ONE SIDED

182 3 2
                                    

"TITUS!!!" *blag blag blag* "TITUS GUMISING KANA!!!"

Aist. Asar si ate. Sarap ng tulog ko e. Ang lakas pa ng kalabog niya sa pinto ng kwarto. Ano bang trip niya? Dafuq.

"TITUS GISING NA!! ANONG ORAS NA OH?!!!"

(OoO) FAAAAAAAAAAAAK! First day of school pala ngayon! 7:00 AM na!

Bumangon na ako at tumakbo palabas ng kwarto. Eto talaga ang epekto ng pag gagala kahit may pasok kinabukasan.

Oo nga pala. Ako si Aeron Titus Bautista. Aeron/Ron/Ronron/Tus o kahit ano. Simpleng lalaki. Ibig sabihin, hindi ako yung perfect guy o Prince Charming na gustong gusto ng mga babae. Di naman daw ako panget but, I can be better than those cute or handsome guys in other ways.

Natapos nakong maligo, magbihis at kumain ng kaunti. Paalis na ako papuntang school pero bago yun sinermonan muna ako. Yea, Imma good boy.

Heto na tayo! Haba ng pila sa sakayan ng trike. Putspa talaga! Siguradong instant celebrity ako neto sa school. Wala e! 7:20 na samantalang 7 AM yung pasok ko.

10 minutes pa akong naghintay bago makasakay. Pero alam kong late na ako kahit anong mangyari. -__-

Nung nakarating, nakababa at nakabayad na ako, tumakbo kagad ako papasok ng school. Umakyat na ako sa 4th floor dahil nandun yung room ko.

Nung enrollment palang, sinabi na kagad kung anong section ko kaya medyo easy easy nalang.

Nung nandun na ako sa tapat ng room, nakita ko kagad si Joshua sa loob na nakaupo, tropa ko. Gagski talaga! Magkakasama kami kagabi pero ako lang yata tong na-late samin. Eto at nakatingin yung mga mokong na bago kong kaklase. Sabi ko na nga instant celebrity e. Ganto pag late.

"Oh, buhay kapa! Akala ko nananaginip kapa sa mga oras na 'to e. Hahaha!"

Oo, lumapit siya para mang badtrip.

"Monggoloyd! Haha! Nasan na nga ba adviser natin?" Kung di ko 'to kaibigan siguradong suntok sa muka ang abot neto sakin.

"Pumunta yata sa registrar."

Buti at mahigit 30 minutes lang akong late. Hinintay ko pa yung adviser namin bago ako pumasok. Baka kasi mapagalitan ako e. Buena mano kung magkataon. Haha

Dumating na yung adviser namin. Kinausap ko kagad siya tapos tinanong niya kung anong pangalan ko. Tiningnan niya sa list kung nandun nga yung pangalan ko tska niya ako pinapasok sa room.

Dun nako umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Joshua.

May kumausap sa kanyang babae. Di ko kilala. Siguro di niya rin kilala. Tinanong yata siya, pero di ko narinig kasi di ko naman pinakinggan.

Nung pinagmasdan ko yung babaeng yun, parang may kakaiba. Naks! Lakas maka LOVE-AT-FIRST-SIGHT na sinasabi nila pero alam kong hindi ganto yun, basta iba.

Lumipas ang mga oras na walang ginawa kundi mag introduce ng sarili, isulat ang personal informations at kung anu-ano pa.

Alam ko na yung pangalan nung babaeng nagtanong kay Joshua. Siya si Kristine Reign. Simple yung dating. Mukha namang mabait.

Pano ko nalaman? Nag introduce nga e? Tsssss.

Eto na yun, uwian na.

"Brod, dun na daw nila tayo hihintayin sa baba para sabay sabay na tayong umuwi." sabi ni Joshua.

"Sige. Pano yung chics mo?" Asar ko sa kanya.

"Sinong chics?! Yung Kristine Reign? Hahaha! Oo maganda siya pero mas bagay kayo e."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One SidedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon