Pagkatapos ng nangyari ay lumabas muna ako. Gusto ko munang mag isip.
Di parin ako makapaniwala na akoy ikakasal na! Bata pa ako! Gusto ko pang pagsawaan ang pagiging dalaga!
Umupo muna ako sa aming tambayan dito sa bahay. Nakakamangha talaga ang mga bulaklak ni ina dito. Nakakakalma.
"Binibini."
Agad nag iba ang aking emosyon. Diko inaasahang sinundan niya pala ako. Talaga namang ginagalit ako ohhh.
"Halika nga dito. Kanina pa kita gustong kausapin e. Nakakarami kana sakin!" Agad kong sabi ng makita ko sya
Lumapit naman siya at tumabi sakin. Talagang!
"Hoy. Kanina kapa ahh. Ako'y naiinis na ng sobra say-" natigilan ako ng sinyasan niya akong tumigil.
"Sige na. Ayoko ding magpakasal sayo. Alam kong ayaw mo din. Diba?" Tinitigan niya ko. Psh.
"Kung di kalang pumunta sa aking silid, sana ay walang kasalan na magaganap!" Tinitigan padin niya ako. Ano bayan. Naiilang ako.
May mukha naman pala to ohhh. Pwede nadin! Medyo natulala ako ng titigan niya din ako.
"Eheem. May sasabihin ka ba? Bat moko tinititigan?" Nagulat ako ng magsalita siya ulit. Ayyy, galit nga pala ako sa kanya. Hihi Galit ako.
"Bakit kaba nasa aking silid! At nakahubad kapa talaga? Ang lakas ng loob mong pumasok ng ganon ang ayos?" Taas-noo kung sabi sa kanya. May gusto ata to sakin eh.
"Gusto mo talagang malaman?" Tumango lang ako bilang sagot. Kaya nga nag tanong diba? Haay naman.
"Maniniwala ka kaya?" Sabi niya ulit
"Tignan natin. Kung maniniwala ako. Sabihin mo na. Kanina pa ako naiinip." Sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanya.
Ang kisig niya! Baka mawala ang galit ko pag tumingin pa ako sa kanya. Nemen ehh. Galit nga kasi ako. Galit ako. >_<
"May hinahanap lang akong libro. Ewan ko kung bakit sa inyong tahanan ako naghanap ng una. May iba lang akong naramdaman ng iba. At naghanap nadin ako ng damit."
Kunot noo akong napatingin sa kanya. Di kapanipaniwala.
"Bat ka naman nakahubad? Nagmamarijuana kaba Ginoo?"
Siya naman ang kumunot ang noo. Oooppss.
"Ano yon?" Tanong nya. Ngumiti nalang ako at umiling. Ang hina naman nito.
"Bat ka nakahubad? May nangyari ba sayo?" Ginahasa ata to e? Sa gwapo namang tao to? May mangangahas talaga. Hihihi
"Diko pwedeng sabihin." Tumingin siya sa mga halaman. Kumikislap kislap pa ang kanyang mga mata. Iba talaga ang mga bulaklak ni ina.
"Maniniwala ako."
Nakita ko kung pano nag iba ang kanyang reaksyon sa gulat. Bakit? May mali ba?
"Basta't sasabihin mo lang ay purong katotohanan." Dagdag ko pa.
Tinitigan niya ako ng matagal. Tila binabasa niya ang nasa isip ko. Medyo nakakailang ang titig niya ahh.
Nagulat ako ng lumapit siya sakin.Hahalikan niya ba ako? Teka lang. Ang lapit na talaga! Di pa ako handa!
***