Chapter 5

35 2 0
                                    



"Bakit ka nakaupo dyan?" Bungad na tanong sa akin ni Riza ng madatnan nya ako sa classroom. Ningitian ko sya. "Don't tell me nagpalipat ka ng section?"

"Bakit ayaw mo ba?" Tanong ko. Hindi ko sinabi sa kanya dahil gusto ko syang surpresahin.

"H-Hindi naman sa ganoon pero –"

"Don't worry, hindi ako magiging sagabal sa pag-aaral natin hindi kita kukulitin o ano. Gusto ko lang mainspired kaya nagpalipat ako. O saan ka pupunta?"

"Pupunta ako sa upuan ko" Kinuha ko ang bag nya at inilagay sa bakanteng upuan sa tabi ko.

"Dito ka na muna, sige na"

"Alam mo dinadaan mo ako sa lambing kaya hindi ako makatanggi nyan eh" Sabi nya sabay upo.

Nagsimula na kaming magklase kung dati bored na bored ako sa subject naming Humanities ngayon ay hindi na dahil katabi ko na ang nagbibigay sa akin ng inspirasyon at syempre nahiya naman akong hindi mag-aral ng mabuti.

"Gutom ka na ba?" tanong ko ng vacant namin.

"Medyo, ikaw ba?"

"Oo, sige labas ako para mabilhan kita" Hindi ko na hinintay ang sagot nya tumayo na ako at lumabas patungong canteen. Bumili ako ng egg pie dahil yun ang favorite niya bumili na rin ako ng sa akin dahil gutom na gutom narin talaga ako. Nakakagutom mag-aral sabi ko sa isip isip ko.

Pabalik na ako sa classroom ng makita ko si Riza may kausap sa phone, bigla nyang ibinulsa ang cellphone nya ng makita nya akong parating.

"Steve.."

"Sino yung kausap mo?" I asked. Inabot ko sa kanya ang binili ko.

"Ah friend ko lang, tara meryenda na muna tayo" Pag-iiba nya. Nitong huling araw napansin kong madalas syang may kausap sa phone kung hindi naman ay puro text sya. Hindi ko na lang sya tinatanong dahil baka sabihin nyang hindi ko man lang sya bigyan ng privacy. Ngunit hindi ko maiwasang magtaka.

Maaga kaming pinauwe dahil may faculty meeting ng mga teachers namin.

"Mall tayo?" tanong ko habang nililigpit ko ang binder ko. Tinignan ko si Riza, abala na naman syang nagtetext at parang tuwang tuwa pa sya dahil nakangiti sya habang nagrereply sa katext nya. "Sino ba yang katext mo?" Pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. Tumayo na ako.

"Ano yun Steve? May sinasabi ka?" tanong nya.

"Ah wala, sige ituloy mo lang yang pagtetext mo"

"Steve naman eh.." tumayo na rin sya at sinundan ako. "Sorry na, sige hindi na ako magtetext. Hatid mo na lang ako sa bahay. Ano, sorry na tayo honey" paglalambing nya. Gusto kong magmatigas pero kung ganitong naglalambing sya sino ba naman ako para tannggihan sya.

"Kung hindi lang kita mahal eh" Sumakay kami ng jeep at hinatid ko sya sa bahay nila. Iwinaglit ko na sa isipan ko yung nangyari kanina siguro masyado lang akong nagiisip ng iba.

"Hi Tita, good afternoon po" Bati ko sa Mama ni Riza. Sobrang close kami ni Tita at turing na nya sa akin ay para naring anak. Ilan beses narin akong dumalaw sa kanila kaya lahat sila ay naging close ko na.

"Nagmeryenda na ba kayo?"

"Hindi pa Ma" si Riza ang sumagot.

"Mabuti na lang nagluto ako ng carbonara"

"Carbonara Tita, wow naman tataba ako nito"

"Oo, alam ko kasing favorite mo yun Steve. Halina kayo"

"Salamat Tita ha, ang lakas ko talaga sainyo"

"Ma, alam nyo ba sinusundan ako nitong si Steve"

"Classmate mo na sya?"

ART OF LETTING GOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon