Chapter 42

575 14 0
                                    

Today is my BIG DAY!

Nakaharap ako ngayon sa salamin at pinagmamasdan ang sarili ko. Bagay na bagay sa akin ang magsuot ng wedding gown. Sobrang kaligayahan ang nararamdaman ng puso ko.

"Hindi pa nga nag-uumpisa naiiyak ka na agad jan."

Niyakap ko si Alexa.

"Thank you for everything."

Umiling siya. "No. Thank you for everything. Pinagkatiwalaan mo ko at ginawang parte sa journey mo sa modeling world, Kyril. Ngayon masayang-masaya ako para sa'yo."

Pinunasan ko ang tumulong luha sa mga mata ko.

"Don't worry, waterproof naman ang make up mo."

Nagtawanan naman kaming dalawa.

Pumasok rin sa kwarto ko sina Ate Kim at nag-iyakan pa kami.

"We're really happy for you, Kyril."

Pinupunasan ni Andrea ang luha niya.

"Sa wakas nakuha mo rin ang lalaking pinapangarap mo and that is for lifetime."

Natawa naman kami sa sinabi ni Briana.

"Bibisita ka pa rin dito, ah? Wala na nga si Vera pati ba naman ikaw?" malungkot na sabi ni Ate Kim.

"Lagi akong bibisita. I promise!"

Nagyakapan pa kami.

I will probably miss all of them.

Inihatid nila ako sa kotse na sasakyan ko bago tumungo sa van na sasakyan nila papunta sa simbahan. Pinauna muna namin ang van bago umandar ang kotseng sinasakyan ko.

Habang nasa kotse ay pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman ko. Ngunit naglaho ang excitement nang mapansin ko na ibang way na ang tinatahak ni Manong driver.

"Manong, hindi po jan ang papuntang-"

Naputol ang sinasabi ko nang lumingon siya sa'kin at tutukan ako ng baril.

"Shut up!" Mala-demonyo siyang ngumisi.

Nalaglag ang panga ko.

"Lucas?" hindi makapaniwalang sambit ko.

Nakakatakot siyang tumawa.

"Ginulat ba kita?"

"Lucas! Anong ibig sabihin nito?" Nangilid na ang mga luha ko.

"Ang ibig sabihin nito ay hindi matutuloy ang kasal niyo ni Alezander. Ang kulit mo rin kasi hindi ka makaintindi ng hindi kayo pwede!" galit na sigaw niya.

Napahagulhol ako at sinubukan kong guluhin siya sa pagmamaneho niya pero agad niyang naihinto ang kotse at bumaling sa akin.

"Akin ka lang..akin lang!"

Tinakpan niya ang ilong at bibig ko. Unti-unti akong nahilo hanggang sa tuluyang nawalan ng malay.

Nagising ako sa isang abandonadong lugar. Nakatali ako sa isang upuan. Nasa harap ko ang nakangising si Lucas.

"Paano mo nagawa sakin ito, Lucas?" Muling namuo ang luha sa mga mata ko.

Umangat ang sulok ng labi ko. "Kung hindi ka rin naman sa akin babagsak ay hindi ko hahayaan na maging masaya ka, kayo ni Alezander!" Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya.

"Walang hiya ka! Pakawalan mo ko dito!" Napahagulhol na ako.

"Ginawa ko lahat para sa'yo. Minahal kita at pinahalagahan tapos ibabasura mo lang ako? Hindi ako makakapayag, Kyril!"

Magugustuhan mo rin ang

          

"Good job, Lucas."

Nalaglag ang panga ko nang makita kung sino ang dumating.

Ang daddy ni Alezander.

"So how's the lovely bride?" Mala-demonyo siyang ngumisi. Lumapit siya sa akin at lumebel.

"Hindi kayo pwedeng ikasal ni Alezander," matigas na sabi niya.

"Hindi kayo magkakatuluyan!" Umalingawngaw ang galit na boses niya.

"'Yon ang akala mo! Ang akala niyo! Kahit anong gawin at paghadlang niyo, sa huli kami at kami pa rin ni Alezander!" galit na sigaw ko.

"Talagang ipipilit mo? At ano ang kaya mong itaya para sa pagmamahalan niyo?"

"I can risk everything!" sigaw ko.

Mala-demonyo namang humalakhak ang daddy ni Alezander.

"You can risk everything? Even his life?" Panghahamon ng daddy ni Zander.

"Anong ibig mong sabihin?"

Lalong dumilim ang mga mata ng daddy ni Zander.

"Isinilang si Alezander upang ipang-bayad sa isang napakalaking utang na loob. At pag-aari na siya ng mga Hidalgo bago pa man siya isilang!"

Lalong lumiyab ang galit na nararamdaman ko.

"Anong klaseng ama ka? Wala kang kwentang ama!"

Pinisil ng daddy ni Alezander ang pisngi ko.

"Tito!" saway ni Lucas.

"Hindi ko tunay na anak si Alezander! Inampon ko lang siya. Pinakain, binihisan, pinag-aral para sa pagdating ng araw ay maayos ko siyang maibibigay sa mga Hidalgo. Alam ni Alezander ang bagay na 'yan at alam niya ang magiging kapalit kung susuway siya. He risk his life for you. Are you really worth it?"

Umiling-iling ako. "Anong sinasabi mo?"

"Alezander is bound to marry the unica hija of Hidalgo's to merge our businesses. Iyon ang hininging kabayaran ng mga Hidalgo para sa napakalaking utang na loob ko. Pinili naming mag-asawa na mag-ampon para mas maging madali ito sa amin, but you ruined all of this. Inilagay mo sa bingit ng kamatayan si Alezander! So tell me are you really worth dying for?"

Umiling-iling lang ako at pilit na inaabsorb ang sinasabi ng daddy ni Alezander.

"May malaking sindikatong hawak si Vice Mayor Hidalgo. Ayaw na ayaw niya ang bumabali sa napagkasunduan. At kung hindi susunod si Alezander ay papatayin siya ng mga Hidalgo maging ako at ang asawa ko! At hindi ako makakapayag na pati kami ng asawa ko ay mamatay. Kaya naisip ko, kung ilalagay lang din ni Alezander ang buhay namin sa kapahamakan bakit hindi na lang ako mismo ang pumatay sa kanya? Tutal hindi ko naman siya anak! So are you really with dying for?"

Napahagulhol ako. "Wag please. Hayaan niyo siyang mabuhay."

"Ikaw ang makakapagligtas sa kanya ,Kyril. His life is in your hands," sabi ng daddy ni Alezander sabay ngisi.

"Gagawin ko ang lahat."

"Putulin mo ang koneksyon mo sa kanya! Lucas, give me the pen and paper."

Agad namang sumunod si Lucas sa kanya.

"Here. Sulatan mo siya. Write him all the hurtful words that will make him hate you. Patayin mo ang pagmamahal niya sa'yo. It's the only way for him to live. Hindi ko man siya mapatay natitiyak akong ipapapatay siya ni Vice Mayor."

Pinunasan ko ang mga luha ko at nagsimulang magsulat.

Mabubuhay ka nang matagal, Alezander.

"Umiiyak ka nanaman jan," sabi ni Ate Kim.

Chasing Love (Chasing #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon