Chapter 1

39 5 1
                                    

Maaga akong gumising dahil ito ang unang araw ng pasukan. Medyo kinakabahan ako dahil unang taon ko ito sa kolehiyo. Psychology ang napili kong kurso dahil nababaliw-baliw na ako nitong mga nakaraang buwan. Ang weird pero gusto kong pag aralan kung anong nangyayari sa utak ko at baka makatulong kung Psychology ang kurso ko.

"Rence!" tinawag ako ni Kristine paglabas ko ng pinto ng bahay namin.

"Kanina ka pa jan sa labas?" tanong ko.

"Medyo hehe." Sagot niya.

"Bakit hindi ka kumatok?"

" Baka kasi mag abala ka pang ipagtimpla ako ng coffee kaya hinintay nalang kitang lumabas."

"Tara pasok na tayo sa University." Inakbayan ko siya at hinalikan sa noo.

Magkaiba kami ng kurso ni Kristine. Business Management ang kinuha niya dahil iyon talaga ang gusto niya noong highschool palang kami. Wala naman akong gustong kurso kaya naman psychology nalang ang kinuha ko gawa nga ng mga kakaibang nangyayari sakin.

Nakarating na kami sa University of Rizal System. Sinamahan ko muna si Kristine hanggang sa mahanap namin ang classroom niya. Pagkatapos non ay hinanap ko naman ang akin. Naglalakad ako pababa ng hagdan nang biglang nadulas ang babaeng nasa unahan ko. Hindi naman malala ang masama lang eh natawa ako ng bahagya at narinig niya iyon. Bumangon siyang mag isa pagkatapos ay lumingon sakin.

"Wala na talagang gentleman na lalaki sa panahong ito!!!" nakasimangot niyang sigaw sakin.

Sa lakas ng boses niya ay naglingunan ang ibang estudyante sa paligid.

"Sorry miss, hindi ko sinasadyang matawa." Paliwanag ko.

"Kainis!" sabay talikod at naglakad nang muli.

Shit napahiya si ate mo girl dahil pinagtawanan ko at napahiya din ako sa ibang estudyante dahil sa pinakita ko. Malas naman bad impression agad sa first day.

"F-ck!" napamura ako nang makita kong muli ang itim na nilalang sa kalagitnaan ng mga estudyante sa pasilyo.

Nagtayuan ang mga balahibo ko habang nakatulala lang sa kanya. Pinikit ko ang aking mga mata at sa muli kong pagdilat ay nakita kong muli sa aking unahan ang babaeng nadulas kanina. Muli nanaman akong nasa hagdanan. Heto nanaman tayo umulit nanaman ang mga pangyayari!

Nadulas uli ang babae pero sa pagkakataong ito ay sinalo ko na siya.

"Ayos ka lang miss?" tanong ko.

"S-salamat sinalo mo ako." Pagpapasalamat niya.

"Walang anuman, mag iingat ka sa susunod." Paalala ko

"Sige." Sagot niya.

"Kasi hindi lahat ng lalaki sasaluhin ka kapag nahulog kana."

Hindi ko alam kung bakit bigla akong napabanat nahiya tuloy ako bigla(Face palm). Tinulungan ko siyang tumayo at pagkatapos ay umalis na siya.

Woah! Salamat sa pangitain ko nabawi ko yung dapat na bad impression na naging good impression pa.

Pero...

Pangitain nga ba talaga iyon? Bakit parang totoo? Ang weird talaga. Hindi ko naman maibahagi sa iba yung nangyayari sakin dahil baka hindi sila maniwala. Baka sabihan pa akong bida-bida ng mga kaibigan ko.

Ilang minuto pa ng paglalakad ay nahanap ko na ang classroom ko. Medyo madami ng tao doon, pumasok ako ng nakayuko dahil mahiyain talaga ako kapag maraming tao. Agad akong pumunta sa bakanteng upuan sa gitna. Linapag ko ang bag ko saka umupo sa upuan. Inikot ko ang aking mga mata sa paligid para tingnan ang mga kaklase ko. Nagulat ako nang makita kong nakaupo sa bandang likuran ko yung babaeng nadulas kanina. Kaklase ko pala siya. Busy siya sa cellphone niya kaya hindi niya pa ako napapansin. Halos nakumpleto na ang mga kaklase ko at napunuan na ang lahat ng upuan pero hindi padin ata ako napapansin nung babae.

"Bro, pwedeng umupo sa tabi mo?" tanong sakin ng matabang lalaki na may kaliitan ang tangkad.

"Sige lang bro." sagot ko.

"Dee nga pala." Pakilala niya.

Ang weird lang dahil nagpakilala siya sakin kasi kadalasan sa lalaki ay hindi nagpapakilala sa kapwa lalaki sa unang pagkikita. O baka hindi lalaki?

"Rence." Pakilala ko.

"Yown! Ayos na bestfriend." Tapik niya sa likod ko.

Bestfriend agad? Ang weird talaga at medyo naiirita ako dahil madaldal siya. Ang dami niyang kwento labas-pasok naman sa tainga ko. Dapat pala hindi ko ito pinaupo sa tabi ko. Sana pangitain lang ito para naman tatanggihan ko siya, sasabihin ko may naka-reserve na sa tabi ko. Kung kelan naman kailangan saka hindi nangyayari.

Dumating na ang aming professor. Nagpakilala siya at pagkatapos non ay kami naman ang nagpakilala isa-isa. Ayos, ito na ang pagkakataon para malaman ko ang pangalan ng babaeng iyon. Wala naman akong gusto sa kanya, hind ko din siya type at siyempre una sa lahat may girlfriend na ako. Wala lang curious lang akong malaman. At dumating na nga ang oras na magpapakilala siya.

"Hello goodmorning!" pakilala ng katabi niya.

Nagtawanan kaming lahat dahil ginaya niya yung isang sikat na meme. Akala ko kasi siya na talaga pero heto na magpapakilala na yung babae. Tinalasan ko ang aking pandinig para marinig ko kung ano ang boses niya pati ang pangalan niya.

"Ako nga pala si Clarice Diaz, nice to meet you all!"pakilala niya.

Time Repeater Sequel (Dejavu)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon