Chapter 9

3 0 0
                                    

" San mo nakilala tong' anak ko? magka klase ba kayo? lagi ba kayong magkasama?" tuloy-tuloy na tanong ni papa kay Mikelle habang nasa hapag kainan na kami.

" ano ka ba naman Henry, pakainin mo muna yung bata bago ka magtanong dyan. Para kang pulis kung makapag-interrogate dyan." buti naman at sumungit na si mama baka kasi bukas pa kami makakain sa kakatanong ni papa..lalangawin kami dito.

" Kumain ka ng marami Hijo ah. masarap yan wag kang mahihiya" sabi ni mama kay Mikelle.

" opo,salamat po." ang bait nya ha. kala mo santo!!! (~_~)

" syempre naman mama! masarap talaga to' kasi luto mo! ano bang niluto mo na hindi masarap!" sabi ko kay mama. Proud lang na anak.. ^_^

" ay naku Anja, nambola ka pa." sabay kurot kunwari ni mama sa tagiliran ko.

" Totoo mama. ikaw pa! the best ka!"

" oo na." napapailing na sabi ni mama.

Ayaw maniwala? hehe

pagtapos naming kumain hindi na ko pinatulong ni mama na magligpit. Asikasuhin ko malang daw ang

" bwisita " ay este, " bisita " ko.

" akalain mo te' may nabulag pa sayo? sa itsura nyang yan nahumaling pa sayo? tsk.tsk.tsk. kawawa naman." pang-aasar ni Josh sakin. Loko talaga! di ko lang to kapatid, nakuuuu! ipapa-rape ko to sa mga bakla!! hihihihi.. pero syempre joke lang yun.. love ko yan kahit pang-asar..

*poink*

nabatukan nga.

" anong nabulag ka dyan? di ko yan manliligaw no!"

" ano!? edi boyfriend mo na ate!!???"

gulat na gulat na tanong nya.

" baliw! di ko yan manliligaw o boyfriend, schoolmate ko lang yan!" as if naman noh!!

may standards naman ako sa isang lalaki kahit never pa akong nagkaka boyfriend..

Trivia: NBSB AKO!!

" ganun ba. akala ko kasi eh. ngayon ka lang naman kasi nagdala ng lalaki dito te' . "--- Josh

sabagay, ngayon lang naman talaga ako may nadalang lalaki dito sa bahay. at take note ang pagkakapunta pa ni Mikelle dito ay unexpected..

" kapag may lalaki bang dinala dito manliligaw o boyfriend na agad? di ba pwedeng kaklase o schoolmate lang?"

" well ate, sa kaso mo OO! at sa palagay ko mukhang parehas kami ni papa. Tingnam mo, kung mag usap sila ang seryoso, parang hinahabilin kana ate..hahaha" sige pa kapatid. isa nalang sisipain na kita papuntang batanes..

dahil sa sinabi ni Josh napalingon ako at nakitang seryso nga silang dalawang nag uusap. Si papa nagsasalita samantalang si Mikelle nakikinig lang ng mabuti.

Dun ko lang din na realize ang sinabi ng kapatid ko na baka na mis-interpret ni papa si Mikelle as a manliligaw na hindi naman.

lumapit ako sa kanila kaya natigil ang pag uusap nila at tumingin sakin. Tumabi ako kay papa at kumapit sa braso nya.

" ah, papa anong pinag uusapan nyo?" tanong ko.

" wala naman nak' kinakaliskisan ko lang to'."  pertaining to Mikelle. ano siya Isda? kinakaliskisan?

" hehe,papa.. ano ka ba naman  di mo naiintindihan. di ko yan manliligaw papa. schoolmate lo lang siya." paliwanag ko.

" ha? eh akala ko naman manliligaw mo. di naman niya nilinaw. wala naman siyang sinabi. " takang taka si papa..

AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon