Deanna POV.Nandito ako ngayon sa tapat ng bahay nila jema may date kasi kami at ang usapan mamaya pang
6pm pero nandito na ako ng 4:30 bakit ba excited ako makita girlfriend ko eh. Nag doorbell na ako at una ko na kita si nanay."ohh deanna kala ko ba mamaya pa kayo aalis ni jema??" tanong ni nanay sakin. Niyakap ko naman agad si nanay nung lumapit na siya sakin para pag buksan ako ng gate.
"sorry nay hehe excited lang talaga ako makita si jema" mahinang sabi ko pero sapat na para marinig ni nanay. Niyakap naman ako ng mahigpit ni nanay.
"may problema ba anak??" tanong ni nanay. Grabe yung tibok ng puso ko nung tinawag ako ng "anak" ni nanay! Sarap sa ears at sa puso
"wala naman po nay hehe nasan po si jema??" sabay bitaw ko sa yakap namin ni nanay. Ngumiti naman si nanay, alam kong alam na niya kung bakit ako nandito.
"nasa taas pa anak at sa palagay ko tulog pa siya" sabi ni nanay. Ngumiti naman ako.
"ahh ganun po ba hehe nay pwede ko ba siya puntahan sa kwarto niya?" paalam ko kay nanay at tumango naman siya pero bago pa ako umakyat bigla ako hinila ni nanay at niyakap ulit
"Salamat" ngumiti naman ako at tumango kay nanay. Umakyat na ako sa kwarto ni jema.
At sa pag dating ko sa kwarto ni jeme hindi nga nag kakamali si nanay tulog na tulog pa si bb ko hehe hayss ang ganda niya talaga kahit tulog hustisya naman po Lord sa babaeng toh! Bakit kahit tulog ang ganda ganda! Sleeping beautiful nga naman talaga. Gisingin ko ba?? O halikan ko na lang?? Charot! Ang harot deanna nasa baba lang si nanay!
"deanna??" ayun na gising na si sleeping beauty ko kala ko kailangan ko pa siya ikiss hehe.
"good afternoon gorgeous" sabay kindat ko sakanya Abay napaka harot deanna HAHAHA.
Ngumiti naman siya. Sa loob ng 4 months
O higit pa. Ngayon ko lang siya ulit nakita ngumiti na ako pa ang dahilan."ang aga mo naman yata masyado wong! Mamaya pa tayong 6 aalis ahh" taka niyang tanong. Ngumiti ulit ako! Shet buong magdamag yata ako ngingiti dahil sakanya.
"excited ako makita ka ehh" sabi ko na naka ngiti.
"ang harot wong hahaha" natatawa niyang sabi. Shet yung tawa niya ngayon ko na lang ulit yun na rinig at ngayon ko na lang yata maririnig.
"kinilig ka naman!" sabi ko. Tumingin naman siya sakin. Bakit ganyan siya makatingin??
"baka matunaw ako Galanza!" sabay takpan ng mga mata niya. Tumawa nanaman siya ulit.
"ang kapal mo naman wong" di ako mag sasawa marinig mga tawa mo.
"baka ako ang matunaw dito wong hahahaha grabe naman kasi maka tingin sakin---" hindi ko siya pinatapos.
"i love you" shet bakit di ko mapigilan bibig ko sabihin yan sayo. Nakatingin lang siya sakin. Ngumiti ulit ako.
"matulog na lang tayo" pag iiba ko ng topic. Niyakap ko naman siya agad at pinapatong ko ulo niya sa balikat ko, kagaya ng dati
"i love you too" sabi niya. Ngumiti naman ako ng peke. The most sweetest lie I've ever heard.
"alam ko" sabay kiss sa noo niya. At hinayan na siya matulog. Oo siya lang, naka tingin lang naman ako sakanya buong mag damag. Mamimiss ko toh.
5:30pm na at kailangan ko na siya gisingin. Kiniss ko buong muka niya para magising kagaya ng dati.
"b gising kana po. 5:30 na po" sabi ko at kissniss ko naman siya sa noo niya. Bumangon naman siya at tumingin sakin. hoy yung smile niya sakin! Ahhhhhh ang cute cute ng baby ko!
"hintayin na lang kita sa baba ahh" sabi ko dito sabay kiss sa noo. Namumuro na siya sa kiss ko ahh hahahaha. Tumango naman siya sakin.
Bumaba na ako at nakita ko sila nanay at tatay naka upo habang nanonood na mag kayakap pa. Haysss kung ano una kong kita sakanila nung una kong punta dito ganun parin sila hanggang ngayon. Walang pinagbago.
"Ohh deanna gising kana pala. Aalis naba kayo?? " sabi ni tatay sakin at lumapit sakin para yakapin ako. Yumakap naman ako ng pabalik.
"opo tay hehe sorry po di na ako nakapag paaalam sayo na umakyat sa kwarto ni jema" nahihiya kong sabi. Ngumiti lang si tatay.
"ano kaba anak! Okay lang yun alam ko naman na excited ka makita si jema" parehas naman kami na tawa. Tama naman si tatay ehh HAHAHA. Na tigil naman ako sa pag tawa nung bigla ako niyakap ni tatay.
"salamat anak" kagaya ng sagot ko kay nanay ngumiti lang ako at tumango.
"ate deannaaaaaa" sigaw ng isang babae galing sa kusina at kilala ko na toh HAHAHA.
"mafeeeeee" sabay yakap ko sa bunsong kapatid ni jema. Namiss ko tong bata na tohhhhh at mamimiss ko toh.
"bakit ngayon ka lang dumalaw dito?? Nakakatampo kana ate" malungkot na tanong ni mafe sakin. Pinanggigilan ko naman pisngi niya.
"Sorry bunso ngayon lang nag ka time ehh! Wag ka mag alala babawi ako sayo pag mag kikita tayo ulit " sabi ko dito. At yung kanina niyang muka na na malungkot na palitan ng isang malaking ngiti.
"deanna tara na tapos na ako" titingnan ko sana si jema kaso bigla ako niyakap ni mafe.
"Salamat ate deans" ngumiti ako at tumango.
"hoy mafe! Kanina ka pa yakap ng yakap kay deanna ahh" hayss nag susungit nanaman siya at nag selos pa talaga sa kapatid.
Kaya tiningnan ko na siya. Wala na finish na ang ganda niya parin kahit napaka simple lang ng sout niya kahit wag mo na lagyan pa ng make up maganda parin siya kahit ang sout niya lang ngayon short at white shirt samahan mo pa ng vans na sapatos. Wala siz maganda parin siya. Mas bagay talaga sakanya yung simple lang pero mas bagay kami Charot!
"grabe naman kayo mga tinginan ninyo sa isa't isa! Para kayo mag kakainan jan HAHAHA opsss wrong words" sabi ni mafe at sabay takbo pabalik sa kusina. hahabolin pa sana ni jema pero pinigilan ko na HAHAHA langya naman neto ni mafe kung ano ano lumalabas sa bibig.
"HAHAHA tama na b! Alis na tayo wag mo na patolan" sabi ko sakanya sabay hawak sa kamay niya at nag paalam na kila tatay at nanay.
"wong pataasan tayo!" paghahamon niya sakin. Ngumisi naman ako sakanya.
"okay game!" sabi ko naman dito.
Nandito kami ngayon sa mall at ang una namin pinuntahan ang arcade wala lang makikipag pustahan lang kami sa isa't isa kagaya ng dati.
"pag nanalo ako kakantahan moko!" sabi niya at may pa taas baba pa ng kilay taray talaga kala mo naman talaga mananalo sakin.
"pag ako nanalo ikaw lang kakanta at libre mo ang kakain natin ngayon" sabi ko naman sakanya.