gusto siya makitang lumaban! Kaya h'wag na natin patagalin! Let the second clash begin!"]

Muling ipinaliwanag ng commentator ang rules ng laban. Ang sinumang ma-knock out o hindi makatayo sa loob ng limang segundo ay awtomatikong talo. Maari ring sumuko ang isang kalahok kung itataas nito ang kaliwa nitong kamay o gagawa ng tatlong tap sa sahig. Maari namang pigilan ng staff o emcee ang laban kung nakikita nitong hindi na kayang lumaban ng isang kalahok o kung nagtamo ito ng malaking pinsala sa katawan.

Kinakabahang pinanood ni Sheiko ang nangyayari sa ring ni Eugi.

"Sana h'wag siyang matalo ni Suzzane."

"Malay mo siya ang manalo.."

"Tch, imposible.. Maliban nalang kung kaya niyang gumamit ng mataas na level ng magic."

"Wala ka bang tiwala sa kaklase natin?"

"Hindi naman sa wala pero, parang ganun na nga hahaha!"

          

"Ah! Natatakot akong manood, pakiramdam ko matatalo niya kaagad si Neo! Nakakahiya!"

"Pwede ba!?" kunot ang noong humarap si Sheiko sa mga katabi niyang kaklase. "Nandito ba talaga kayo para suportahan siya!?"

"Of course, but it doesn't mean naniniwala kami na mananalo siya.."

"Tsk! Mananalo si Neo!" tumingin pa siya sa mga estudyanteng nasa likod niya dahilan para tumingin rin ito ng may pagtataka sa kaniya. "Si Neo ang mananalo! Hmph!"

~•~•*•~•~

Nakatingin lang si Eugi sa malaking screen kahit kaharap na niya si Suzzane. Wala pa rin talaga sa plano niya ang umatake hangga't hindi nauuna ang kaniyang kalaban. Wala naman siyang alam na istilo sa pakikipaglaban at wala rin siyang alam sa pag-gamit ng wand ng mga sorcerers.

'Ah, shit! Ano ba 'tong pinasok niya?'

"Hindi pa huli para mag back-out Neo," seryoso ang tinig ni Suzzane habang masama ang tingin kay Eugi. "I'm giving you a time while I have my sanity cause later I won't spare you.. Not even a single mercy! So if you want to forfeit, I allow you—"

"H-Ha??" gulat na tanong ni Eugi matapos tumingin sa screen. Hindi niya narinig ang sinasabi ng kaniyang katunggali kaya naman halos magtaka siya nang may sinasabi na pala ito sa kaniya. "S-Sorry, hindi ko narinig—"

"Inaasar mo ba ako!?" halos pumutok na sa inis ang ulo ni Suzzane sa kaniyang kausap. Para bang inaasar siya nito!

"Hindi nga kita narinig.."

"Back-out or else! I'm sparing you, can't you see!?"

"You don't need to spare me.. you'll need it more, so save it for yourself.."

"Wow, so niyayabangan mo ko?? Na mas kailangan ko ng spare sa sarili, gano'n??" taas ang kilay niyang tanong kay Eugi pero hindi lang ito umimik kahit na iyon ang ibig nitong sabihin. Nag-iwas ng tingin si Eugi para sumulyap sa mga manonood. Siguradong naghihintay na ito makasaksi ng malupit na aksiyon. Napabuntong hininga siya sa isipan saka muling tumingin sa kaniyang katunggali.

PERO

Wala na sa kaniyang puwesto si Suzzane!

*Swoooooooooosh*

Binalot nang napakalakas na hangin ang buong battlefield, kaya ang buong buhok ni Eugi ay lumipad na papunta sa kaniyang mukha. Naramdaman niya ang pag-angat ng kaniyang suot na sombrero bugso ng malakas na hangin kaya naman bigla siyang nakaramdam ng kaba. 'Shit, hiram lang 'yon.. Pag nasira 'yon, babayaran ko pa!'

"You'll regret this, Neo.." dinig niyang usisa ni Suzzane sa kung saan ngunit hindi niya ito hinanap sa paligid dahil nakapokus lang ang kaniyang buong atensyon sa paghahanap kung saan bumagsak ang suot niyang sombrero. Mas lalo siyang kinabahan nang hindi ito makita, ang mas ikinababahala niya ay masira ito.

Spotted!

Nang makita niya ang sombrero sa isang sulok ay mabilis siyang tumakbo patungo roon pero natigilan siya nang biglang lumitaw sa kaniyang harapan ang isang dambuhalang halimaw na mula pa sa himpapawid. Sinubukan niya itong iwasan at lumiko sa gilid nito ngunit muli nitong hinarangan ang kaniyang dadaanan dahilan para mainis si Eugi.

"Tabi muna—"

Napahiyaw ang mga manonood nang magsimula nang umatake ang kaharap niyang halimaw. Mabuti na lamang at mabilis niyang nabasa ang atake nito kaya naihanda niya rin ang sarili na umabante mula sa kaniyang puwesto. Napansin ni Eugi na halos buong manonood sa hall ay sa kaniyang laban nakatingin. Naghihintay ng magandang mangyayari.

UNRIVALED!Where stories live. Discover now