Chapter 16: His Playful Smile

30 1 0
                                    

CHAPTER 16

Juuri's POV

 

It's been a week since that call from Arren. At hanggang ngayon, hindi pa rin niya ako pinapansin. I did many things to make up for that stupid, childish mistake I did. Pero sadyang pakipot siguro yung lalakeng yun. Kahit text man lang wala. Minsan naman nag g-gm siya pero feeling ko ako ang pinapatamaan niya. Nanghingi nga ako ng tulong sa mga kaklase ko kahit hindi pa kami masyadong close. Sadyang "feeling close" lang talaga ako.

Masakit kasi sa dibdib kapag may taong galit sa akin tapos ako yung may kasalanan kung bakit galit siya sa akin. Kaya minsan hindi ko na dinidibdib, nililikod ko nalang. De joke! Masakit sa heart! T_T

As I was saying, I did thing many things ... many stupid things ... again. -_-

Para akong boypren na nahuling nambabae. Babae nga pala ako. (Tanga lang? XD)

2nd week of June na ngayon. At may close friend na rin ako. Actually, katabi ko siya. Remember Calleigh?. Ganda ng name. Astig no? First impression ko sa kanya ay masungit. Pero iba pala. Madaldal siya as in SOBRANG DALDAL. At dahil siya nga ang Class President, early bird na siya. First week of June hindi siya early bird. Napagalitan nga siya kaya maaga na siyang pumapasok.

Today is monday and it's a wonderful day. Wonderful nga ba?

"Bye Dad!" sabi ko kay Daddy tas kiniss siya sa cheeks. Magsasalita pa sana si Daddy pero kumaripas na ako. Magtatanong na naman yun kung bakit ang aga ko daw umalis. For sure pipigilan na naman ako nun.

6:00am pa lang nasa school na ako. 7:00am ang start ng klase namin. Konti pa lang ang mga tao. Kadalasan pag monday ay mga classroom officers ang maaga dahil may flag ceremony every monday. Sila yung organizer kumbaga at hindi yung mga teachers.

Pagdating ko sa room, nandun na si Calleigh. Doing her usual routine in the class every morning. Ang mag-ayos ng mga gamit, walis ng konti at etc. Paunahan din kami sa pagdating sa room. Bakit? Trip lang namin.

"O Calleigh, wala pa bang dumadating na kahit isa sa mga classmate natin?" tanong ko kay Calleigh habang inaayos ko ang bag ko sa upuan.

"Meron na." sagot niya habang nag-aayos ng mga gamit.

"Sino?"

"Yung lalaking may earring. Yung tahimik parati na panay ang tingin kay Soah. Benzar ba yun? Venzel?" sagot niya habang nakatingin sakin.

"Ah. Ang aga ata niya ah?"

"Oo nga eh. Nauna pa sakin. At alam mo ba, pagdating ko kanina bigla nalang siyang lumabas ng room. Ewan ko dun. HIndi naman ako nangangagat." sagot niya

"HIndi nga ba?" natatawang tanong ko sabay karipas ng takbo. Bigla ko kasing naalala yung time na kinagat niya si Andre', yung seatmate niya. Kalabit daw kasi ng kalabit. Kaya dahil sa inis niya, hinablot niya yung kamay niya at kinagat. Nagulat nga kami nung ginawa niya yun kasi sobrang tahimik ng room tas bigla nalang sumigaw ng pagkalakas-lakas si Andre'.

"Loka ka talaga!" narinig ko pang pahabol na sigaw niya.

Sasagot pa sana ako ng biglang akong natumba. Nagbangga at natumba ng paupo pala. Ang sakit sa pwet! Syete!

Bigla nalang inabot nung nabangga ko yung kamay niya. Inabot ko naman yung kamay niya. Magso-sorry na sana ako ng makita ko kung sino siya. Agad niyang binawi ang kamay niya at naglakad palayo.

A Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon