CHAPTER 8
JC'S P.O.V
Nagpipigil lang akong hindi tumawa ng makita ko ang reaction ni Em. Hanggang ngayon parin pala, wala parin siyang magawa kapag si Tita na ang nantitrip sa kanya.
"So, ano simulan na natin?"pagtatanong ko pa sa kanya. Pansin ko namang natigilan siya"Ha? Simulan ang ano?"lutang na tanong pa niya. Lihim naman akong napangiti, ang cute pala ng babaeng ito kapag ganito.
"Iyong meeting? Para sa project? Bakit? May iba pa ba tayong dapat simulan?"painosenteng tanong ko pa. Dahilan para mapaiwas ito ng tingin
"Sabi ko nga, pag-usapan na natin ang about sa project, nang matapos na! Nang hindi ko na kailangang pagtiisan iyang mukha mo"
Grabe talaga itong babaeng ito kahit kailan! Wala talagang patawad ang bibig. Pasalamat pa nga siya mabait ako, kung Hindi kanina ko pa ito tinapon. Ang sama ng ugali eh!
"Akala mo ba ikaw lang ang nahihirapan? Mas nahihirapan ako no? Bangungot para sa akin ang makita ka, ano pa kaya ang makasama ka" patutsyada ko naman. Kita ko namang umirap ito
"Eh iyon naman pala eh, bakit ka punta ng punta dito? Pwede naman secretary mo na lang?"taas-kilay na tanong nito.
"Eh kasi po, ako mismo ang gagawa ng design. Kaya dapat lang na ako ang makausap mo" paliwanag ko naman. Nakangisi naman itong lumapit sa akin, kaya medyo nailang naman ako kaya napaisod ako.
"Aysus! Ayaw mo pang aminin...may Crush ka sa akin" kindat pa nito bago lumayo. Umarte naman akong nasusuka.
"Yuck! Ikaw? Crush ko? Magugunaw na ba ang mundo?"nadidiring tanong ko.
"Alam mo Ark, libre lang ang umamin" pang-aasar pa nito, kaya naman tiningnan ko siya ng masama.
"Wala akong aaminin! Kaya tumigil ka diyan! Kaloka kang babae ka! Baka ikaw pa ang may HD sa akin!"turo ko sa kanya.
"Wow! Gwapo ka? Di naman di ba? Kaya huwag ka ng umasa, di ka nga papasa sa standard ko eh. Mas gugustuhin ko pang maging single for life kaysa pumatol sayo"sagot naman niya.
Grabe talaga siya ano? Ang brutal talagang magsalita! Ang sarap sungalngalin ang bunganga.
"Di naman talaga ako gwapo ah! Kasi MAGANDA AKO!" diniinan ko pa para damang-dama. Pero ang bruha tumawa lang na parang may magandang joke akong sinabi.
"Inang! Maganda ka? Maganda na tawag mo diyan sa mukha mo? Eh kamukha mo lang ang aso ko eh! Mas may itsura pa nga yata iyon sayo"
Parang gusto ko ng maiyak dahil sa mga panlalait niya sa akin. Ipaghalintulad ba naman ako sa aso? Mapapatay ko talaga ang aso niya kapag nakita ko. Di ko matanggap na mas may itsura pa sa akin ang aso.
"Sobra ka naman! Sa dami mong pagpaparisan sa aso pa talaga?"himutok ko pa.
"Bakit? Saan mo ba gusto? sa kabayo?"parang wala lang na tanong pa niya.
Hindi ko na talaga kaya! Sobra na talaga siya! I kennot!
Tumayo na ako at akmang lalabas ng...
"Uy! Uy! Saan ka pupunta? Di ba may pag-uusapan pa tayo? Ang pikon mo naman, para iyon lang eh! Aalis ka na? Bakla ka nga"
Pinakalma ko muna ang sarili ko, saka nakangiting humarap sa kanya.
"Ako pikon? Di kaya! Di naman ako aalis eh, ilalock ko lang ang pinto para walang abala" nakangising sagot ko. Kita ko namang medyo natense siya
"Anong gagawin mo? Bakit kailangan nakalocked pa ang pinto?"
Halata sa boses niya na kinakabahan siya. May kinatatakutan din pala ang babaeng ito.
"Wait, kinakabahan ka ba? Wala naman akong gagawing masama ah! Ikaw ha! Masyadong madumi ang isip mo! Bad iyan!" umiiling na sabi ko. "Bakla ako, ano ka ba?! Erase! Erase! Kung anong nasa isip! Napaghahalataan tuloy na may pagnanasa ka sa akin..tsk..tsk" dagdag ko pa. Dahilan para mamula siya sa galit.
Hahahaha! Sa wakas! Nakaisa din!
ELIZA'S P.O.V
"Bakla ako, ano ka ba?! Erase! Erase! Kung anong nasa isip! Napaghahalataan tuloy na may pagnanasa ka sa akin..tsk..tsk"
Wait! Ano raw? Anong sabi niya? Ako may pagnanasa sa kanya? Yuck!
"Hoy baklang masama ang mukha! Kapal mo! Ako may pagnanasa sayo? Bakit may kanasa-nasa ba sayo?" Inis na baling ko sa kanya. Kita ko namang nawala ang ngisi niya.
Ha.ha.ha! Akala ba niya panalo na talaga siya? Di ako papatalo ano!
"Bakit personal ang atake mo?! Ang sakit mo namang manlait!"hinaing pa nito.
"Hoy! Hindi panlalait ang tawag doon, pagsasabi iyon ng totoo" paglilinaw ko pa. Dahilan para lalo siyang mamula sa galit.
"Sumusobra ka ng babae ka!!!"pikon na sabi pa nito.
"Opps, kulang pa iyan sa kaya kong gawin" nakangisi kong sabi, sabay kindat sa kanya bago naupo na ulit.
Masyadong marami ng oras ang nasasayang. Madami pa kaming kailangang pag-usapan.
"Maupo ka na, di ba may pag-uusapan pa tayo"poker face na utos ko sa kanya. Nakatingin lang naman siya ng parang di makapaniwala sa inasta ko.
Kanina lang ay nakikipagbangayan ako sa kanya, tapos ngayon seryoso na? Sadya naman magugulat siya!
"Seriously? After ng bangayan natin? Naisip mo pa talaga iyan?" Di makapaniwalang tanong pa niya. Pinagtaasan ko naman siya ng kilay.
"Bakit? Di ka pa ba tapos? May baon ka pa ba? Kasi ako game pa. Iniisip lang kita, baka maglupasay ka diyan! Baka akalain nila inaway kita" balewalang sagot ko.
Padabog naman itong naupo, saka masamang tumingin sa akin.
"Huwag kang masyadong tumitig, baka mainlove ka niyan! Ikaw din, iiyak ka lang" hirit ko pa. Agad naman nitong inalis ang tingin sa akin.
"Asa ka! Tinitingnan lang kita, kasi iniisip ko kung paano ko babangasan iyang pagmumukha mo. Nakakainis eh" patutsyada naman niya. Nagkibit-balikat lang naman ako.
"Masyado ka na bang naiinggit sa mukha ko at gusto mong bangasan? Sabagay di kita masisisi, sobrang ganda ko kasi eh. Kaya mainggit ka!" Pang-aasar ko pa.
"Grabe! Lakas ng hangin! May bagyo ba?"tanong pa nito.
"Oo, meron! 'Bagyong maganda ako'" sagot ko pa.
"Edi wow! Ikaw na! Ikaw na ang gandang-ganda sa sarili!"sabi pa niya, na may kasama pang pagtaas ng kamay na animo'y sumusuko.
Napailing na lang ako, gustuhin ko man tumawa kaso pinipigilan ko. Baka kasi mainlove pa siya! Mahirap na, sisihin niya pa ako.
"Ang bilis mo namang sumuko.."komento ko
"Minsan kasi mas mabuti ng sumuko na lang, kaysa patuloy kang lumaban pero sa huli masasaktan ka lang"
Ay! Hugot si bakla! May pinagdadaanan lang? Kaloka!
"Hay! Ano ba iyan! Magsimula na nga tayo!"sabi pa nito. Nagkibit-balikat na lang ako.
----------
Anong team kayo?
*team JC, or
*team Em?😂
BINABASA MO ANG
Nang Magbiro Ang Tadhana (Completed)
RomanceSo, It's you" Dahan-dahan naman akong napalingon at ganun na lang ang gulat ko ng makita ko kung sino siya.. "What the! Anong ginagawa mo dito?" Napasmirk naman siya sa akin "Di ba dapat ako ang nagtatanong niyan sayo? Anong ginagawa mo dito...Sa TE...