The Carpenter

302 0 2
                                    

A.N. True Story (Sumalangit nawa ang teahcer namin nito)

Yung class namin ay nasa 2nd floor ng Stingers food court dalawa pwede daanan nun. Sa class kitchen at sa Food court mismo. Tatlo kasi yung rooms doon na HM class lang ang gumagamit. Ang isa ay parang practise room lang ng nag bobottle joggling o flairing. Tapos may hagdan then pinto papunta sa Bar room na minsan classroom sa ibang subj aside from bar class. Sa Bar room, makikita ang maliit na Bar sa left side ng pinto na parang yung nakikita talaga sa Bars, at may mga inumin at wines na nakadisplay tapos may counter at high chairs din, may round tables na kasya 5-6 students at mga plastic chairs para sa students, na minsan ginagamit din yung tables para mag table skirting practise. Glass yung window sa left side na makikita yung mga food stools sa baba, at TV sa dulo at whiteboard tapos may swing door papunta sa kitchen. May mga working tables, mga gasstoves sa right side then pintosa dulo, sa left side may mga Electric egg beater, refrigerators, at pwede rin bilang working table or lalagyan ng finish product.  Then sa dulo yung office ni Miss J. opposite ng swing door, teacher namin sa Baking at may whiteboard din na nadadala sa dalawang rooms kung saan kinakailangan. Aircon ang lahat ng kwarto at glass windows lahat.

                So ayan ang set up ng classrooms, ganito po kasi yun. Yung teacher naming c Miss L, may 3rd eye pala. Miss tawag namen sa lahat ng Faculty at staff sa skul kahit married or single ang mga female, Sir naman sa male.

                7:30 – 8:30pm ang class namin kay Miss L, nakalimutan ku na ang subj. na tinuturo nya. Ayun, nag lelecture na si Miss tapos bigla sabi niya “class be quite, we have a visitor.” Kasi medyu maingay na ang class, pagkasabi nya yun nagkatinginan kami kasi wala naman kumatok or tao sa may pintuan kasi kakoy may glass box sa may ulo banda na kasya ang ulo kaya kita talaga kung may tao. 

                “Eh wala naman tao sa labas miss.” Sabi nung kakalase ku sa may pintuan banda nakaupo.

                “Basta quite na lang” at nagpatuloy siya sa pagtuturo.

                Biglang nagswing ang swing door sa likod ni miss, eh natatabunan ng white board kaya sumilip aku kung may tao. Wala akung nakita, nanayu balahibo ku kasi yung pag swing ng door parang may tao na papasok o lalabas. Kinabahan naman aku at napaupo ng maayus.

                “wag nyu na lang pansinin class” sabi n Miss L.

                Hala, nagsilipan din pala mga kakalase ku nung sumilip aku sa ilalim para makita kung may tao sa may swing door. Nagsuswing pa rin ang pintuan, pero yung parang tapos na pumasok or lumabas yung nag bukas nun. Ayun lecture pa rin si miss.

                “Wag kayu matakot ha, nakikinig lang din yung tao na pumasok sa class natin.” Bigla singit ni miss sa lecture nya.

                Napasinghap naman kami nun, at tumingin sa bawat deriksyun, naku katakot naman, ‘bat samin pa.

                Ayan, natapos din ang class.

                “class dahan dahan sa pagbaba at wag masyado maingay, naiingayan kasi xa sa inyu.”

                Ayun siksikan kami sa paglabas at nagmamadali, kasi naman ‘di natin alam kung anu trip ng ghost nay un baka mabait o may galit. Paglabas namin sa may swing door bigla humangin, eh aircon naman ang classrooms at walang electric fan na maging sanhi ng kakaibang hangin. Takbo na kami palabas dun at diretso na sa kabilang pinto at bumaba lng kitchen lab. Kasi sarado na yung foodcourt kaya ‘di rin kami makadaan dun.

                A day after tomorrow sinabihan kami ni miss na may namatay na karpentero nuon sa pagpapatayu ng coliseum siguro siya yung nag mumulto dun, buti ‘di siya nang aanu. Kaya pinababayaan na lang namin. Ayun may nakasulat din sa dingding ng kitchen na in memory of ******* na nakasulat sa gold na parang papel sa right side ng cold kitchen. Hindi ku pinapansin yan dati, nun ku lang nabasa nung may nangyari na.
  ***nirenovate na ang kitchen na to do TESDA use kaya wala na ang plate na yun at medyo naiba na ang loob ng rooms na to

A/N: Send and share your story at phoebznutz@gmail.com

University Ghost story (Short stories) EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon