Para kay Donna at Leomar

23 3 0
                                    

Si Leomar. Si Donna.

Ang totoong nagmamahalan sa kwentong ito. Ang totoong bida. Ang totoong may karakter. Hindi ako. Sumingit ako kaya nasira ang lahat, kaya naging kumplikado.

First day.

Naupo ako sa pinakadulong upuan pero pinalipat ako ni Mr. Yoso sa tabi ng isang gwapong nilalang na ang pangalan ay Leomar. Masaya akong pinagmamasdan siya tuwing nakatutok siya sa prof naming natuturo ng Quadratic Equation. Negative b plus and minus the square root of b squared minus 4ac over 2a. Naintindihan ko dahil sa kanya. Natingin ako sa notes na sinusulat niya kahit hindi niya ako napapansin.

Masaya akong natatanaw ko lang siya. Kahit malayo, ayos na sakin.

Second week.

Naupo ako sa pinakadulo ng classroom kung saan katabi ko ang basurahan. Tulad ng hindi pagpansin sa akin ng mga tao, hindi ko rin pinapansin ang amoy ng basurahan. Hanggang sa dumating ang lunch break. Nagulat ako nang palapit siya nang palapit sa akin. May hawak na styro na mukhang pinagkainan niya pa. Nakatitig ako sa kanya at tila nag-slow motion ang lahat hanggang sa naishoot niya ang hawak niya sa basurahan sa tabi ko at saka naglakad palayo sa akin.

Napansin niya ako.

May pumansin sa existence ko!

Simula noon, hinangaan ko na siya nang palihim. Ginawang inspirasyon at sinubaybayan ang bawat paggalaw. Masaya ako. Masaya akong napansin ako ng isang Leomar. Napansin ako ng isang sikat na nilalang.

Hanggang sa dumating si Donna, ang pinsan kong mayroon ang lahat bukod sa pagkawala ng pamilya niya. Marami rin ang humanga sa kanya. Maganda e. Matalino. Mabait. Maganda ulit. Nasa kanya na ang lahat.

Hindi ko masasabing inagaw niya sa akin ang lahat pero. . .si Leomar. Halatang may gusto sa kanya.

Hindi man niya aminin, nahahalata ko. Sa tingin pa lang niya sa pinsan ko, alam na. May gusto siya. May gusto siya sa pinsan ko. May gusto siya kay Donna.

Isang linggo. . .

"Leomar, may hihilingin sana ako. . ."

"Ano iyon?" sagot niya. Hapon na at buti na lang ay wala nang tao dito sa classroom. Talagang kinuha ko ang pagkakataong ito na kausapin siya at subukan ang bagay na gusto ko.

Alam kong mangyayari na ito. Alam ko na ang lahat ng sasabihin niya pero pinili ko ang masaktan. Pinili ko ang alam kong makakasakit sa akin. Pero anong masama? Anong masama sa pagsubok? Ako lang naman ang nasaktan e. Wala nang iba pa. Ako lang naman e. Ako lang mag-isa.

"Si Donna. . .alam ko," pagsisimula ko. "Alam kong gusto mo siya. Alam kong siya ang gusto mo. Alam kong siya ang mahal mo."

"T-teka. Ano bang sinasabi mo?" sabi niya na halatang naiilang sa lahat ng narinig niya.

"May sikreto akong sasabihin sayo. Gusto ka rin ng pinsan ko. Kaya. . . pakiusap, Leomar. Alagaan mo siya. 'Wag mo siyang papaiyakin."

"Pero, Rency. Ikaw ang nagpaiyak sa amin."

"Hindi, Leomar. Mali ka. Ako ang iiyak sa oras na masaktan mo siya. Iiyak ako at sisisihin ko ang sarili ko. . .buong buhay."

Ngumiti ako sa kanya na parang walang nangyari at nagulat na lang ako nang yakapin niya ako.

"Salamat, Rency."

Walang anuman.

Nagparaya ako. Palaging nangpaparaya. Ano pang magagawa ko? Minsan na akong naging bida sa isang kwento kaya ngayon, gagawin ko ang lahat para mabago ang mga nangyari. Kayo ang bida. Okay lang na masaktan ako. Okay lang, basta para sa ikasisiya niyo. . . masaya na rin ako.

The NarratorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon